PROLOGUE

3.8K 112 27
                                    

Flickering lights welcomed my vision as I set my feet on the stage.

Pagnanasa.

Kaunting giling at kiwal lamang ng aking baywang sa harap nila, ay animo'y mga asong ngayon lamang nakakita ng makakain ang mga taong nagbibigay sa akin nang kabuhayan.

Ingay ang agad na sumalubong sa akin nang makalabas ako mula sa telang nagsisilbing takip sa amin. Sinag na nagmumula sa iba't-ibang kulay ng ilaw ang nagbibigay kinang sa aming mga balat na nababalot lamang ng kaunting tabas ng tela.

"Woah!"

"Take them off!"

"Let your daddies see it, babes!"

Iyon ang palagi kong naririnig sa loob ng lugar na ito. Iba't-ibang sigaw galing sa iba't-ibang bibig. Kanya-kanyang kaway gamit ang kanya-kanyang kamay. At iyon ay para lamang pagpiyestahan kami.

Sa loob nang halos apat na taon mula nang makapasok ako rito, ay unti-unti akong nasanay sa ganitong eksena sa aking buhay. Sapagkat ang sumayaw sa harap nila na suot ang kapiranggot na tabas ng tela ang siyang nagbibigay buhay sa akin at sa pamilyang binubuhay ko rin.

Malaswa kong hinaplos ang ibaba ng aking ulo pataas at patungo sa aking mukha habang malagkit na nakatitig sa mga taong nanonood. Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa ere habang nakalambitim sa malamig na bakal ang aking magkabilang mga paa.

Dahil sa ginagawa kong iyon ay mas lalo lamang lumakas ang kaninang malakas nang sigawan ng mga tao. Kaya mas lalo ko pang iginiwang ang aking baywang at nagyuko ng aking ulo.

Sa posisyon kong ito ay alam kong nakikita nila ang biyak ng dibdib ko. Ngunit hindi ko na iyon inalintana pa. Sapagkat ano pa ang silbi kung isipin ko iyon, gayung sa bawat araw na nililikha ng Diyos ay palagi na nilang nakikita ang kaluluwa ko.

"Baba pa!"

"More view, darling!"

"Giling pa!"

Iniwan ko ang stand pole at pasayaw na bumaba ng intablado. Sa bawat taong nadaraanan ko ay kulang na lang ay ihiga nila ako sa kung saan ako nakapuwesto. Sa talim, antisipasyon at pagnanasa na aking nakikita sa bawat pares ng kanilang mga mata ay alam kong nakararamdam na sila.

Tumigil ako sa huling lamesa na nasa banda sa pinakagilid. Kinuha ko ang bakanting upuan na naroon at isinampay ang kanang paa ko. Pasayaw akong nagyuko ng aking ulo habang mabagal na hinahaplos ang bawat parte ng katawan ko.

I was dancing through the seductive rhythm of the music that was currently playing. Saktong-sakto iyon sa kung paano umindak ang balakang ko.

Tumitig sa akin ang lalaking may mahaba at tuwid na buhok.

"Damn, man," dinig kong bulong ng isang lalaki sa kasama niya.

Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig sa kanila ang asul kong mga mata.

"Oh, come on, Szaji! Stop thinking about her, okay? Narito tayo para magsaya!" ani ng isang lalaking nasa unahan.

Pakiwari ko ay nagbuntong hininga siya.

"Can't stop myself," tipid lamang na saad niya.

Ang lamig ng kanyang tinig ay nagbigay kilabot sa akin. Na sa kabila ng init na nararamdaman ko dahil sa ginagawa ko ay bigla kong naramdaman ang ginaw na dulot ng tinig niyang iyon.

Patuloy lamang akong sumasayaw nang bigla siyang bumaling ng tingin sa akin. Pakiramdam ko ay bigla akong napaso sa titig niyang iyon.

The unfamiliarity of those pairs.

"What's your name?" he suddenly asked.

Napatigil ako sa pagsasayaw nang magsalita siya habang nakatuon sa akin ang kanyang mga mata.

He's asking me.

Sa ilang segundong iyon lamang ay naramdaman ko ang bagay na hindi ko dapat maramdaman.

"Haier," iyon lamang ang sagot ko.

"Wanna get laid tonight?" his question as he looked at me directly.

Hindi ko pa masagot ang tanong niya sapagkat nakatitig pa rin ako sa mukha niya. He look soft. So soft and so fragile.

Alam kong marahil ay lango na siya sa alak kaya posibling iyon ang dahilan sa kung bakit ganyan ang itsura niya. Ngunit hindi ng sinuman maitatago sa akin ang mga bagay na kagaya niyan. Sapagkat ako, natatabunan man ng lakas at dedikasyon ang aking mukha, ay nasa likod no'n ang kahinaang matagal ko nang ikinukubli.

I equalled the intensity of his stares and stretched the side of my lips before giving him my answer.

"Sure," tilting my head to the right, I said before I winked.

For All That It TakesWhere stories live. Discover now