Dumiretso ako nang tungo sa parke nang umalis ako sa bahay ng mga De Asis. Narinig ko pang tinatawag ako ni Justine ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Na buwesit na ako sa amo niyang matanda para makipagsawsawan pa sa kanya.
Ipinilig ko ang aking ulo para alisin iyon sa isipan ko. Mas lalo lamang akong naiinis kapag naalala ko ang nangyari kani-kanina lang. Iyon ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ayaw kong pumasok bilang katulong. Because I know that they'll treat me badly. Hindi naman lahat pero halos lahat naman.
Tumigil ako sa may bench na naroon. Kung hindi lamang dahil sa punong nakatayo ay marahil abot iyon ng sinag ng araw. Umupo ako.
I was stomping my feet and playing with my fingers when I heard the sound of the car parking near my spot. My eyes bored at the person going out from the car. It was Justine, my brother.
"Ate," he called me.
I lifted a brow at Justine and stared at him. "Why are you here?" I asked.
Hindi niya kaagad sinagot ang tanong ko. Bagkus ay humakbang siya papalapit sa akin. Inikot ko na lamang ang mga mata ko sa ere.
"Let's go back there, ate."
Bigla akong napatigil nang marinig ko kung ano ang sinabi ng kapatid ko.
Go back? For what? Para kutyain—
"Sir Szaji want you to work for him instead," ani Justine na mas lalong nagpatigil sa akin.
What? D-did I heard it right? S-Szaji?
Dali-dali akong tumayo at mabilis na humakbang papalapit sa kapatid ko nang pumasok sa isip ko kung ano ang sinabi niya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Justine..." utos na sabi ko.
Agad ang pagdagsa ng kaba sa loob ng dibdib ko dahil sa narinig ko ngayon-ngayon lang. I was so certain that I heard his second name. It was Szaji. I was so sure that it wasn't a coincidence that time. Sigurado akong si Kier iyon kung tama lang ako ng pagkakarinig sa Szaji na binanggit ng kapatid ko.
Tinitigan ako ni Justine. Hindi ako kumurap.
"'Yong pamangkin ni sir, gustong doon ka raw sa kanya magtrabaho," pag-uulit niya sa kaninang sinabi niya.
Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina na hindi ko maintindihan. Biglang naghalo ang kaba at saya ko sa isiping doon ako kay Kier magta-trabaho.
"Ano, ate? Sasama ka ba o hindi—" hindi na natapos pa ni Justine ang sasabihin nang bigla ko na lamang siyang hatakin.
I quickly turn and went on the other door to go inside the car. Kahit naghahalo-halo ang nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa. It has been five days since I last saw his face. Hindi na kase siya nagawi pa sa club matapos ang gabing iyon.
Thinking about that night, it makes me feel how ignorant I was. How dumb I was for not knowing how he might feel. I couldn't believe it myself that I even shouted him asking what he feels. I was insensible enough to let myself anger him more.
Mas nauna pa akong bumaba ng sasakyan kaysa sa kapatid ko nang marating namin ang bahay ng amo niya. I run towards the door but I was stopped midway when I remember that I wasn't prepared. That I wasn't ready facing him after days of not showing himself.
"Bakit, ate?" Napatalon ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko sa gilid ng tainga ko.
Hinampas ko siya sa balikat. "Justine, naman!" mariing sabi ko.
Imbis na magsungit na naman sa akin kagaya ng kadalasan niyang ginagawa sa akin, ay tinawanan niya lang ako bago hablutin ang kaliwang siko ko at hatakin papasok sa loob.
YOU ARE READING
For All That It Takes
RomanceMended by the love he has for her. Accepting the cruelty she brought to his life. Rounded by the afflictions he thought didn't exist. Kier Szaji De Asis wasn't sure for anything. Valuing his life is the least among his priorities. But looking at the...