[Cry's POV]
"IBIGAY KO ANG PHONE SA WALANGHIYANG YUN PRINCESS! KAKAUSAPIN KO SIYA! PRINCESS---"
*toot toot tooot*
Sh^t! Naubos na ang load ko! Tss. Naiinis ako, naiinis ako, naiinis ako! Bakit ba agnun ang inasta ko? Parang ewan lang. Pero naman eh! Naiinis talaga ako! Nang marinig kong magkasasma sina Princess at ang gorilyang yun, natakot talaga ako. Natakot ako na di ko maintindihan. NAtakot ako na baka.. baka mawala sakin si Princess. Baka... baka makuha siya sakin ng gorilyang yun! PAg nagkataon, hindi ko talaga kakayanin. PArang kapatid ko na si Princess. No, more than that pala. Naiisip ko palang na hindi ko na siya makakasama pag naging sila gn gorilyang yun, nalulungkot na ako. I don't wana be lonely. I don't wanna be what I was before. Hindi ko gustong matulad ako kay mama na nabuhay sa lungkot.. nangako ako sa kanya, magiging masaya ako. At si Princess lang... ang bestfriend ko lang ang nakatulong sakin para matupad ko ang pangako ko kay mama. Kaya hindi ako papayag na may kumuha sa kanya mula sakin! Pwera na lang kung talagang mahal niya ang taong yun.Kasi hindi ko naman kaya na humadlang sa kaligayahan niya. Mahal ko siya. Mahalaga siya sakin. At kahit mahirap, handa akong palayain siya mula sa pangako niya sa aking ina, kung yun ang ikaliligaya niya...
Haaaayyy!!! Nababaliw na ako. Tss. Si Smyrna naman, ni hindi man lang tumawag o nagtext. May pag-asa rin kaya ako dun? Tss.
Naglakad na lang papunta sa parke malapit kina Princess. Dun na muna ako tatambay. Walang magawa eh. Hindi ako sanay gumala na wala si Princess. Tss.
Umupo ako sa isang bench doon. Pinagmamadasdan ko lang ang mga dumadaan. Baka sakaling isa sa kanila si Princess. Baka sakaling nagsinungaling lang siya na malayo ang pinuntahan nya. Tss.Isa pa yun. Hindi ko siya mauntahan kasi hindi niya sinabi sakin kung nasaan sila.
Arrggghhhh! Umiinit nang lalo ang ulo ko dun sa Gorilyang yun! Tss.
"Masyadong mainit ang ulo mo. Kung nais mo diyang puntahan, edi puntahan mo." Napalingon ako sa nagsalita. May katabi na pala ako, hindi ko namalayan.
"Troy?" Ngumiti siya sakin.
"Anong nangyari? Bakit di maipinta yang mukha mo?"
"Tss.Wala pare, may iniisip lang ako." Sabi ko na lang at tumingin sa ibang direksyon.
"Hmmmm. Kung gusto mo siyang puntahan, edi puntahan mo." Napalingon ako sa kanya.
"What do you mean?"
"You wanna know where she is?" Teka, ano bang sinasabi niya? Alam ba niya kung sino ang ibig kong sabihin?
"Ano bang pinasasasabi mo pare?" Takte, nginitian lang ako? Psh. Tumayo siya. Pero bago pa siya umalis, may sinabi siya saking isang lugar na hindi ko naman alam kung saan.
"Naetsumo-Subarshii Resort ang Wild forest..." Takte, san yun? Nandun ba si Princess? Eh pano naman ako makakapunta dun? Gusto ko sanang tanungin kung saan yun at kung bakit niya alam na nandun si Princess pero hindi ko na siya naabutan. Nawala bigla? Psh. Ano siya, multo? Ang bilis namang maglakad nun. Psh.
[Troy's POV]
Perstaym ko to!!!! Wehehe. Ang saya naman! May POV rin pala ako no? Ahemm. Dami pang satsat, sisimulan ko na nga ang pagsasasaysay...
Pano ko nalaman kung nasaan si Princess? Ganito kasi yun oh...
*Flashback*
"Troy, halika na. Nandun na sila sa sasakyan." Inilibot ko ulit ang mata ko sa paligid. Magandang lugar talaga ang napuntahan namin. Naalala ko tuloy si Princess. Ang president ng clan na sinasalihan ko. (Refer to chapter 1) Matagal na akong may pagtingin sa kanya. Kaso nga halata naman kasi na may 'something' sa kanila ni Cry eh. Ayoko nang makagulo pa. Alam ko naman kasing may story rin para sakin si Ms. Author.^___^

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
Fiction générale[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.