___________
Isang Buwan na ang nakakalipas magmula nung malaman nina Donny, ng mga kaibigan namin at ng buong pamilya ko ang kalagayan ko..
At Isang linggo naman ang nakalipas nung mabalitaan kong Umatras na ang Producer at Direktor sa bago sanang project ni Amber pagkatapos mabalitaan ang ginawa nito saakin, Meron kasing mga netizens ang nakakita at kinuhanan pa ng litrato at video iyong mga nangyari. Mayroon ring Video na kino-confront ni Donny si Amber tungkol sa totoong dahilan ng nang-yaring pagka-aksidente nito. It wasn't because of me or us pala, Dahil ang dahilan pala ng kaniyang pagkakadisgrasiya ay ang lalaking nag-ngangalang IVAN na naging karelasyon niya habang sila ni Donny ang nagpapanggap na magkarelasyon sa mata ng mga Media.
It was all her fault all along. And I was her Victim. tss, mabuti nalang at sa wakas nagsipaglabasan na ang mga katotohanan..
Napangiwi ako ng makita ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa loob ng VIP room ko dito sa Hospital sa Russia. Dahil nga sa ipagpapatuloy ko na ang aking pagpapagamot , kinailangan na nila akong kalbuhin. *Pout* Ang pangit ko pala pag kalbo, nagmumukha akong Siopao tss.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa salamin at baka ma stress lang ako, I decided to go to the bathroom to take a bath nalang muna, Though naka upo nalang ako ngayon sa Wheelchair, pag naliligo naman ay pinipilit ko paring tumayo. Masakit pero kaya naman, Sabi kasi ng Doktor. Napalakas raw talaga ang impack ng pagkakabato ni Amber sa binti ko at saktong sa bukol pa talaga iyon tumama kaya lalo itong namaga kaya di ako makalakad ng maayos. *Sigh*
Aakma na sana akong tatayo ng nasa mismong tapat na ako ng banyo ng madinig ko ang pagbukas ng pinto, Singhap akong napalingon.
"Dale! What the hell are you doing!" Si Dune
Agad niya akong dinaluhan upang ibalik ako sa pagkakaupo sa wheelchair, I pouted. Dismayado. His been like this to me simula nung malaman niya ang totoo, yun nga lang nahihiya na ako dahil halos di na niya ako maiwan-iwan, ni ultimo pag-ligo gusto niyang kasama ko siya *blush*
"Gusto mo bang atakihin ako sa puso ha? Baka ako pa ang maunang mamatay saatin dahil diyan sa ginagawa mo e'!" Aniya
Di ko tuloy mapigilang matawa sa tuwing nagiging ganito siya. I acted cute infront of him, alam ko kasing iyon ang kahinaan niya.
At alam kong successful iyon dahil biglang kumalma ang itsyura niya. Yumuko siya ng bahagya upang halikan ako sa noo saka iginiya ako patungo muli sa kama.
"Where are you going? you wanna pee? poop? or something?" He ask
"I wanna take a bath Dune.." Malambing kong sambit, please pumayag kanang ako lang T_T
"Then we'll take a bath, together." Deklara niya
Aishh, ayokonga. Sa tuwing naliligo kami ng sabay parati nalang may nangyayaring—
oh no!
bakit parang bigla yata akong nakadama ng pagbaliktad ng sikmura ko? Kumain naman ako kanina ah!
Napayuko ako habang sapo ang bibig ko ng maramdaman ang tila malapitan nang paglabas ng pagkain tungo sa lalamunan ko. Nasusuka na talaga ako!
"W-wait lang!" Paalam ko sakaniya saka ako dagli dagling tumungo sa Banyo gamit ang Wheelchair, Ang hirap!
"Hey are you okay?"
Hindi ko nasiya pinansin pa, basta pinilit ko nalang na tumayo at pumasok sa loob ng banyo kahit pa nakasunod siya.
Saka ko doon isinuka lahat, bumulwak ang mga kinain ko kanina lahat sa bowl, err. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang sumama ang pakiramdam ko, Kahapon ganito rin..
Anong nangyayari sa'kin? Sanhi rin ba ito ng sakit ko? Baka naman may iba pa akong sakit?
"W-water please.." Pakiusap ko kay Dune habang hinahagod niya ang likod ko
Tumango siya pagkuwa'y binuhat ako upang maibalik sa kama ko. Saka ako pinainom ng tubig. Bakas sakaniyang mukha ang pag-aalala
"Anong nararamdaman mo? you look so pale Baby, Nag-aalala na ako. Gusto mo bang tawagan ko ang Doctor? to check you up, baka kasi—"
"Dune hindi pa ako dinadatnan.." Sabat ko sa dapat sana'y sasabihin niya
Kita ko ang gulat sakaniyang mga mata. Gayon din ako, Naalala ko kasi iyong sinabi niya na Hindi raw ako dadatnan kapag mabubuntis ako , and i just realize that i haven't had my period for almost.. a month right now, Hindi kaya..
Oh my Gosh!
My heart was full of excitement sa isiping baka buntis na ako!
"Wait I'll call the doctor, we need to confirm this!" Aniya, halata rin ang Pananabik sa mga mata
Halos patakbo niyang tinungo ang Doorknob ng pinto. Di ko tuloy mapigilang hindi matawa.
__________
Pagkatapos akong tignan ng aking Doktor, Kinumpirma nga nito ang hula namin ni Dune.
"It was Confirm, I am one month and a week pregnant!" Masaya kong balita kina Mama mula sa kabilang linya
"Talaga anak! Naku! sa wakas!" Ani Mama, Natatawa pa ako ng marinig ko ang hiyawan nila mula sa kabilang linya tila nagbubunyi sa magandang balita. Naroon rin si Emily at ang iba pa naming mga kaibigan.
As usual nakikikain ng Ginataang Bilo-bilo ni Mama. Napahagikgik nalamang kami ni Dune habang pinapakinggan silang nagsisiyahan
"Congrats! Best! Wohooo magiging ninang na ako!" ani Emily
"At magiging Tito na ako!" Sabat naman ni Kuya
Natatawa nalang ako habang napapailing. Kasalukuyan rin kasing nililigawan ni Kuya Vince si Emily, Shempre suportado ko dahil boto ako sa Bestfriend ko.
Pagkatapos naming maibalita sa Pamilya ko ang magandang balita sa family ni Donny naman namin iyon ipinarating. at gaya nina mama, ganoon rin sila. Masaya para saamin ni Donny..
Well Who wouldn't, after all the struggles that We've been trough and still currently facing e' Kahit papano may blessing paring Dumating.
Nadagdagan lang ang rason para mas lalo kong tatagan ang sarili ko para sa madalian kong pag-galing.
"May rason na naman para piliin kong mabuhay pa ng mas mahaba. Para piliin ko na mas lumaban pa.." Umiiyak kong sambit habang hinahaplos ang tiyan ko
Dune is hugging me from the back, habang ang kaniyang baba ay nakapatong sa aking leeg.
"I love you Babe.. Kayo ng magiging anak natin. I promise to be the best husband and a protective Dad."
After saying that he kissed my forehead, at siya ay dumukwang ng kaunti upang haplusin at halikan rin ang aking tiyan. At ang tanging nagawa ko nalang ay mapangiti habang pinagmamasdan siyang ginagawa iyon.
Oh what will I do without you Dune....
________________
A/N : OHAYO!! Hihihi sorry Late UP, tapos isa lang muna, tapos Konti pa. Hshshs, Ilang chapters nalang kasi patapos na to.
flexkolang pala, final Cover ne'to. AHAHAHA
Lapit na tayo magpaalam kina DALE-and-DUNE ! T_T
Anw, thankyou for Reading all of my stories, GODBLESS!! 😇🥳🥀
BINABASA MO ANG
[MAYDON] "COME BACK DUNE"
RandomI let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our time has an end And i lost you again.. But This time... You can't be with me again..