Chapter 33

150 2 0
                                        

Dire-diretso lang ako sa pagpasok sa loob ng bahay nina Princess. Actually nga medyo naninibago nga ako, since medyo matagal na rin akong hindi nakakapunta rito. Parang tingin ko nga hindi na kami friends ng bahay. =___=. Ewan, nasi-sense ko lang. :/

Umakyat ako sa kwarto ni Princess. Pero huminto muna ako sa pinto.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Gusto ko lang magprepare sa pagkikita namin ni Princess.

Ready... one.

Two

Three...

Binuksan ko ang pinto.

Ay tanga! Hindi man lang ako kumatok. =____=

Kahit nakaawang na ang pinto—kasi hindi naman siya nakalock kanina—kumatok pa rin ako.

"Princess?"

Pero walang sumagot sa akin.

"Princess???"

Nang wala pa ring sumagot, binuksan ko na ng tuluyan ang kwarto niya.

Pero...

Walang tao.

"Princess? Narito ka ba?"

Malamang wala! Eh walang sumasagot eh. =__=

Pero kasi baka... well, hindi naman siguro. Pero baka lang naman... baka…………. Iniiwasan niya ako. :(

HINDI! Hindi ko iiwasan ni Princess! Hindi niya naman gagawin siguro yun. tsaka saan siya magtatago? Alangan naman sa...

Nilapitan ko ang cabinet. Eh baka diyan siya nagtatago eh!

Pero... kasasabi ko lang diba? Na hindi niya ako pagtataguan.

Alam ko hindi gagawin ni Princess yun. alam ko.

Lumabas na ako sa kwarto niya ng wala akong makitang bakas na nandun si Princess. Pero may iniwan ako sa kama niya. Sana lang kahit yun na lang ang basahin niya.

"Tita, wala naman po si Princess dun sa kwarto niya."

"Ha? Eh baka nasa kusina?"

"Wla rin po. Pumunta na ako dun." Dumaan kasi ako sa kusina bago ako bumaba. Kasi nga baka nandun siya. Pero wala talaga.

"Ano ba naman yang batang yan! Kung saan nagsususuot! PRINCEEEESS?! Hanap ka ni Cry!"

"Ah... sige na lang po tita. Di bale na lang. aalis na lang po ako. babalik na lang po ako sa susunod."

"Oh eh sayang naman kung hindi kayo magkikita. Naku, sayang ng pamasahe. Hanapin mo lang Cry! Baka nandiyan lang diyan at pinagtataguan ka!"

"O_______O. H-Ho? Pinagtataguan ako?!"

"Oo. Alam mo naman diba? Gaya ng dati. Tuwing pupunta ka dito, pinagtataguan ka tapos gugulatin ka maya-maya. Nandiyan lang yun! nakita ko pa nga kanina lang na may sinusulat sa kwarto niya."

A part of me is saying na tama si tita. Pero another half is saying something else. At hindi ko gusto ang timbre ng tono nito.

Parang sinasabi nito na... pinagtataguan talaga ako ni Princess. Without any reason. Oh baka may rason talaga. =(

Sa naisip ay parang... ewan. Parang nahirapan lang akong huminga. Buong buhay ko hindi pa ako nakaramdam ng ganitong klaseng paninikip ng dibdib. Ngayon lang.

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon