“Good morning Princeeeeeeesss!!!!”
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ng isang walang magawa sa buhay.
“Tss. Cry ano ba! Kita mong natutulog pa ako eh. Bakit ka ba nagsisisigaw diyan?”
“Syempre para gisingin ka. Hehe. ^__^v”
“Tss. Bakit, ano ba ang kailangan mo?”
“Hmm.” Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ko. “Gusto kong pagplanuhan natin ang camp na naplano namin ni Troy.”
“Eh akala ko ba kayo ang may plano niyan? Bakit naman ako napasama diyan?”
“Like hello? President ka kaya! Kahit contribution of ideas man lang sana may maitulong ka.”
“Psh. Matutulog pa ako. Hindi pa fresh ang utak ko dahil binulabog mo ako.”
Humiga akong muli sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
Pero...
“KYAAAAAAAAAAA! Cry ano ba! Ang bigat-bigat mong lampayatot ka! Umalis ka nga diyan!”
Pano ba naman eh dinaganan ako ? Argh! Kung hindi lang talaga kita *toooot*, kanina pa kita sinuntok eh. Pasalamat ka lang *toooot* kita.
“Hahaha. Eh bumangon ka na nga kasi diyan! Bilis na Princess!”
“Manahimik ka nga Saru!” Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakadagan sa akin.
“Hindi ako aalis ditto hanggang hindi ka bumabangon!” Nakangisi niyang sabi. Utakan ba naman ako?
“Ulol! Pano ako makakabangon kung nakadagan ka sakin?”
“Haha. So babangon ka na?”
“Oo na nga diba? May magagawa pa ba ako sa kakulitan mo?”
“Hahaha. Good. O siya, bumangon ka na.” Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at humiga sa kama sa tabi ko. Ako naman ay bumangon na.
“O ano pang hinihintay mo diyan? Bakit ikaw naman ang humiga?”
“Wala lang. Na-miss ko lang ang kama mo. Hehe. Palagi akong natutulog dito noon eh.”
Oo nga naman. Simula ng malaman kong sumunod ako sa gravity at nahulog ako sa kanya eh nagbago na ang lahat. Hindi na kami gaanong nag-uusap. Isa pa ang Smyrna na yan. Okay na sanang hindi niya gantihan ang pagmamahal ko. Basta ba’t wala lang Smyrna’ng mag-eesxist sa buhay niya.
“Tss. Busy ka lang ‘kamo.” Lumabas na ako at iniwan siya sa kwarto. Pero agad naman akong tumakbo pabalik ng maalala kong naiwan ko pala sa bedside table ko ang kinompose kong kanta. Sh^t! Patungkol pa naman yun sa kanya!
Pero syempre naman hindi obvious na siya no. Mahirap na baka mabuking ako ng di sa oras. Hindi pa ito ang tamang time para malaman niya. At kahit kailan, hindi magkakaroon ng right time para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko at...
“WAAAAAAAAAAA! Wag mongpakialaman yaaaaaaaaaaaaan!!!” Sh*t lang! ang poem, binabasa niya!
I’m doomed! >_____<
Tumakbo ako sa kanya pero inilayo niya lang ang papel sakin. Oo na! siya na ang matangkad! Siya na! pasalamat siya at hindi ko maabot! Argh!

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.