Hi po! nawawala-wala po yung signal dito sa'men sensya na. Dapat kahapon pa to e' ang kaso bigla-bigla nalang talagang nawawala gaya ngayon. Pero sana po magustuhan niyo parin. GODBLESS‼️☺️🥳
______Ilang hakbang pa at natatanaw ko na ang Bahay na sinasabi ni Dune. Napapaligiran ito ng mga nagtataasang punong kahoy.
Napamaang bagang ako sa nakita. Hindi naman gaanong malaki ngunit ang ganda ng disenyo nito. Plain white and brown ang kulay. mini up and down house na may terrace sa itaas. Salamin ang bawat dingding nito maging ang Teracce. Oh wow! maganda siguro dito pag umuulan, kitang-kita mula sa labas ang bawat patak ng tubig ulan..
Nagmamadali akong tumungo sa bahay ngunit ng makita kong lock pa ang pinto nito. Sinimangutan ko si Dune. He saw my reaction and it seems like he's enjoying it kaya mas sinimangutan ko pa siya."Buksan mo na bilis!"
"Alright, Alright" aniya nang natatawa "Di mo naman sinabing excited ka palang pumasok sa loob. E' kani-kanina lang diba't nakikipagtalo ka pa para lang ibalik ko ang Yate? and—you even accused me."
I hissed at it. Oo na, alam ko nang mali yung ginawa ko kanina okay? pero pagod na ako eh. Ayaw ko nang makipagtalo pa. Isa pa, sino ba namang hindi marerelax sa ganda ng tanawin dito tapos dumagdag pa tong Bahay niya. Heol! i can stay here forever if forever does exsist in me. *Pout*
Agad akong pumasok at iginiya ang aking mga mata sa loob. Mayroon siyang salas. May mahabang couch roon na kulay kahel. Magmumukha akong couch pag naupo ako dun dahil sa suot kong coat niya na kulay kahel rin. Humakbang uli ako upang igiya ang sarili sa kung saan hanggang sa mapadpad nalang ako sa isang parte ng bahay na sa tingin ko ay Kusina niya, may doublesize refridgirator na kulay grey. kumpleto sa gamit ang kitchen. May microwave.. mga aparador sa itaas na kulay puti na naglalaman ng klase-klaseng cannedgoods, cupnoodles at iba pang pagkaing iinitin nalang at makakain na o di kaya'y easy to cook foods, good for lazy days. Meron ding puro Biscuits, at bigsizes Nova at tempura. Para siyang chimpmunks na nagtatago ng pagkain. Napangiti nalang ako sa isiping yun hanggang sa iginiya nalang ako ng mga paa ko sa Mini bar niya. Woah ang dami niya rin palang klase-klaseng liquor. Ngumuso ako roon ng makita ko ang isang Redwine na tila nabuksan na at nangangalahati nalang. Naglalaway ako dun kaya wala nang paa-paalam basta ko nalang kinuha yun sabay bukas at tinungga.
Naubos ko ang laman niyon and Gaaaaad its sooo good!
"Enjoying yourself huh?"
Napadilat ako at napabalikwas sa aking kinatatayuan sa labis na pagkagulat. Nakalimutan ko na atang kasama ko pala si Dune at—nasa bahay niya ako.
magsasalita na sana ako to say something when suddenly..
"Burffffff!"
Oh gosh!
BINABASA MO ANG
[MAYDON] "COME BACK DUNE"
RandomI let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our time has an end And i lost you again.. But This time... You can't be with me again..