CHAPTER 14

1.4K 49 5
                                    

Can I do it? Can I endure the pain of seeing them together? Can I hide it? C-can I?

I don't know... I really don't know. Hindi ko alam kung kaya ko ang manatili sa tabi ni Kier kung nandiyan naman si Amore. Hindi ko alam kung makakaya ko ang makita sila nang gano'n sa tuwing nasa puder niya ako.

It was them. It was Kier and Amore. They are perfectly fit for each other. Mula sa estado nila sa buhay maging hanggang sa hitsura. Mas bagay sila kung ikukumpara sa amin. Siya sa akin...

I ran from his place and stayed at our house. Mabuti na lamang at wala rito si Menchie nang makarating ako kanina. Kaya mag-isa lamang ako at nakapangulambabang nakaupo sa loob ng kwarto ko.

Kier already accepted me to be his maid. Kaya marahil simula ngayong araw ay dapat naroon na ako at nagta-trabaho. But I am still here. Thinking about him and the woman he's with.

Siguro nga ay dapat ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Because it will go nowhere. Wala rin namang patutunguhan iyon. I will just hurt myself. I will only let myself hurting because of him.

Gabi na nang mag-desisyon akong ayusin ang mga gamit ko. I packed some of my clothes and put it on my backpack. I decided to work as an stay out. Na uuwi rin ako kapag nakarating na siya galing sa trabaho niya. I'm sure that he will agree with it. Kaya nanguna na ako.

"Pai," tawag ko sa kaibigan kong nakahiga sa lumang sofa namin.

Tinapunan niya ako ng tingin.

"Bakit?" It was her question.

Ngumuso ako at itinuro kung nasaan banda si Menchie. Sinundan naman niya iyon ng tingin.

"I'll leave my sister with you. Hindi na rin naman magtatagal at uuwi na si Justine. Samahan mo muna si Menchie habang hindi pa dumarating ang isa," sabi ko.

Tinignan niya ako habang kunot ang kanyang noo.

"Saan ka pupunta? Sabi ni Vivian sa akin ay umalis ka na sa club, eh," her voice was laced with curiosity.

Tumalikod ako mula kay Pai at kinuha ang bag na dadalhin ko bago sagutin ang tanong niya.

"Ipinasok ako ni Justine bilang katulong sa isa sa mga De Asis," sagot ko na nagpabangon sa kanya.

"De Asis kamo?!" malakas ang boses na sigaw niya.

Napangiwi ako.

"Oo nga. De Assis. It was the man you saw at the club that night. Naging customer ko rin 'yon nang gabing 'yon din mismo," I said honestly.

Napatalon na lamang ako nang bigla akong sunggaban ni Pai sa leeg ko nang sabihin ko iyon.

"Hoy, gaga ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin, asul?! Gusto ko pa man din 'yong kasama niyang pogi rin!" she exclaimed exaggeratedly.

Mas napangiwi ako sa sinabi niya.

"Nawala na sa isip ko, eh," ani ko. "At isa pa...." Natahimik ako.

My friend immediately glanced at me. I diverted my gaze away from her.

"Bakit? May nangyari ba?" Dahan-dahang tanong niya.

I shook my head in disapproval. There's no point on telling it to her. Kakalimutan ko rin naman ang kung ano'ng nararamdaman ko para kay Kier. Because I know that it is the best way to keep going. Besides, we aren't in a mutual state for me to keep liking him...

"Haier..." tawag sa akin ng kaibigan ko.

Dalawang beses akong nagpilig ng aking ulo bago pilit na ngumiti sa kanya. I know that my smile didn't even reach half of my face. And it was because I was forcing myself to do it.

For All That It TakesWhere stories live. Discover now