CHAPTER 7

1.8K 57 0
                                    

"Menchie, si Justine ba nandito na?!" sigaw na tanong ko sa bunso kong kapatid.

Nasa loob ako ng kusina at naglilinis. Tinanggal ko lahat ng mga nakabitin na mga kutsara sa dingding at inilagay iyon sa lababo. Pati mga pinggan at baso isinama ko na rin.

Tanghali na ngayon. Kakauwi lang ni Menchie galing sa eskwelahan. Si Justine naman ay nasa trabaho pa. Mag-isa lamang ako sa bahay mula pa kanina. Mabuti na lamang at dumating na rin ang isa sa dalawa kong mga kapatid.

"Wala pa po, ate!" sigaw din ni Menchie.

Pinunasan ko ang noo ko na puno ng pawis. Medyo basa na rin ang suot kong damit sa bandang likuran.

"Paabot nga nang selpon ko!"

"Saan po ba nakalagay, ate?!"

"Nasa bag ko! 'Yong kulay pula! Nasa bulsa lang 'yon!"

"Sandali lang po, kukunin ko lang!"

I was wiping the sweats that was on my forehead when Menchie entered the kitchen. She was holding my phone on her right hand and hand it to me.

"Heto, ate." She extended her right arm. Kinuha ko ang selpon ko mula sa kanya.

"Kumain ka na lang kung gusto mo na. Tatapusin ko pa 'to, eh."

Nagtango siya ng kanyang ulo sa akin bago umalis. Nang makaalis na ang kapatid ko sa kusina ay binuksan ko na ang selpon ko. Nagtungo kaagad ako sa inbox ko at pinindot ang pangalan ng kaibigan ko.

I was thinking whether I send Pai a message or not. Baka kase kung ano pa ang sabihin no'n sa akin kapag malaman niyang galing ako kina Kier. I know she knew Szaji. But that man she's talking about is also the man I knew. Si Kier.

Nakita ko sa lamesang nasa may malapit ng TV niya ang litrato niya. Pinakialaman ko iyon at tinignan ang likod. I saw the name written on it. It was, 'Kier Szaji De Asis'.

Sa pangalang iyon na nakita ko ay hindi ko maiwasan ang mapaisip kung iisa lang ba ang De Asis na tinutukoy ni Justine sa taong kilala ko. If my brother's working for him or for his family. Gayung nasa Makati rin lang ang pinagtatrabahuan ni Justine at taga Makati rin si Kier.

In the end, I didn't texted Pai. Pinili kong patayin na lamang ang selpon ko at inilagay iyon sa bulsa ng suot kong shorts.

Binalikan ko ang ginagawa ko. I was sweeping the wall to clean it when I heard Menchie talking with someone outside. Rinig ko iyon dahil hindi naman malaki ang bahay namin at malapit lang ang hagdanan.

"Kuya, naglilinis po si ate. Nasa kusina siya," I heard Menchie said.

Napakunot ako ng noo ko.

"Papasok ako, Menchie. Okay lang ba?"

That familiar voice...

"Sige po, kuya, tuloy ka na lang..." Narinig ko pang humagikgik ang kapatid ko!

What the hell?! Is it Harold?!

Dali-dali along umayos ng tayo at mabilis na pinunasan ang noo ko para alisin ng tuluyan ang pawis ko. Bigla akong kinabahan nang pumasok sa isip ko ang ideyang si Harold iyon.

It has been years since the last time I saw him. I never had the chance again to met him for the last years. Dahil simula nang maghiwalay kami ay siyang pagputol niya sa koneksyon namin pareho.

Nakarinig ako nang mabibigat na mga yabag. Mas lalo akong kinabahan dahil doon. I know I shouldn't feel this way but, he's my past. He was a huge part of my past...

When I heard his footsteps getting nearer, I turned my back against the door of our kitchen. Kinuha ko ang basahan na nasa may lababo at nagkunwaring pinupunasan iyon. And I almost jump from where I was standing when I heard Harold's voice.

For All That It TakesWhere stories live. Discover now