CHAPTER 12 [SPG]

146 15 2
                                    

WARNING: SPG 18+

______

Madilim na sa bawat naming dinadaanan, Di ko alam kung anong oras ngunit tila yata mas ginabi na ako ngayon kumpara noong mga nakaraang araw na ako ay gumagala alone, enjoying my stay in the philippines despite of my illness

Dune was seriously driving fast, Kanina pa kami hindi nagkikibuan. Paano ba naman kasi—Nakakahiya iyong ginawa ko, Di ko naman kasi alam na naroroon pala siya at pinapanood ako he should've stop me sa una palang. Hays!

Nakahilig lamang ang ulo ko sa bintana ng kaniyang sasakyan, ayoko siyang lingunin ngunit ng mapansin kong Lumiko ang kaniyang kotse sa kabilang bahagi ng kalsada at tuluyan nang nawawala saaking paningin ang Mga naglalakihang buildings ng maynila at napalitan na ng Tahimik at Kakayuhang daanan.. Nangamba ako kaya di ko napigilang lingunin siya.

"T-teka! saan tayo pupunta? Hindi ito ang daanan patungo sa.." Gusto ko sanang sabihin na hindi ito ang daanan patungong penthouse niya pero wag nalang, baka mas lalo lamang akong mapahiya

Nilingon niya lang ako saglit gamit ang kaniyang seryosong mga mata ngunit kinalaunan ay ibinalik rin ang kaniyang tingin sa dinadaanan. Hindi ako mapakali, Hindi rin kasi ito ang daan patungo saamin. Saan niya ba ako balak na dalhin?

"Dune! Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta saamin!"

"You weren't living in the squatters area anymore right?" Aniya na tinanguan ko, he smirk "Then I don't know where you live, sa Condo kita dadalhin" sambit niya ng hindi ako nililingon

Ngumuso ako, Condo? E' bakit doon pa hindi ba't may penthouse naman siya

"Bakit sa Condo mo? Di'ba—"

"I don't bring women in my Penthouse If that's what your trying to ask"

I made a heavy sight at it

"Pero sa Condo mo, Oo?" Mahina kong saad

He gave me a cold and irritated  look, Bakit totoo naman di'ba? sino bang lalaki ang Hindi nagdadala  ng babae sa bahay nila lalo na noong mga panahong single pa siya? Tss, Guy like him can easily get what he want. Napairap nalang ako

"You ask too much, I don't bring women in my Condo As well Okay ka na?" Tila nabasa niya ang iniisip ko, And the way he said the last words.. Parang may himig paglalambing o baka, mali lang talaga ang pagkarinig ko.. I pounted

"Y-yung Fiancé mo?" Di ko mapigilang maitanong sakaniya

Mainit ang tingin niya sa dinadaanan, tila ba naiirita na siya sa aking mga tinatanong. Napayuko nalamang ako dahil sa kahihiyan..

Nagulat nalang ako ng bigla niyang apakan ang break ng kotse, halos lumipad ang katawan ko dahil sa biglaan niyang paghinto. Maayos niya naman itong naitabi sa Daanang malapad at may malalaking puno sa kanan at kaliwang parte.. Madilim na at ang tanging ilaw na lamang ng kaniyang sasakyan ang tangi naming naging ilaw, Sa gulat ko'y nanlaki ang mga mata ko na nilingon siya grabe ang kabang naidulot niyon saakin.

"Hindi ko rin siya dinadala!" He said irritably,bakas sakaniyang mukha ang matinding pagka-inis ngunit pinipigilan niya lamang iyon

"B-akit ako?" Ah, gusto ko na talagang tuktukan ang ulo ko sa dami ng mga tanong na naibabato ko sakaniya

"Do I have a choice?" Baling niya sakin, Ouch! so napilitan lang siya na dalhin ako sa Condo niya dahil hindi niya alam kung saan ako nakatira..

"Okay.." May himig lungkot kong sambit, Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil sa di maitatangging lungkot na aking naramdaman

[MAYDON] "COME BACK DUNE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon