Masarap matulog pag Ulan! HAHAHA Godbless! ( ╹▽╹ )
________
Ano ba kasi yun
Its our second Day today in Capones Island at plano sana ni Dune na mag-underwater Dive raw sana kami kasi marami raw magagandang tanawin sa ilalim ng karagatan, ang dami ko raw makikitang isda na klase-klase ang kulay at laki yaon nga lang at sa kalagitnaan ng pagkikwento niya ay biglaang Umulan. Hays. Panira si ulan ng moments.
Pinagmasdan ko nalang si Donny habang muling ibinabalik sa lalagyan ang Dalawang Divings gear na para sana saamin. Bagsak ang balikat kong naupo sa couch ng Yatch, kasalukuyan kasi kami ngayong nasa yate niya.
"I think we should go back to the house Dale, mukha kasing mas lalo pang lalakas itong Ulan. I just heard from the news sa radio na may Malakas raw na bagyo ang tatama sa Luzon at kahit pa malayo tayo sa maynila aabot parin iyon dito. Isa pa, I just read a local tide table, hightide pala ngayon nakalimutan ko nang icheck kahapon sa sobrang excitement na makakapagdiving tayo together but then now sadly..di talaga pwedeng mag-dive. Lumayo-layo na muna tayo sa tubig." si Dune
Pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit hinarap niya ako at naglahad ng kamay. Nakanguso ko iyong tinanggap, Wala rin naman akong magagawa. Kesa naman magstay dito' ano! tapos biglang lumaki yung tubig at nagsisipag languyan yung mga pating papunta sa'min jusko mababaliw na ako sa kaka-overthink!
"Okay."
Bumaba na nga kami kahit na umuulan.
"Let's just run" aniya
Tumango ako't sinabayan siya sa pagtakbo habang magkahawak ang aming mga kamay.
_______
Pagkarating namin sa bahay niya agad siyang nagtungo sa Ref upang kumuha ng Tubig sa pitchel inilagay iyon sa baso at ibinigay saakin.
"Here, Drink this pagkatpos niyan maligo ka na para hindi ka lagnatin."
Tumango ako't agad na sinunod ang kaniyang sinabi. Medyo pinihit ko sa katamtamang init at lamig ang shower dahil malamig na nga sa labas at sa bahay pati ba naman sa pagligo ko malamig parin. Suminghap nalamang ako habang hinuhubad isa-isa ang mga damit ko at nagtungo na sa loob ng Shower room.
Ilang sandali pa'y tapos narin ako. Di na ako nag-abala pang mag-ayos dahil agad na akong bumaba upang hanapin si Dune.
"Dune?"
Tinatawag ko siya pero walang sumasagot. Baka nasa banyo pa at naliligo kaya pinasya ko nalang na magtungo sa Sofa at nagbukas ng Telebisyon.
"Lah walang signal? teka asan ba yung antena? ay! di pala to de-antena hays ang shunga ko naman." Napangiwi ako sa kawalan. napapadalas na pati ang pagsasalita kong mag-isa. Jusko
Baka dahil sa lumalakas na ulan sa labas kaya walang signal tch.
Tinungo ko nalamang ang lagayan ng mga CD's at naghalungkat roon. Kahit papano naman siguro may mapapanood ako dito ano?
Ang daming CD's na pwedeng pagpilian yaon nga lang at nakakapagod maghanap dahil sa dami nila.
"Titanic, Avengers.. hmm.. Ghost.." I pouted, how bout.. nag-isipisip pa ako kung alin sa mga ito ang papanoorin ko hanggang sa kinalaunan ay .. "Ghost nalang. Di ko pa napapanood to." saad ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
[MAYDON] "COME BACK DUNE"
RandomI let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our time has an end And i lost you again.. But This time... You can't be with me again..