Hi po! sorry sa pag hihintay! GODBLESSYOU ALL and belated Merry Christmas tapos Advance Happy Newyear sa lahat! best wishes, love our parents wholeheartedly po also our sibs‼️🥳_________
Kakagaling ko lang ng banyo ng makarinig ako ng sunod-sunod na tunog ng Doorbell, kahit naka bathrobe di ako nagdalawang isip sa pagbaba at tungo sa Gate upang tignan kung sino ang Nagdodoorbell. Wala naman akong naalala na may inorder akong something? o baka sina Mama meron.
Napanguso ako sa isiping wala na naman sina mama at mga kapatid ko. Hays, Its 8 o'clock in the morning at wala na sila dito-Ni hindi na ako gaanong nagkakaroon ng pagkakataong makita sila dahil sa palagian nilang pag-alis.
Napabuntong hininga nalamang ako sa kawalan and slowly open the gate. It was a messenger man.
Nakangiti siya saakin ng may iniabot siyang isang Sobre kunot noo ko iyong binuksan upang tignan kung ano ang nasa loob. Its an invitation card.
"Thankyou" sabi ko sa lalaki, tumango ito at umalis na
Pagkatapos kong maisarang muli ang Gate saka ko na binuksan muli ang sobre upang basahin ang nakasulat sa loob.. An Invitation from Bethany and Paolo's Wedding Anniversary. Si kuya Paolo siguro ang nagpadala nito. Ibinalik kong muli ang Invitation card sa loob ng Sobre at inilapag iyon sa Mesa ng Living room saka ako muling Umakyat ng aking kwarto.
I have no plans in going there, panigurado kasing nandudun din ang Fiancé ni Dune. Isipin ko palang yung pakiramdam na makita silang magkasama ulit nasasaktan na ako so i think it would be better na hindi nalang ako uma-tend sa Event na iyon. I'm sure His family understands.
Pagkapasok ko saaking kwarto agad kong hinubad ang suot kong Roba at binuksan ang aking Closet upang ng sa gayon ay makapagbihis na ng biglang tumunog ang Cellphone ko na nasa Nightable katabi ng kama ko. Buong pagtataka ko iyong tinungo, it was from an unknown number so i have no idea kung sino ang tumatawag. Sinagot ko iyon
"Hello?" My voice sounds questioning the person na nasa kabilang linya
Nag-antay ako ng kaniyang sagot and when i heard him cleared his throat napasapo na ako saaking sentido. I know it was kuya Paolo..
Hays.
"Hello Dale? Narecieve mo ba yung Invitation?"
Tumango-tango ako, as if kaharap ko lang ang kausap ko.
"Yeah.." Walang gana kong sagot
"Okay good, You coming? Oh no' I mean Dad was expecting you to come so make sure pupunta ka talaga ha? And also Sam wants to see you again.. you see? my Son really likes to bond with you *Chuckles*"
Napangiti ako ng madinig kong binanggit niya ang pangalan ni Sam pero sa kabilang banda naman gusto kong tumutol sa kagustuhan nilang umatend ako sa Event..
"Kuya kasi Uhm-"
"Oops! No Uhmm Dale!" agad niyang awat saakin "No buts also okay? Pumunta ka dahil gusto ka naming makita ulit okay? Gusto mo bang ipasundo nalang kita diyan sa Driver ni Dad?" Ang Kulit.. T^T
Bumuntong hininga ako at tamad na naupo saaking kama bago siya sinagot
"No No need kuya i can drive on my own..." Muli akong huminga ng malalim "Okay, I'll be there in an hour. Bye" Pagkatapos niyon ay pinatay ko na ang tawag
Inis kong naitapon ang aking Cellphone sa kama at nakapangalumbabang tumingin sa kawalan.. ng masagi ko ang aking binti.. the lump is gradually visible. Pag nagsuot ako ng Dress na may slit sa side ng aking binti.. Baka makita na nila ang bukol, bagay na ayaw kong malaman at makita ng lahat. Hindi pa naman siya gaanong malaki ngunit hindi gaya nung una hindi pa siya nakikita o mahahalata. Ngayon kasi-halata na lalo na pag tinutukan talaga ng tingin.
BINABASA MO ANG
[MAYDON] "COME BACK DUNE"
RandomI let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our time has an end And i lost you again.. But This time... You can't be with me again..