CHAPTER 30

74 10 9
                                    

__________

Nagbagong bigla ang pakikitungo saakin ni Mama magmula nung malaman nilang may sakit ako, She cried alot when I let her see my thight ang ang bukol nito.

"Patawarin mo ako Anak... Nasilaw ako sa pera! Natakot ako na baka maghirap na naman tayo.. Patawarin mo ako"

Ganiyan ang paulit-ulit niyang linyahan ni Mama habang humihikbi

Masakit mang makita siyang umiiyak, Ngunit sa kaloob-looban ko naman ay masaya ako dahil sa Wakas nagkapatawaran na nga kami ni Mama.

Isang linggo palang ang nakakalipas pero pakiramdam ko isang taon na.

Isang taon nang hindi ko nakikita si Dune..

Magmula kasi nung huli naming pag-uusap, hindi ko na ulit siya nakita pa. Ni Maski balita sakaniya wala.

Panay ang buntong hininga ko habang naglalakad sa Park, Umaga palang kasi kanina ay tinawagan na ako ni Emily dahil gusto niya ring makipagkita. Siguro, Dahil nabalitaan niya naring hiwalay na kami ni Dune.

Isa pa, Balak ko naring sabihin sakaniya ang sikreto ko. She's the only close friend I know, Baka magtampo siya pag di ko agad nasabi sakaniya ito tapos nakaratay na ako. Ayoko namang mangyari ang ganoon.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng makakita ako ng Surbeterong namimigay ng libreng Ice cream sa mga bata. Napangiti ako't patakbo itong tinungo, Nagbabakasakaling mabibigyan rin ako. Umaandar na naman ang pagka isip bata ko.

"Hello po manong, Pwedeng ako rin?"

Inabot ko ang kamay ko sakaniya para sana makahingi rin, Nakayuko siya kaya di ko makita ang mukha niya. Kaya laking gulat ko nalang ng makita kung sino ito, Ang lalaking kani-kanina lang ay gumugulo sa isipan ko

"D-Dune!? A-anong ginagawa mo dito? T-tyaka bakit ka nakadamit pang surbetero, at? nagbibenta ka ng Icecream? No! Namimigay?" I ask, Balisa ako at alam kong nahalata niya yun

"I'm bored." Maikli niyang tugon

"Ahh, K-kaya ka nandito?"

Tinaasan niya ako ng kilay habang naniningkit ang mga matang nakatitig saakin. Para bang binabasa niya ang isipan ko. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa Biglaang kaba na dulot ng Muli naming pagkikita. Isa pa, Ang pogi niya kahit medyo nagkakaroon nasiya ng balbas sa parteng baba niya. Baka nakalimutan  niyalang mag shave?

"Ofcourse. Why? iniisip mo bang sinusundan kita? In your Dreams Dale." He smirk

Saka sinimulang itulak ang Kariton niya ng IceCream.

"T-teka Sandali! Dune Mag-usap muna tayo please? Ayoko naman ng ganito, na Magkagalit tayo at—"

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang ibinagsak ang hawakan ng Kariton saka ako hinarap at buong diing hinawakan ang braso ko.

"Ayaw mo ng ganito? Nakalimutan mo na? Dale, Ikaw ang gumawa ng dahilan kung bakit tayo Nagkaganito!" He hissed and bitterly smiled. Dinuro niya pa ang noo ko, Napapikit nalang ako ng mariin dahil nasasaktan na naman ako. Tila sinasaksak ang Puso ko sa bawat litanya niyang binibitawan..

"D-Dune.. Gusto ko lang malaman kung ano iyong ibig mong sabihin? Na hindi mo ako binuntis?" Buong tapang kong itinanong iyon sakaniya

[MAYDON] "COME BACK DUNE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon