___________
Linggo ngayon, Maaga akong ginising ni Mama dahil magsisimba raw kaming buong pamilya.
Masaya ako kasi ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapagsimba kami ng sabay. Bukod pa dun, masaya rin ako dahil maayos na ang pakikitungo saakin ni Mama ngayon, Sana magtuloy-tuloy na to.
"Anak dala mo ba ang gamot mo? baka umatake iyang sakit mo."
Tumango ako
"Opo Ma."
"Ako na magdadala ng bag mo May, Pumasok ka nalang dun sa Kotse." Ani Kuya habang inaagaw ang Bag ko.
Napahikgik nalang ako dahil Hindi naman mabigat yun. Si kuya talaga..
"Tara na." Ani Papa ng makasakay na kaming lahat
Ang daming tao sa Simbahan tuwing linggo, kaya talagang inagahan namin dahil baka wala na kaming maupuan pag Nagtagal pa kami.
Pagkapasok sa Simbahan, Sa unahan kami naupo. Para madinig talaga ang mga sasabihin ni Father Pio.
__________
FATHER SERMON
"Ang buhay Natin ay Pinahiram saatin ng Diyos, Maging ang ating mga katawan. Kaya nga, Dapat natin itong Pangalagaan at hindi pinapabayaan O pagmamalabisan. Templo ng Diyos ang Ating mga katawan, Huwag natin itong gagamitin sa kasamaan.. Tulad nalang ng ginagawa ng iba sa panahon ngayon. In 1 Corinthians 6:19-20 he asks, “Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, whom you have from God? You are not your own, for you were bought with a price. So glorify God in your body.” Kaya kailangang pangalagaan natin ito, Sapagkat ang Diyos ay maawain sa mga sumasamba o sumusunod at naniniwala sakaniya ngunit Huwag nating kalimutan na ang Diyos ay makapangyarihan din kaysa sa Lahat. Kayang-kaya niyang bawiin lahat sa atin sa isang Iglap lang."
Sa naging sermon na iyon ni Father Pio ay napaisip ako.
Naging pabaya ba ako saaking katawan noon? Kaya—binabawi niya na ito ngayon?
Lahat ng panahon ko halos iginugol ko sa paghahanapbuhay. Ni Ayaw kong magpahinga.. Para sa pamilya ko. Pagmamalabis na ba iyon?
*Sigh*
Siguro nga naging pabaya ako.
"Pagkauwi natin sa bahay, Magluluto ako ng paborito mong Ginataang bilo-bilo." Mahinang saad ni Mama sa gitna ng byahe.
Sa pagkakasabi niyang iyon namangha ako.
"Talaga po?"
Nakangiting tumango-tango si Mama, Ang saya ko! Ngayon ko na naman uli matitikman ang luto ni Mama, tapos Ginataang Bilo-Bilo pa!
"Thankyou Ma! Namiss ko po yung Luto ninyo!" Masiglang sambit ko
Napangiti rin siya, Pinagmasdan ko ang kamay niyang tumungo sa palad ko upang hawakan ito. Medyo nakadama ako ng kaunting lungkot ng makita ang biglaang pagpalit ng Ekspresyon ni Mama, May namumuo naring mga luha sakaniyang mga mata.
"Mahal na mahal kita anak, Pasensya na kung naging gahaman ako at nakalimutan ko nang magpaka-ina sa'yo, sa inyo ng mga kapatid mo. Babawi ako anak. Lalo na Sa'yo hmm? Nandito lang si Mama..Mahal kita Maymay ko." Aniya sa nanginginig ng boses pagkuway hinalikan ako sa Noo at Niyakap
Hindi ko narin tuloy napigil ang luha kong umagos saaking pisngi. I hug her tight as well.
___________
BINABASA MO ANG
[MAYDON] "COME BACK DUNE"
RandomI let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our time has an end And i lost you again.. But This time... You can't be with me again..