Chapter 7

305 11 0
                                        

CHAPTER SEVEN

"Insan, san ba talaga tayo pupunta?" Tanong ni Flezi na nasa tabi ko. Napapagitnaan siya namin ni Rainen.

"Anywhere."

"Naman eh. Wag mong sabihin na hanggang mamaya ay iikot lang tayo dito ng iikot?"

Nandito kami ngayon sa isang parke. Actually, kanina pa talaga kami ikot ng ikot pero wala pa talagang matinong desisyon 'tong isang to.

"Haha. Sige na nga. Tara, dun na lang tayo sa restaurant banda doon." Itinuro  niya ang restaurant sa di kalayuan.

HATSUKOI RESTAURANT ang pangalan ng restaurant. Natawa nga ako dahil ang ibig sabihin kasi ng hatsukoi ay first love. May past siguro ang may-ari. Naintriga tuloy ako. Dito ako nakatira pero hindi ko alam na may nag-e-exist pala na ganitong restaurant dito. Hindi naman kasi ako lumalabas ng bahay. Madalas ko lang kasama si Cry. At wala naman kaming ibang pinupuntahan kundi ang tambayan namin. Speaking of Cry, nakalimutan ko na siya dahil kay Percy. Siguro nga hindi ko talaga love yung tao. Malamang tama si Flezi, belongingness lang talaga.

Nakapasok na kami sa loob. Wow, cozy ng restaurant ha! Parang nakakahiya tuloy 'tong attire ko. Simple blue jeans lang at T-shirt na may design na heart sa gitna. Nakaka-OP naman to. Eh sa hindi ko naman kasi alam na dito kami mapapadpad.

"Uhmm, Oujasama, Nani ga suki desu ka?" ( What do you like.)

Tanong sakin ni Rainen. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko na tawagin siyang Rainen. Baka masanay akong tawagin siyang Percy. Nakakahiya. >__<

"Nandemo yoroshii desu." (Anything will do)

Sagot ko sa kanya.

"Ano ba! Nasa Pilipinas tayo okay? Tigilan niyo nga iyang pagja-Japanese niyo! Nosebleed na ako dito!" =___=

Natawa lang kami sa sinabi ni Flezi. Hindi niya naman kasi naiintindihan ang mga pinagsasabi namin. Tinuturuan ko siyang magJapanese, kaso ayaw niya. Kaya ayon, ang alam lang ay Sayoonara (Goodbye) at Aishiteimasu (I love You).

"Haha. Inggit ka lang insan." Bibigay niya na sa waiter ang order namin. Siya na lang ang pina-order namin. Siya naman ang magbabayad eh.XD

"Ewan ko sa inyo! Bagay talaga kayong dalawa." Napatingin ako kay Flezi dahil sa sinabi niya.

Bigla naman akong nahiya.

Nakita kong ngumiti si Rainen.

"That's what I love you the most Flezi. You always say the truth."

Napatingin tuloy ako kay Rainen. He smiled at me.

Sheeeteeee! Ba't ako kinikilig?

Natural kiligin ka! Abnormal lang ang hindi kikiligin sa mga pinagsasabi ng Percy na iyan!

I smile shyly.

"hahaha! Ang lakas mo talagang magpakilig ng puso ng babae no? Ikaw talaga insan. Pero bagay talaga kayo." Biglang tumayo si Flezi.

"Labas muna ako saglit ha?"

Tumango lang kami sa kanya. Hiyang-hiya na talaga ako sa harap ko.Eh pano ba naman, titig na titig siya sakin. Argh. It's so awkward. >__<

"You look cuter when you blush."

Bigla naman akong napatingin sa kanya. Ngumiti siya.

Sakto namang dumating ang order namin. Hinintay muna namin na makabalik si Flezi bago kami kumain pero nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

From: Bestie Flezi

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon