CHAPTER 8

1.6K 64 0
                                    

Nilampasan ko ang lamesa kung saan ko nakitang nakaupo si Harold. He was just alone. Nakatitig siya sa akin ngunit tinapunan ko lamang siya ng mabilis na tingin at dumiretso na sa kwarto kung saan kami nagbibihis.

Mula sa kulay pulang panty at bra na suot ko kanina ay pinalitan ko iyon ng itim na dress. Hapit na hapit iyon sa katawan na bumabakat sa bawat kurba ng katawan ko. Ang magulo kong buhok ay itinali ko paitaas bago inayos muli ang makeup ko at lumabas na.

I walked directly at where Harold's sitting. Nang makarating ako sa puwesto niya ay agad siyang tumayo. I just stared at him before sitting down.

"Siguraduhin mo lang na babayaran mo ako," ani ko kaagad.

Tumikhim siya at muling naupo.

"I have my cards with me. I can lend them to you so you can use any of them," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why? Wala kang barya?"

"I have none, Haier."

"Okay."

Wala akong pakialam kung ano man ang isipin ni Harold. Besides, he's the one who's offering his cards for me to use them. Cash ang gusto ko. But he has none. Hindi naman puweding libre na lang ang serbisyo kong ito.

"Huwag kang magreklamo kung gagamitin ko 'yan. Pera ang hinihingi kong bayad pero wala ka no'n,"

Kumuha siya ng alak. Doon ko lang napansin na nakaubos na pala siya ng limang bote no'n. Mabuti at hindi pa siya lasing.

"I don't care if you pull my money away, Haier. Ikaw naman 'yan kaya wala akong balak na pigilan ka."

Awtomatiko akong napa-angat ng aking kilay dahil sa sinabi niya.

"Are you sure?" I asked him.

Ngumisi sa akin si Harold. Mas lalong tumaas ang kilay ko dahil sa ngisi niyang iyon.

"I'm very certain, Haier," he said.

I just shrugged my shoulders after hearing his words. Tignan ko na lang kung hindi siya magreklamo kung pati mga gamit sa bahay namin ay bilhin ko gamit ang pera niya.

Wala sa sarili akong napatawa dahil sa naisip kong iyon.

"Why are you smiling?" dinig kong tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"

Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata.

"You're smiling. Why?"

Do I need to answer him?

"No, nothing..." I answered.

He drank from the beer that was on the table. I remained sitting next to him while staring at him. Habang nakatitig ako sa kanya ngayon ay hindi ko mapigilan ang isipin kung ano ang naging buhay niya mula nang iwan niya ako.

I didn't know why I wanted to know about his whereabouts for the past years. Gusto kong malaman iyon hindi dahil may gusto pa akong malaman tungkol sa kanya maliban na lamang sa bagay na iyon.

He stood up suddenly from his sit. I looked up to Harold. I looked at him with question was written on my face.

"Let's go outside."

"Bakit? Can't we just talk here?"

I don't want to go outside. Ayaw ko ang lumabas ng club dahil nasa trabaho pa ako. But he's also paying my time. He's also buying my time so I should go with him. Maybe...

Tumayo na lang ako mula sa kinauupuan ko at inayos ang suot ko. Lumingon muna ako sa lugar at hinanap kung nandoon ba si Elena. But I didn't saw her. Baka nasa loob at nag-aayos na rin.

For All That It TakesWhere stories live. Discover now