Tapos na kaming maghapunan. Dahil sa hindi naman maarte ang mga clanmate ko, simple lang ang ulam na niluto namin. Pritong isda at pakbet. Nasarapan naman sila sa niluto namin. Syempre, ako nagluto eh. Hehehe. Subukan lang nilang magreklamo, sa susunod, lalagyan ko nang lason ang pagkain. Bwahaha. Ang mean ko ba? hehe. Joke lang naman yun eh.
Nagliligpit na ng pinagkainan ang tagalinis ngayong gabi. Kami naman, ehem, sitting pretty na. Eh tagaluto kami eh. Bakit, may lulutuin pa ba pagkatapos mong kumain? Wala diba? Kaya eto, free na kami. Pero bukas, kami naman kawawa. Wehehe. Sina Cry na muna magsuffer ngayon. Kasama naman niya si Sharleen. Alam ko nag-eenjoy yun sa ginagawa. Ganyan iyon eh. Kung inspired yun asahan niyo na lahat ng gawain sa bahay niyo gagawin niya. Kahit pa maglinis ng septic tank. Di joke lang, over ata iyon. XD
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. 7:37 pm na kaya medyo hindi na talaga makikita ang awesomeness ng paligid. Maandang mag-sight-seeing kung umaga kaso dahil maggagabi na nag makarating kami ni Cry dito dahil sa letsugas na wish niyang iyon, hindi na ako gaanong nakapaglibot sa paligid. Nakakita ako ng isang bench sa ilalim ng isang puno at napagpasyahan kong umupo para hindi ako gaanong mapagod.
I love the moonlight tonight. mag-fu-full moon na kasi next sunday at luckily, hindi ngayon umulan kaya feel a feel ko talaga ang liwanag ng buwan. Na-fi-feel ba yun? Anlabo naman ata nun? Sana sa full moon hindi umulan. Para makapagstar-gazing naman kami.
Ang romantic naman nitong napili kong place, mas maganda pa sana kung nandito si Troy. Wehehe.
"Masama ang ngumiting mag-isa."
"Ay gorilya!"
nagulat ako ng may biglang magsalita sa tabi ko.And I was shocked!(O_O) buti madilim, di niya nakikita mukha ko. waaaa! Answered prayer ba 'to?
"Mapagkakamalan ka niyang baliw."
ngumiti siya sakin. Shete! Nareach na ng buto ko ang melting point niya!Ay ang korniiiii!
"H-Hi... Kanina ka pa dyan?"
"Kararating ko lang din."
"Ah, hehe. Uhm... ano kasi, may iniisip lang ako. Kaya ako nakangiti."
"Sino?"
"Ikaw."
"Huh?"
ay shete! Nasabi ko ba iyon? 'Nak ng tinapa naman Princess oh!Bad dog. tsk tsk tsk. >_<
"H-Ha..? A-Ah... wala.. Ang ibig kong sabihin, ikaw... uhmm.. ikaw lang ang nakakita sakin na nakangiting mag-isa. hehe."
Ano yun? meh ganun? Ang Bansot namang palusot iyan oh!
"Talaga?"
Oo, yan na lang paniwalaan mo. Nakakahiya eh. tsk.
"Yeah."
ano ba yan! Ang awkward! grrrrr!
"Ba't ka nga pala nandito?"
Argh! Troy, wag ka ng magsalita please! Psshhhh! Tahimik ka nalang kaya kasi! Naman eh!
"H-Ha..? A-ah, nagpapahangin lang."
Yeah, nagpapahangin. Gusto mo i-rephrase ko? Nagpapalipad hangin sayo! Lol.(Kfine, whatver.XD)
"Ganun ba? Uhmm, pwede ako sumama sayo dito?"
"P-Pwede rin."
No Princess! say NO! sige ka! Malalalag heart mo niyan!
"Hindi mo pa sinasagot tanong ko kanina."
BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.
