CHAPTER 6

118 16 2
                                    

_______

Flashback 

Nangangalakal kami ni Kuya Vince ng Basura nun, ng  makita ko ang isang Village, Ang gagara ng mga bahay nakakamangha Mula sa Gate palang nito ay tila Napakayaman na ng mga may ari nito

Pumasok kasi kami ni Kuya sa Isang Village, Mabuti nalang at kilala na namin ang gwardiya si Manong Ted kapitbahay lang din namin kaya hindi na kami nahirapan pang makapasok sa loob. Kung siniswerte ka nga naman, lalo na pag mayaman e' yayamanin din ang mga basura

"Kuya maghiwalay na muna tayo, magkita nalang tayo sa Entrance nitong Village mamaya pag napuno na natin itong dalawang sako ng Bote at plastic!"

Tumango si Kuya "Sige, Basta mag-aantay ang mauuna ah?"

"Opo"

Pagkatapos nun ay naghiwalay na nga kami ng Daan, Lalo pa't napakalaki ng Village. Sa hinaba-haba ng pagalakad ko ay natagpuan ko nga itong unang bahay na nadaanan ko, Ang laki! Kulay Kahel ang Malaki at malapad nilang Gate ngunit kahit na malaki na ang kanilang Gate ay kita ko parin ang Taas na tila nasa Tatlong palapag nilang Bahay

"Wow! Ano kaya ang itsyura ng bahay na iyan sa loob?" Maang kong tanong habang nakatingala sa itaas ng biglang may bumusinang sasakyan sa likuran ko

nagulat ako ngunit agad din naman akong Tumabi at namangha ng makita ang biglaang pagbukas ng Gate.. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok roon ang Kotse.

"Waah pati kotse ang gara!"

Binalak ko pa sanang sumilip sa loob ng tuluyan na ngang makapasok ang Kotse ang kaso lang, agad akong pinagsarhan nung Maid tss. Mukha siyang palaka!

Nakanguso ko nalamang na tinungo ang Basurahan na nasa Gilid ng Gate nila, Napangiti ako sa tuwa ng makitang Tatlong piraso ng Itim na lagayan ng basurahan ang meron doon. Waow! sana may Cellphone char lang!

Aakma ko na sanang bubuksan ang isang lagayan ng bigla ko na namang madinig ang pagbubukas ng Gate, Napamaang bagang ako dahil sa gulat ng makita ang kaklase ko noong grade six ako na si Donny!

"D-Donny!?" Singhap ko

Ngumiti siya, saka ako inabutan ng isang Paper bag, Di ko alam kung ano o para sana yun kaya tinanong ko siya

"Ano yan?"

"Para sa'yo, Me and my parents went out di naman ako kumain kaya sabi ni Mommy i-uwi ko nalang daw yung food for the maids, but when I saw you kanina nung nasa sasakyan palang ako naisip ko na.. mas importante ka kesa sa Maids *Chuckles* Sa'yo na" Aniya

Namula ata ako sa sinabi niya dahil bigla ko nalang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko, Nahihiya kong tinanggap ang alok niya Shempre hindi na ako tatanggi sa grasiya ano'

"Salamat, Uhm—Dito ka pala nakatira?" Maang kong tanong

tumango-tango siya't nilapitan ako, nagulat naman ako kaya umatras ako. Kaloka' kagagaling kolang sa pagpupulot ng basura ano' Ang baho ko samantalang siya jusmio apaka-fresh!

Napansin niya yata ang pag layo ko kaya napatigil siya sa paghakbang at buong pagtataka akong pinakatitigan

"Is there something wrong?" Inosente niyang tanong

"Hala wala uy! Ano lang kasi, nakakahiya kung lalapit ka pa kasi ang baho-baho ko at madumi, kita mo naman" Tinuro ko ang basurahan nila at Sakong hawak ko "Kagagaling kolang sa pagpupulot ng basura at—nagpupulot parin ako, baka marumihan ka"

Ang akala ko'y mandidiri siya at pagtatawanan niya ako o di kaya'y i bu-bully pero nagkamali ako dahil imbes na layuan niya ako e' mas lalo pa siyang lumapit saakin at bigla nalang Yumuko upang pulutin ang Isa pang sako na dala ko kanina na nabitawan ko dahil sa pagkataranta

[MAYDON] "COME BACK DUNE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon