They were observing her, Makki and Leihnard. From the other side of the stained-glass windows where sunlight painted pretty patterns through the panels. Sitting there in front of a round table. Nakatuon ang mga siko ni Yvienne sa mesa, salo ng dalawang palad ang mukha at tulalang nakatitig sa miniature ng kambal na bahay-kubong nasa harapan nito. Kinabahan na si Makki habang pinagmamasdan ang asawa. Hindi na nawala ang ngiti sa labi nito mula pa kanina nang i-ahon niya mula sa package box ang bahay-kubo na gawa ni Vladimir. Hindi na nga nito pinansin pa ang ibang laman ng package.
"What if she'd fall in love with Vladimir because of that freaking mini-hut?" Leihnard asked sounding worried.
Umungol siya at binigyan ng masamang tingin ang kapatid. "Do you think she is that shallow? Buntis siya sa mga anak ko."
"I know a lot of pregnant women who-fuck!" A jab in Leih's abdomen shut him up.
"She is different."
"She is odd."
"I can hear you!" biglang sabat ni Yvienne sa bored na nagpatahimik sa kanila. "And no, I am not weird. I'm fantastic. Umalis nga kayong dalawa, ang papangit n'yo. Si Vladimir lang ang guwapo."
Nagkatinginan sila ni Leihnard. Pangit daw sila at si Vladimir lang ang guwapo?
"What the hell?" pabulong niyang mura.
"Told you," anas ng kapatid niyang tila natutuwa pa kahit sinabihang pangit.
"She's joking," angil niya kahit hindi siya kumbinsido sa sinabi.
"Really? I think not."
Bumaling silang pareho sa may pintuan. Yvonne came in with a smile tugging in her lips. Sumaglit sa kanila ang mga mata nito habang papalapit ito kay Yvienne. Leihnard stepped forward to meet the Ragenei princess, he followed behind.
"Is that a nipa hut?" she asked, eyes are twinkling at the miniature.
"Very nice, is it? Vladimir made this for me," pagmamalaki ni Yvienne.
"Because I told him to make one," sumabat siya. Naiirita na siya. Kanina pa siya hindi pinapansin ng asawa. 'Yong bahay-kubo na lang ang nakikita nito. Kung hindi lang magtatampo ang mga anak niya'y ibabalibag niya palabas ang duwendeng bahay na iyon.
"Kakaiba ka rin, nagseselos ka sa bahay-kubo?" hirit ng kapatid niyang sumilay ang halakhak sa mga mata.
"Hold your tongue, Leihnard," babala niyang nginuya na ang mga bagang sa inis. "Bubunutin ko iyan."
"What is wrong with you?" Pinandidilatan siya ni Yvienne. Finally, she noticed him.
"Raxiine's lucky he chose you to be his bride," patay-malisyang sabi ni Leihnard kay Yvonne na nakamata lang sa kanila at naaaliw sa tingin niya.
"And Mikael is unlucky because he chose me?" bulalas ng asawa niya kasunod ang bigwas na sumapol sa ilong ng kapatid niya. Kaya namang iwasan ni Leihnard iyon pero sinadya nitong huwag gumalaw.
"Vienne! Don't do that!" shocked na hiyaw ni Yvonne. "Okay ka lang ba, Leih?" at binalingan ang lalaki.
"Isn't she brutal?" angal ni Leihnard, hinihimas ang namumulang ilong.
Ngumisi siya. "Mayroon bang hindi brutal sa mga hipag mo? Bawasan mo kasi iyang tangos ng ilong mo para hindi nadadali."
Bumaling sa kanya ang asawa. Nilalamon siya ng nagbabagang tingin. Lumayo siya ng kunti at baka siya naman ang mabagsakan ng dagok. Umirap ito. Nakatunog. Binitbit nito ang bahay-kubo at naglakad palabas ng silid. Para sa kanya makatarungan lang na magselos siya sa bahay-kubo. Paano kung mas gusto ng asawa niyang makasama iyon buong araw kaysa aa kanya? Magiging heartbroken siya dahil sa bahay-kubo at hindi sa ibang lalaki? Ang saklap!