Manong helped me with Harold. Ako habang nakaalalay sa kanang balikat niya habang si manong naman sa kaliwa. Dahan-dahan lamang ang lakad namin papasok sa bahay niya. I can hear him groaning while we are heading the stairs to his room. Nangangalay na rin ang balikat ko dahil sa bigat ng damuho.
Nang makarating kami sa ikalawang palapag ng bahay niya ay doon ako nagpakawala ng mabibigat na paghinga.
I glanced at Manong.
"Saan ho ang kwarto niya?" hinihingal na tanong ko.
Manong pointed the black wooden door that was facing the white one. Sa gitna ng mga pintong iyon ay isang may kalakihang lamesa na gawa rin sa kahoy. There was a jar that was on the top of the table and picture frames each side. Sa taas no'n ay may bilog na malaking orasan.
"Ipasok na ho natin, Manong. Masakit na rin ang balikat ko, eh," sabi ko na nagpatawa sa matanda.
"Siya nga ho, ma'am. Sumasakit na rin ang tuhod ko sa bigat ni sir Harold," aniya, natatawa.
Dumiretso kami ng lakad hanggang sa marating namin ang harap ng kwartong itim ang pinto. Manong was the one who opened the door and entered first. Sumunod ako habang hawak-hawak pa rin si Harold.
Agad sumalubong sa amin ang kulay abong kama. Doon kami agad dumiretso at dahan-dahang inilapag si Harold na ngayon ay humihilik na. Inayos ko ang mga paa niyang nakababa pa rin sa lapag at isinampay iyon sa kama niya.
Umayos ako ng tayo at hinarap si manong. He was looking at Harold while tilting his head as if he's disappointed about something.
"Manong," pag-agaw ko sa atensiyon ng matandang kasama ko.
Nilingon niya ako, "Bakit ho, ma'am?"
Itinuro ko si Harold. Sinundan niya iyon ng tingin.
"Ako na ho bahala sa kanya. Lilinisin ko na lang bago ako umalis," saad ko.
Tumango sa akin si Manong bago muling lingunin si Harold.
"Ay, sige ho, ma'am. May kailangan pa ho kase akong puntahan ngayon. Mauna na ho ako. Salamat ho," he said before leaving.
Nang makaalis na si Manong ay tinitigan ko muna si Harold. While I was staring at him, I couldn't stop myself from thinking how reckless he was. Basta-basta na lamang niyang itatanong iyon sa akin habang ganyan ang sitwasyon niya. He's still the same...
Naglakad ako at lumapit sa lalaking malalim na ang tulog sa kama niya. Una kong tinanggal ang sapatos niya bago isunod ang medyas na suot niya. Kinuha ko ang mga iyon at inilagay sa gilid ng kama.
Matapos kong gawin 'yon ay sumampa ako at maingat na umupo sa bakanting bahagi sa may tabi ni Harold. I lifted my hand and placed it on his tummy. Tinatanggal ko ang pagkaka-butones ng suot niyang polo shirt nang maramdaman kong pumulupot sa beywang ko ang mga braso niya. My eyes landed on where his arms were.
Akala ko ba tulog 'to?
"Harold..." Tinapik-tapik ko ang mukha niya.
Umungot siya sa tawag ko. His arms tightened around my waist.
"Hey... Wake up..." I whispered.
Hindi na siya gumalaw pa matapos kong sabihin iyon. Narinig ko na lamang ang mabibigat niyang paghinga senyalis na mahimbing na ang tulog niya. Tinapos ko ang kaninang ginagawa ko.
I changed his clothes. Hindi ko pinakialaman ang pantalon na suot niya. Binalot ko na lamang siya ng kumot at binuksan ang aircon sa loob ng kwarto niya bago bumaba.
Dumiretso ako sa baba at nagtungo sa kusina niya. I was planning to make him some soup for his hangover. Pihadong masakit na naman ang ulo no'n mamayang paggising niya.
YOU ARE READING
For All That It Takes
RomanceMended by the love he has for her. Accepting the cruelty she brought to his life. Rounded by the afflictions he thought didn't exist. Kier Szaji De Asis wasn't sure for anything. Valuing his life is the least among his priorities. But looking at the...