Happy Newyear po sa inyong lahat! kay madam YzabelleSaunders1 na naunang nag-greet hehe! Godbless you all po.‼️_____________
Limang oras ang byahe papuntang Zambales. Ang dami pang daanang kailangan tahakin mabuti nalang talaga at kotse ang ginamit namin ni Dune. Nagigising ako tuwing nararamdaman ko ang kaniyang paghinto sa gilid ng daan. Lalabas siya at pagkatapos ay maglalagay na naman ng Gasolina sa kotse. He do that sa tuwing nauubusan na kami ng Gasolina. Mabuti nalang talaga at fully equip ang kotse ko. Ika nga nila para na akong girlscout dahil sinisigurado ko talagang dala ko lagi ang mga kinakailangan ko. You know, just in case. Gaya ngayon.
"Sorry, Did i disturb your sleep?" si Dune ng makapasok nang muli sa Sasakyan.
Napansin niya kasi ang pagkusot-kusot ko saaking mga mata kaya siguro inakala niyang nagising niya ako though totoo din naman. Tss
"Hindi naman" Umiling ako. Ayaw ko namang maguilty siya sa pagkakagising ko, guilt din kasi saakin ang balik niyon
"Naubusan kasi tayo kaya nilagyan ko na naman" aniya na ang tinutukoy ay ang Gasolina
Tumango-tango lang ako pagkuway nag iwas na muli ng tingin. Sa ganitong paglalapit naming dalawa para akong hindi makahinga sa labis-labis na kaba. I heard him cleared his throat kinalaunan ay naramdaman ko nalang ang muli niyang pag-papaandar sa sasakyan.
Lumipas ang mga oras at nakatulog na nga akong muli. Nagising nalang ng maramdaman ang marahan niyang pag-alog sa baikat ko hudyat lang na nakarating na nga kami sa Pundaquit, Zambales.
May nakaantay na Yatch saamin ni Dune ngunit ang ipinagtataka ko parang wala namang tao roon. Wala ring sumalubong saamin kaya papaano kami sasakay riyan kung walang magpapaandar?
"C'mon" si Dune
Napakurap-kurap ako sakaniya saka muling nilingon ang aking kotse, papalit-palit ang mga mata ko sa kotse at sa yatch saka sakaniya. Napalunok ako. Jusko totoo naba talaga to? sasama na talaga ako sa lalaking to? paano kung may itinatago pa palang galit saakin ang hudyong to tapos dadalhin niya ako dun para doon ako pagbayarin sa nagawa ko sakaniyang pag-iwan? jusko baka dito na ako mamatay!
Kita kong nangunot ang noo ni Dune, nagtatanong. He maybe curious sa kung ano ang mga pinag-iisip ko.
"May problema ba? What's bothering you?" Sunod-sunod niyang tanong
Bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin. Saka ko siya muling pinakatitigan but this time may halong pagdududa na.
"May balak ka bang patayin ako sa Islang yon? Tapos pag patay na ako ipapaanod mo nalang? May galit ka pa ata sa'kin e!" I fire at him
Kita ko ang gulat sa mga mata niya ngunit sa kabilang banda naman ay pansin ko rin ang bahagya niyang pagpipigil ng ngiti.
"Tumatawa ka! ibig sabihin totoo nga?" I ask again
I heard him smirked then lick his lower lips. Napawi na ang kaninang pagpipigil niya ng ngiti. Napalitan ng kaseryosohan. He held my hand, napasinghap pa ako sa gulat at aakmang aatras sa takot na naramdaman. Nagtaas siya ng kilay ngunit hindi nag paawat na hawakan nga ang kamay ko. Wala na akong nagawa, matagumpay niya na ngang nahawakan ito at hinila ako patungo sa yatch.. Oh Geez! Kung totoo man ang mga santo pakiusap tulungan niyo po ako! I don't wanna die at the hands of my Ex!
Balisa akong nagpaubaya sa paghila niya. Akala ko papasok na kami sa Yatch, hindi pa pala dahil huminto siya at hinarap ako. I bit my lower lip as i saw him taking off his coat napaatras pa ako sa biglaang kaba na nadama ng mapansing saakin niya pala iyon isusuot.
BINABASA MO ANG
[MAYDON] "COME BACK DUNE"
RandomI let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our time has an end And i lost you again.. But This time... You can't be with me again..