Chapter 5

2.3K 118 28
                                    

Kalat ang buong cabin na ang tanging tanglaw ay ang nag-iisang giant panel light sa ceiling. Nakatimbuwang ang dalawang silya na tumalsik sa dingding. Nasa sahig ang mga prutas at ang tray. Si Yvienne ay nakalubog sa kama, bihag ng lalaking sampung beses ang lakas kumpara sa kanya.

He is pinning her hands over her head and her legs lost their power because of the weight of his knees nailing on them. She fought him. Judo against his mix martial arts. Hindi man lang siya makatama. Humihingal na binabawi niya ang lakas at kinakapos na hangin. Aliw na nakatitig sa kanya ang binata. Walang kangiti-ngiti bagamat may ningas na nakakubli sa likod ng malagkit nitong titig.

She's able to gather half of her strength back and waited for a chance. A small opportunity knocks when she succeeded moving her knees beneath him. Nailagan nito ang pag-igkas ng tuhod niya papunta sa pundilyo nito. Lumuwag ang hawak nito sa magkabuhol niyang mga pulso.  Bagamat hindi pa rin sapat para makalaya siya.

Nanlambot siya nang tumilapon pahiwalay ang mga hita niya at bumundol sa sentro ng kanyang pagkababae ang matigas na umbok sa groin nito. Kung wala siyang suot na shorts higit pa sa bulls eye ang tinamaan nito. Kagat ang labing nagbaga ang mukha niya. He is aware of it too. His muscles tensed up and the veins in his neck flares up like pulsing cables.

"Time out!" gigil niyang angil.

Pinakawalan siya ng binata. Pero humagod muna ang mga mata nito pababa at umunat patayo. Habol din nito ang hininga tulad niya. Hindi niya gusto ang pagkalat ng kakaibang init sa katawan niya at ang kirot ng kiliting pinukaw ni Makki sa kanyang pagkababae. Bumigat ang kanyang puson at alam niyang hindi ang sparring nila ang dahilan. Reaksiyon iyon ng pagkatok ng pagnanasa sa kanyang utak at mga kalamnan.

"You hold out pretty good," he complimented.

"I couldn't do anything, you're too strong." Bumangon siya at bumaba ng kama. "Pero hindi pa ako tapos."

Ngumisi ito. "Thought so." His stance shifted into an alert mode. "Come and get me, goddess..." mayabang nitong hamon at kinambatan siyang sumugod gamit ang dirty finger.

Sumugod siya. Dalawang magkasunod na straight jab. He tilted his head an inch and she missed his face. Isang follow-up na left hook ang ibinagsak niya. Tinapik lamang nito ang kamao niya. Pati ang tuhod niyang humampas sa harapan nito'y tumalbog lang sa palad nitong nakaharang.

She stepped back and released a powerhouse heel kick. He dodged it from a perfect angle gracefully and caught her foot right on his chest. Hinatak siya nito. Sumabay lang siya sa puwersa para hindi mawalan ng balanse. She rolled sideward in the air, with her other foot launch a roundhouse smash on him. Nasangga nito iyon sa braso. Lumapag siya  sa sahig na nakaluhod ang isang tuhod. 

"Damn, that was stunning..." he vented out smiling.

Ngumiti siya. Tumaba ang puso dahil sa papuri. Still no hit. She gave her best attacks already. Nagpahinga sila at pinulot ang mga prutas sa sahig. Hinugasan niya ang mga iyon sa loob ng banyo at inubos nila.

"What did you say?" bulalas niya habang pinakinggan ang ni-report ng assistant executive niya.

"There's an email sent to you, Ma'am. I'm sorry, I am trying to reach you for the past couple of days but you're out of coverage area."

Nawala sa isip niyang silipin ang kanyang telepono. Naging okupado ang utak niya kay Makki. Nagpaalam siya sa kausap at agad binuksan ang kanyang email. Nakita niya ang kabuuan ng report doon. Tinanggal siya bilang CEO ng Bri Precision Engineering.

But it is her company operating all over the twenty-four countries around Asia Pacific. Sa pagsisikap niya ay nakuha nila ang accreditation mula sa Physik Instrumente sa magkakasunod na mga taon. Naging major partner at supplier pa sila ng Asia Falcon.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon