Chapter 29

1.6K 90 9
                                    

Kinakapos na si Yvienne ng hangin at nahihirapang huminga. Histerikal siyang nagkuwento kay Makki tungkol sa nangyari habang umiiyak. Natawagan kanina ng clinic ang asawa niya at sumugod agad ito roon. The doctor suggested some tests but she can't decide whether to undergo or not. Bawal pa sa kanya ang sumailalim sa ultrasound.

"Tell me everything later, okay? I need you to calm down and relax. You'll be alright, so as the babies." Yakap at halik ang salitan na ibinigay sa kanya ni Makki para lang kumalma siya pero hindi niya magawa. Alipin pa rin siya ng matinding takot. Paano niya matitiyak na nasa loob pa ng sinapupunan niya ang babies? Paano niya matitiyak na ayos lang ang mga ito?

"It's my fault, I should have waited you before I go out to meet Austin. I did not know he's-"

"We did not know," he continued in a gentle tone. "Blaming yourself is not right, diyosa. Wala kang kasalanan. Austin is one of your friends. Kahit ako, hindi ko iisiping may gagawin siyang masama sa iyo," patuloy siyang inaalo ng lalaki.

Humihikbing dinala niya ang kamay ni Makki sa kanyang tiyan. "Nararamdaman mo sila, 'di ba? Ang babies natin. Nandito pa sila, 'di ba? Hindi sila pwedeng mawala," humagulgol siya.

"Let me see the wound," umuklo ang asawa.

Walang pag-aatubiling inangat niya ang hospital dress kahit bumandera pa ang katawan niya'y wala siyang pakialam. Makki pulled the bed linen and covered the part of her legs up from exposing. Maingat nitong sinilip ang hiwa sa likod ng benda.

"Can we open it back? The stitches are no good," he said after checking.

Tumango siya. Hindi pa rin maampat ang mga luhang nabubulid pababa sa kanyang mga pisngi. Dama na niya ang kirot at hapdi. Unti-unti na kasing humupa ang pampamanhid na itinurok sa kanya. Si Makki mismo ang nagtanggal ng tahi at nakaalalay lang sa tabi nito ang nurse at ang babaeng doctor ay nanonood lang. Inilapit ng asawa niya ang mukha sa sugat at inamoy iyon.

"Makki?" Napansin niya ang marahas na paggalaw ng mga panga nitong nakaigting.

Nag-angat ng mga mata ang lalaki. "It's nothing, you'll be alright." Muli siya nitong hinagkan sa noo.

"Ang babies?"

"The babies are still there," he added and she believed him. She has no choice but to believe or else she would go crazy.

Pinilit niya si Makki na umuwi na lang muna sila ng mansion at magtawag na lang ng doctor para matingnan siya. Ayaw niyang mag-stay roon o ang pumunta ng hospital. Hindi naman ganoon kalaki ang sugat. Hindi rin naman siya maisasalang sa mga pagsusuri dahil kakausbong pa lang ng mga babies.

Hindi pa rin humupa ang rigodon sa kanyang dibdib habang nasa daan pauwi. Parang hindi man lang nabawasan kahit nakaubos na siya ng isang boteng tubig. Mula sa labas ng bintana ay ibinaling niya ang titig kay Makki. Hindi na nito naisuot muli ang mask.

"I've done a part of my mission, I can go find the remaining fruits and vegetables for you. Wala ka bang gustong idagdag?" banayad nitong tanong na alam niyang sinasadya nito para mapanatag siya kahit papaano at isantabi muna ang nangyari.

"Wala," iling niyang inabot ang panga nito. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Humagod pababa sa katawan nito ang paningin niya.

"The babies are less demanding than I thought," he tried striking a joke but she can only smile a little. Ayaw magpenetrate sa kanya ang ibang bagay at nakokonsensya siya sa effort ng asawa.

"Get me pregnant, Mikael." Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa kanyang bibig. Dinampian niya ng magaang halik.

***
Makki had to keep it low. Hindi niya pwedeng basta isiwalat ang nangyari kay Yvienne. Maselan din ang pagbubuntis ng kapatid nitong si Yvonne. Hindi makabubuti ang sobrang pag-aalala. Walang nagtangkang mag-usisa pagdating nila ng bahay kahit banaag ang pagkabahal at pagtataka sa anyo ng mga kasambahay.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon