Chapter 22

1.7K 90 9
                                    

Ibinaba ni Amayya ang mga kamay sa sementadong railing ng cottage at sabik na inaabangan ang bawat paglitaw ni Makki mula sa ilalim ng tubig. Tanaw niya mula roon ang lalaking may inaayos sa yacth na nasa harbor sa ibaba.

It's mid-morning and the heat of the sun blended with the cold breeze sweeping through the sea, bringing in the smell of salty and humid weather. Her eyes elated when she caught his huge built appearing on the surface tugging a massive blue rope. His dark tanned skin reflected lustrously in that diving suit he is wearing, leaving the upper part plunging around his waist.

Kapag binalikan niya ang panahong lugmok siya sa lusak ng pang-aabuso ng sindikatong bumihag sa kanya, ang takot niya mula roon ay tagos hanggang kaluluwa na halos ikamatay niya. Dumating siya sa puntong gusto na lamang niyang isangla sa totoong demonyo na makapangyarihan ang pagkatao niya at hilingin na sana ay mamatay lahat ng lalaking nabubuhay sa mundo. Hindi niya naisip na may katulad ni Makki.

She can't figure him out until now. Is he a hero or an angel in this modern times? He saved her mind from breaking down and her soul from getting lost. He restored her trust to humanity and her self-importance, taught her to respect herself even if no one is willing to give it back to her. And he did all these with no condition, without asking anything in return.

Kaya kampanteng siyang hawakan ito, kampante siyang hawakan nito at komportable siya kahit makita nito ang buong katawan niya dahil hindi nito pinaramdam sa kanyang may hangarin itong pagsamantalahan ang kanyang kahinaan. Kaya gusto niyang manatili sa tabi nito kasi naiintindihan nito ang maselan na kondisyon ng kanyang sistema. Gusto niyang magtiwalang muli sa mga lalaki at si Makki ang magiging pamantayan niya.

"And you're here watching him again." Isang malutong na palo ang lumagapak sa kanyang puwit.

"Ouch!" napahiyaw siya sa sakit, saklot ang kanyang pang-upo.

"Wala ka nang ginawa kundi panoorin ang asawa ko at maglaway sa kanya, bruha ka! Lumabis na iyang kakapalan ng face mo." Nagtalak na naman si Yvienne na pinandidilatan siya ng mga mata.

Nakasimangot na lumayo siya sa babae, himas-himas ang kumikirot niyang pang-upo. "As if naman mababawasan si Makki. Selfish ka masyado," himutok niyang inirapan ito.

"Ako, selfish?" Sinugod siya nito at pinisil ang mga pisngi niya. "Wife niya ako, siyempre ipagdadamot ko siya. Porke't maganda ka ganyan na kalakas ang loob mo? Lamang pa rin ako ng 99.9 na shower sa iyo!" Sinadya nitong palakihin ang mga butas ng ilong habang hinihilot ang mga pisngi niya na parang slime.

Natawa na lang siya. This is what makes the couple admirable for her. Yvienne has her own way of making her feel accepted despite of her status. Hindi siya nito minaliit at kapantay ang turing sa kanya kaya nagkakaroon siya ng panibagong tiwala sa sarili sa halip na mag-self pity na lang.

"Umamin ka, nilalandi mo ba ang asawa ko?" sikmat nitong binitawan siya at pinukol ng tanaw sa ibaba si Makki na nakasampa sa top deck ng yate.

"Nagpapalandi ba siya?" pabiro niyang tanong.

"Naniniguro lang, baka kasi pumupuslit ka na naman kapag nakatalikod ako." Yvienne rolled her eyes.

"If that is the case, huwag kang tumalikod." Humagikgik siya.

"Ganoon?" Niratrat siya nito ng kurot sa tagiliran at puwit.

"Ouch! Stop it!" Panay ang lundag niya at iwas.

"Ouch...ang arte!" gagad nitong ginaya siya.

Gumanti siya ng kurot sa singit nito at kiliti sa tiyan. Eksaherada ang mga tili nito na nagpatawa na naman sa kanya. Para silang mga batang nagkukulitan doon sa cottage. She never imagined she will have this chance to smile and laugh again even in the midst of her own battle.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon