Abala si Yvienne sa pagkuha ng magagandang anggulo sa mountain cape na sunod niyang ifi-feature sa kanyang vlog. Hindi lang sila ang naroon. Mayroong iilang turista na sinadya rin ang lugar na iyon para makita ang bundok na hugis kapa Nagtungo siya sa gawing dulo at sumunod sa kanya si Makki.
A group of ladies from the other side are gawking on him. But he is following her, his eyes are glued on her, making sure she is safe. He is wearing customized respirator, showing only his dark amber eyes and the fine bridge of his nose. The mask cannot really hide the chiseled edges of his face.
"Should we relax for a bit?" he said, handing her a bottle of mineral water with open lid.
Kinuha niya ang bote ng tubig at uminom. Mainit ang panahon at tagaktak ang pawis niya. Hinayaan na niya ang lalaki na punasan ang kanyang noo pababa sa kanyang mga pisngi.
"I have plenty of shots to upload later." Ipinakita niya rito ang mga larawan.
"Hm, wonderful. You've extracted the perfect light cutting in the space. Well done." His eyes smiled at her, making her heartbeat panting fast.
After that incident the other night, he became overly cautious with the people around them. He stood more like a bodyguard than a husband and lover. Kung maari lang siguro siya nitong itago sa bulsa ng pantalon ay ginawa na nito at ayaw niyang maging mahirap dito ang protektahan siya kaya sinusunod siya kung ano ang sinasabi nito tuwing nasa labas sila ng hotel.
Pababa na sila ng bundok at abala siya sa pagpipili ng mga litrato habang si Makki ay nakaalalay para maiwasan nila ang mga kasalubong na paakyat naman sa tuktok. Nang biglang isa sa mga turisa ay nabuwal patungo sa lalaki. Alertong nasalo ito ni Makki. Maagap rin siyang sumaklolo.
But it's a girl, wearing a dark red hooded cape. Nagkatinginan sila ng asawa nang makita ang mukha ng babae. Nangingitim ang pasa nito sa mukha at labi. Tadtad sa galos ang mga braso nitong humantad mula sa cape na maaring sinuot nito para maitago ang mga sugat. Binuhat ni Makki ang babae bago pa sila humakot ng atensiyon mula sa mga dumaraan.
"I think we should stop by at the hospital," sabi niya pagkasampa nila ng nirentahang sasakyan.
Umiling ang lalaki. "We still don't know what's going on, things might get risky if we took her to the hospital."
"But..."
"She just passed out. We'll wait until she wakes up then plan on what we do next."
Hospital at police station dapat ang pinupuntahan nila sa ganitong sitwasyon. Hindi na siya nagkomento at tumahimik na lang habang nagmamaneho ito pabalik sa kanilang hotel. Maraming hindi magandang senaryo ang tumatakbo sa kanyang isip habang nasa biyahe. Walang basement parking ang hotel kaya umagaw sila ng pansin sa lobby pa lang. Wala namang sumubok na sitahin sila. Kahit ang mga guwardiya ay nakamasid lamang.
"We can't stay here for another long night," pahayag ni Makki habang lulan sila ng elevator at pangko nito sa mga bisig ang walang malay-taong babae, sa likod nito ay nakasabit ang bag pack niya.
Tumango siya. Bakit ba lagi silang napapasubo sa ganitong tagpo? Is this another girl from the native groups here in Zavala? Sinapit nila ang suite at nagmamadaling binuksan niya ang pinto gamit ang card nila. Sa couch muna nilapag ng asawa niya ang babae. Mababaw ang paghinga nito at tila nagkakamalay na. Sadyang nanatiling mahina ang constitution kaya hindi pa rin nito magawang idilat ang mga mata.
"What are you doing?" sita niya sa lalaki nang tangkang huhubarin nito ang damit ng babae matapos itabi ang cape at ang bag pack
"I'll check her bruises and if she has deep cuts."
"No! Baka kabilang na naman siya sa mga ethnic groups dito sa Zavala. I'll never deal with their culture and traditions ever again." Itinulak niya ang asawa. "Ako na ang titingin. Tumalikod ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/287330384-288-k95420.jpg)