Chapter 19

1.7K 88 7
                                    

Protecting the weak was something that he grew up with under the realm of Andromida's power. He was trained for it. Made himself a solid foundation of justice. Not the kind of blindfolded justice. There is no uncertain part in his principles. Not even room for hesitations and doubts. For him, a kill is a kill.

Makki inserted the flash drive at the port of his laptop and displayed the file he was looking in the monitor. Amayya's photos with details and information from his underground network. She is a real mess. An innocent young girl who trusted her dreams to wrong people.

Ibinagsak niya ang mabigat na kamay sa steel table at binuksan ang canned drink. Ibinaba ang suot na mask. Tinikman niya ang inumin habang hindi inaalis ang titig sa screen ng laptop. Magsisimula siya sa pinakapundasyon ng sindikato. Ang salot na mahirap tibagin sa paglipas ng panahon pero kailangan na niyang wasakin ngayon kung hindi marami pa ang susunod na magiging biktima.

"Makki?" Sumilip si Yvienne mula sa pinto ng control room. "Amayya is done with her evaluation." Pumasok ang asawa at naglibot sa buong kuwarto ang paningin.

There's nothing in there but machines and computers for his defense unit covering the perimeter of the entire island. Situated at the top floor of the house, while the offense unit is found at the basement. His weapons underneath are laser guided, effective under water, and in the surface. Some are his arts.

"Ano'ng resulta?" he asked closing the file. Inubos niya ang laman ng can at hinulog ang lata sa trash bin sa gilid ng mesa.

"She is cooperating calmly with the doctor. May ipapadala silang proposal para ma-address ang trauma at ibang underlying mental conditions na magsu-surface along the therapy. Grabe pala talaga ang pinagdaanan niya."

"There's a lot like her out there, struggling. Like any other issues, unresolved and we tend to ignore as if it is easy to find solutions even if we are not working on it."

"Yeah, sad reality. Nagmumula pa sa pillar ng ekonomiya na dapat ay nakatutulong."

"They're all part of a big cover up and women has been recorded as the highest bidder of these abusive trend."

"Buti na lang naglakas-loob si Amayya na tumakas at humingi ng tulong. Matagal-tagal na rin pala niyang tiniis ang pang-aabuso ng mga taong iyon sa kanya."

"Abuses destroys confidence. On top of our battle to defeat the stigma, some parts of it backfired in different types and forms. The common ones who are getting used to being always the victim of the system are no longer paying much attention."

Tiningnan ni Yvienne ang laptop at hindi na niya ito napigilan nang buksan nito ang file na isinara niya kanina. Matagal itong nakatulala sa maseselan na mga larawan ni Amayya at sa impormasyong nababasa nito.

Pagkuwa'y bumaling sa kanya ang asawa. "Masaya ako na tinutulungan mo si Amayya pero huwag mo nang tugisin ang sindikato. Founded na ang grupo nila. Hindi sila madaling kalaban."

"Gusto mong hayaan ko lang sila? That's illogical, diyosa. Ang mga taong iyon ay hindi ko na papayagang mabuhay at magpatuloy." Isinara niyang muli ang file at tiniklop ang laptop. "Alang-alang sa mga anak natin. Sa magiging mga kaibigan nila balang araw. Alang-alang sa iyo at sa mga taong mahalaga sa buhay mo. Silang lahat ay posibleng maging susunod na biktima. So long that I still have the strength, I will stop those people and seal them off below the ground where they belong. Hindi ko man sila mauubos, mabawasan ko man lang at mapahina ang puwersa nila." Inakay na niya ito palabas ng silid.

"At ikaw lang mag-isa ang gagawa niyan?"

"I am Deathsycthe, diyosa. Your Deathsycthe. I am the door to death." Muli niyang isinuot ang kanyang mask.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon