Chapter 20

1.8K 97 10
                                    

Nag-riot na naman ang mga laman niya. Ang lamig at tila nagpupulsong mga karayom na nanunusok sa kanyang balat. Umangat ang paningin nito sa aircon. Naka-turned off ba iyon? Baka nakalimutan niya. Pakiramdam niya ay ipo-ipo ng yelo ang ihip ng hanging paikot-ikot sa buong kuwarto.

Inayos ni Amayya ang pagkakabalabal ng kumot at ipinatong ang baba sa mga tuhod. Pinisil-pisil niya ang mga daliri sa dalawang paa. Bakit ang tagal ni Makki? Hindi na siya makatitiis pa ng ilang minuto. Kinapa niya ang bote ng vitamin C na itinago niya sa ilalim ng kama at binuksan. Mahigit sampung bote na ng iba't ibang klaseng vitamins ang inubos niya mula nang dumating siya rito pero hindi naging sapat para mapahupa ang impeyernong nagliliyab sa kanyang mga laman.

Makki tried to find an alternative for her to resist the urge. She thought she can handle a month without taking anything but seemed the drugs have turned her body into a total garbage. Something in her brain is screaming for a shot. Hindi natuloy ang pag-inom niya sa 750 ml na Vitamin C dahil bumukas ang pinto at lumitaw roon ang matikas na bulto ng lalaki.

"It started?" tanong nitong mabilis siyang dinaluhan.

Kahit ang pagtango ay hirap siyang magawa dahil sa pangangatog. "Five minutes ago."

Inagaw niyo sa kanya ang bote. Tinakpan muli. "I told you this is not gonna get you any better." Ipinatong nito sa sidetable ang bottle ng vitamin. "Can you walk?"

"I...I don't think so."

Inalis nito ang balabal niya at kinarga siya. Mistula siyang sisiw na pinagkaitan ng init sa mga bisig nito. Palala ng palala ang pag-aamok ng kanyang sistema. Yumapos siya sa lalaki at isiniksik ang mukha sa leeg nito. Ang mainit na singaw ng katawan nito ay pinapahina ang pagkalat ng lamig. Umakyat sila sa palapag na may fitness room. Automatic na bumaha ang liwanag pagpasok nila sa dambuhalang pintuan. Ibinaba siya nito sa reclining chair. Sinuotan ng respirator mask tulad ng suot nitoa at running shoes.

Dinala siya nito sa treadmill. Silang dalawa ang sumampa roon. Nasa likod niya ito, nakaalalay. Hawak ang mga kamay niyang nakakapit sa kabilaang hand rail. Iginiya siya nito para tumapak sa mga paa nito bago nito pinaandar ang makina. Mabagal lang sa una ang pag-usad at sa tulong nito ay para na rin niyang naihahakbang ang mga paa. Hanggang sa nabawi niya kahit papaano ang lakas na kailangan. Paisa-isa niyang ibinaba ang mga paa at kusa nang gumalaw ang katawan niya ayos sa bilis ng pag-usad ng treadmill.

"Can we make it faster?" he asked behind her.

"Yes," tango niyang nagsimula nang umarangkada ang matuling pagbuga ng hangin sa ilalim ng suot na mask. Bumilis pa sila hanggang sa kailangan na nilang tumakbo upang tapatan ang tulin ng  canvass na tinatapakan. Unti-unting nangibabaw ang pagbayo ng kanyang puso at mga baga para makahigop siya ng hangin.

Bumitaw siya sa hand rail at pinakawalan na rin siya ni Makki. Bakas na lamang ng nanginginig niyang katawan ang naiwan sa kanyang pakiramdam. Humalili ang pag-angat ng init at pagputok ng kanyang pawis. Pagkatapos doon sa treadmill ay lumipat sila sa heavy bag. Isinuot ng lalaki sa kanya ang itim na boxing gloves. Nanonood lamang ito habang sumusuntok siya sa heavy bag na hindi niya matinag-tinag.

Saglit siyang iniwan ni Makki at nang bumalik ay may dalang towel at water jug. Ibinigay nito sa kanya ang tuwalya. Kinuha niya iyon at isinubsob doon ang pawisang mukha na natatakpan pa rin ng mask. Binuksan nito ang jug at tinanggal ang lock ng mask niya. Hinawi niya iyon pababa.

"What is that? Smells good." Ngumiti siya nang malanghap ang aroma ng inumin.

"Soy milk with ginger tea," pinainom siya nito. Matamis pero maanghang.

"Get back to running after this," he instructed.

Tumango siya, ang mga mata ay hindi maalis sa guwapong mukha ng lalaki. "Tulog na ba si Yvienne pagpunta mo sa akin?" tanong niyang inangat muli ang kanyang mask. "It's fun if she can join us here, isn't it?"

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon