CHAPTER 8

114 12 3
                                    

_____

Pareho lamang kaming tahimik ni Marco habang nasa byahe, wala ni isa saamin ang gustong mag-salita lalo na ako dahil di ko pa naman siya gaanong kilala, katunayan nga ay kakakilala ko palang sakaniya tapos eto na kaagad at hinahatid niya na ako pauwi tss.

I sound so easy to get err.

Naisipan ko nalang na aliw-in ang aking sarili sa mga nadadaraanan namin, binuksan ko ang bintana ng kotse upang makalanghap ng mabangong simoy ng hangin. Gabi na kasi kaya wala na gaanong kotse na nadaraan maliban saamin at iilan na pwede lamang mabilang, di na gaanong polluted yung hangin haha

Nasa ganoon akong ayos ng madinig kosiyang tumikhim, Napalingon ako sakaniya at nagtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa tila awkwardness na naramdaman

"Uh-if you don't mind me asking,Dale right?" He ask na tinanguan ko "Yes?"

Muli niyang itinuon ang sarili sa pagmamaneho at sa daan, inantay ko naman siyang muling magsalita

"May past ba kayo ni Donny?" diretsyahan niyang tanong nasiyang ikinagulat ko

"H-ha?" Di ko alam kung ano ang isasagot

He smirked

"Silence means yes, You still love him?" aniya ng mapansing hindi parin ako nakakasagot

"A-ah.." Paano ko ba sasagutin? This is the first time since the last time na may nagtanong about me and D.. Shempre kinakabahan ako, lalo pa't nalaman ko na matalik pala silang magkaibigan ni Dune

"Silence means Yes Again *Chuckles* Don't worry I was just asking out of curiousity, but-you know what? Hindi naman sa nang-hihimasok ako ha? But-I think you should move on, You see the more you continue on loving him the more pain you'll feel, It's not easy though I've been there pero kasi sa sitwasyon niyo ngayon ni Dune-Mahirap e' and the only right thing you should do is to move on.." He said

Ramdam ko ang kaniyang sinsiredad sakaniyang mga sinabi, ngayon palang ay alam ko nang mabuti siyang tao-He's easy to be with kasi marunong siyang makiramdam..

Napangiti nalang rin ako sa sinabi niya.

Maya-maya pa'y nakarating na nga kami sa Bahay, Agad na akong bumaba dahil nakakahiya naman ata na pati sa pagbubukas ko ng pinto, si Marco pa ang gagawa

"So uhm-hanggang dito nalang, salamat sa pag-hatid" Nakangiting sabi ko

"Your Welcome" aniya, tatalikod na sana ako upang pumasok na sa aming bahay ng muli siyang magsalita

"See you next time, or bukas if your free?"

Napangiwi ako sakaniyang naging suhestiyon, Hindi ako pwede bukas dahil may importante akong lakad-Kinontak kasi ako ng aking Manager na nasa states, Si Maa'm Cathy Jimenez. Ang sabi niya may new project daw siya saakin na i-ooffer dito lang sa pilipinas, isang commercial. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa-Baka kasi magtaka lang sila pag tinanggihan ko iyon, lalo pa't sanay silang makita akong worcaholic. I love working, iyon nalamang ang pansamantalang nagiging way ko upang makalimot sa problemang pinagdadaanan ko.

Umiling ako bilang tugon "Sorry Marco may lakad ako bukas e' pero nextime baka pwede na" Nginitian ko siya

Bakas sakaniyang mukha ang pagkadismaya ngunit kinalaunan ay napangiti narin siya

"It's okay, Next time ah? Promise?" He said showing me his pinky finger

Dahilan upang matawa ako, sabay tango

[MAYDON] "COME BACK DUNE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon