Chapter 16

1.7K 97 2
                                    

She has trouble soothing herself to calm down. Ibinaba ni Yvienne ang cellphone at tumingin sa nakabukas na pinto. Hindi na yata titigil pa ang kaba sa dibdib niya. Tumayo siya at naglakad palabas ng kuwarto habang ikinikiskis sa suot na pantalon ang kanyang mga palad.

Nasa labas ng bahay si Makki para kunin ang in-order nilang dinner at mga gamot. Ayaw ng lalaking may papasok doon kahit mga police pa mula sa lugar na iyon. Hindi nga naman ligtas na basta na lang magtiwala sa kung sinu-sino. Pero heto, siya naman ang hindi makahinga sa pag-aalala.

Mula nang matanto niyang may gustong pumatay sa asawa niya, pakiramdam niya'y laging may batong nakadagan sa dibdib niya dahil sa takot. Hindi siya takot para sa sarili niya. Natatakot siyang masaktan si Makki lalo na ang mapahamak ito. She even refused to imagine the tendency of it to happen to him. Not him.

"Please, God! Not him. Not my Mikael. Hindi ko kakayanin iyon," bulong niyang piniga ang kanyang kamao habang nakatayo roon sa may pintuan.

Amayya is in the couch, waiting too. Tumingin sa kanya ang babae. Malamlam ang mga mata nito. Ang mailap na mga pagkurap ay kababakasan pa rin ng takot at pag-aalala. Pero palagay niya ay mas kalmado na ito. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"I'm sorry, you have to worry for him because of me," pabulong nitong pahayag.

Marahan siyang umiling. "No, don't blame yourself. We wanted to help you. Worrying for him is normal, he is my husband and I love him."

Malaki ang tiwala niya sa asawa at sa kakayahan nito. He is death himself. He is the beauty in darkness. He owned it. But then, she realized, he is not invincible. He could still get hurt. She could still lose him no matter how skilled and formidable he is in her eyes.

Kumudlit ang saya sa puso niya nang makita niyang bumukas ang main door at pumasok si Makki, bitbit ang mga paper bag. His dark amber eyes gave her a gentle smile she knew she will always look forward to in this lifetime.

Sinalubong niya ang lalaki. She tiptoed and pressed a small kiss on his lips. Kinuha niya ang paper bags. He made sure the door is properly locked in double security features he upgraded himself.

"I'll just prepare these," boluntaryo niya.

"I can help," sabi ni Amayya.

"I think you should check the medicine, I did not gave them the particulars earlier. We get you what are available in the pharmacy," Makki told her.

Tumango si Amayya at inabot naman niya rito ang paper bag na naglalaman ng mga gamot. She glanced at Makki after looking what is inside those bags. May ilang damit din at undies. 

"Thank you," pasasalamat nito sa asawa niya.

Tango lamang ang itinugon ni Makki.
Nagtuloy siya sa kitchen at inasikaso ang dinner nila. Pagkatapos ihain iyon sa dining table ay binalikan niya ang lalaki at si Amayya. Kasalukuyang tinitingnan ng babae ang mga karton-karton na gamot at ointment. Si Makki naman ay pinuntahan niya sa loob ng kuwarto nila. Buhos ang atensiyon nito sa monitor toughbook. It was a military grade portable laptop commonly used only by the army.

"The food is ready," aniyang hindi na pumasok ng silid at naghintay na lamang sa pintuan.

Tumingin sa kanya ang asawa at tumango. "We are moving up tomorrow. It is risky to stay here for few more days."

"To Singapore?" tanong niya.

"Yes, to my place for the time being until this case of Amayya will be resolved. Vladimir is sending a private plane for us and reinforcement too."

Tipid siyang ngumiti. Hindi nga naman ito makakayang pabayaan ng mga kapatid nito. Ang mga taong naghahangad ng masama ay parang babangga sa isang higanteng iceberg at mas masahol pa sa fire tornado at thundersnow ang hahagupit sa mga ito kapag nagkataon.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon