Chapter 12

305 10 0
                                        

I look around the place. Tamang-tama. Parang nalilimot ko ang mga problema ko pansamantala. Andito kami ngayon sa isang resort. Well, malayo talaga siya actually. Apat na oras lang naman ang biyahe. Pero worth it naman. Nakalimutan ko ang name nung resort. Tulog kasi ako nang makarating kami dito. Kayo kaya magbyahe ng apat na oras, hindi ba kayo aantukin?

Well, bakit kami nandito? Sino ang kasama ko? Ito oh, katabi ko. Sino pa edi si Flezi. Syempre kasama si Percy, Rainen for short. ^____^. Sinasanay ko na kasi ang sarili ko na hindi masyadong makakasama si Cry. Soon enough mawawala rin siya sakin, lalo pa't balita ko'y uuwi daw dito di Smyrna. Bahala siya. At yung poem? Ayun na sa bruhildang flirt na yun! Ibuking ko kaya si Cry kay Smyrna? Nah, kahit na naiinis ako sa kanya, hindi ko parin magagawa yun. Ganun kasi yun pag mahal mo talaga yung tao eh. Kahit na nasasaktan ka na, okay lang basta masaya ang mahal mo.

DUH? Ang korni ko masyado. Eh sa nagmamahal ang tao eh. Masama ba? Hindi naman diba?

Haayyy. Hindi nga masama ang magmahal, kung sa tamang tao ka nagmamahal.

"Ladies!" Napalingon kami ni Flezi sa tumawag samin at nakita ko si Percy, uwaaaa! Si Rainen nga eh! Oo na, si Rainen. Yun na nga, siya ang nakita ko na tumatakbo papunta samin.

"Bakit insan?"

"Tama ba nga namang iwan niyo ako dun?" :(

Aba nag-arte pa ha?

"Haha. Naku, sorry insan. Mas maganda lang talaga ang paligid kesa sa mukha mo." XD

"Insan naman eh!"Humarap siya sakin. "Oujasama, okay lang na sumama ako sa inyo na gumala?"

At bakit hindi? XD

"Okay lang, ano ka ba! Bakit naman hindi pwede?"

"Haha. Mabuti pa si Princess, mabait. Ewan ko sa iba diyan." Pagpaparinig niya kay Flezi.

"Haynaku Insan! Nagpapasipsip ka lang ata kay Bestie eh. Naku, luma na yang wordings mo insan! Haha."

Inakbayan ni Rainen si Flezi at ginulo ang buhok nito.

"Tara na nga.May alam akong place dito kung saan tayo pwedeng magrelax. Maganda dun."

"Tara!Tara! Bilis! Sayang, sana dinala ko si Criss dito." Parang bata talaga si Flezi. Tinutukoy nito ay ang boyfriend nitong si Criss Gamboa. Sikat yan. National Broadcasting Competition Champion yan eh.

"Tss. Eh di na-OP naman kami ni Oujasama sa'yo. Haha." Natatawang sabi ni Rainen.

"Psh. Eh ako naman ang ma-o-OP sa inyo eh."

"Haha. Ikaw talaga. Eh di wag kang magpa-OP sa amin. Go with the flow. Haha."

"Eehhhh! Kakainis ka talaga insan! Tss. Teka nga, mauna na kayong maglakadlakad ni Bestie. Babalikan ko lang ang phone ko. Naiwan sa kwarto eh."

 =____= So maiiwan na naman kaming dalawa ni Rainen dito? Ang hilig talaga nitong mang-iwan.

"Haha. Go na insan." tumakbo naman agad pabalik sa cottage room namin si Flezi.

"Wag ka nang babalik insan! Hahaha." Biro ni Rainen. Tumingin siya sakin tapos ngumiti. "Tara Oujasama."

He leads me the way. Pumasok kami sa isang gate na gawa sa kahoy. May mga nakalikok na butterfly sa gate. Nang makapasok kami sa loob, namangha talaga ako. Super ganda ng paligid. Parang nasa paraiso ako. Akala ko ay nag-e-exaggerate lang ang mga writer sa novels na may ganito kagandang lugar. Pero it does exist! May falls na hindi naman kataasan sa gitna ng lugar. Kitang-kita ang beauty niya dahil nakaharap siya sa araw. Sa baba ng falls, may ilog na hindi kalaliman. Sa tingin ko nga ay pwedeng maligo dun. Maraming bato sa gilid ng ilog at may mga bulaklak dun na nakalutang. Nakapatong kasi ito sa mga lalagyan na gawa sa kahoy at rubber para hindi magsink. Pero ang talagang nakakuha ng attention ko ay ang mga paru-paro na naglilibot kahit saan. Puno ng paru-paro ang paligid. Preserve daw kasi ang place na 'to according kay Rainen. Talagag high breed ang mga butterfly dito. May net nga pala na nakapalibot sa buong lugar. Para raw hindi makawala ang mga paru-paro.

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon