Chapter 17

228 6 1
                                    

[Princess' POV]

It's better to act this way. Alam kong ako ang naglalagay ng pader sa pagitan namin. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Maaaring totoo ang sinabi niya na hindi niya ako iiwan, pero iibig at iibig siya sa iba. At darating rin ang panahon na iiwan niya na ako. Kung hahayaan kong maging malapit sa kanya, baka sa huli, mas masakit pa ang maramdaman ko. Mas mabuti nang ganito. At least, nakakaya ko pa.

Tsaka, sabi nga nila diba? Give chance to others. Hindi man ako sigurado kung iibigin ko nga ba si Percy o hindi, at least, I have given it a try. Yun naman ang mahalaga diba? Hindi ko sinarado ang pintuan ng pag-asa sa kanya. Malay natin, siya pala talaga ang itinadhana para sakin? ^____^

"Princess, anong problema?"

"Ha?" Nagulat ako ng bigla na lang nagsalita si Cry.

"Hindi ka na kumakain. Nakatulala ka lang diyan."

Tiningnan ko ang pinggan ko. Oo nga pala, kumakain nga pala ako. Naman Princess eh! Wag ka ngang t@t@nga-t@nga sa harap niya! Tss. Nagiging obvious ka tuloy!

"Ano ba talaga ang problema Princess?"

Ngumiti lang ako sa kanya. Sana naging effective rin kahit papano ang ngiti ko. =___=

"Tss. Wag mo akong daanin sa ganyan."

Ehh? TSs!Alangan naman sabihin ko sa'yo na ikaw ang problema ko?!PSh.

"Nu ka ba? Iniisip ko lang ang enrollment ko no! Next week na pero wala pa akong pera. Hehe!"

Binigyan niya ako ng nagdududang tingin pero dinedma ko lang. Alangan naman ibuking ko ang sarili ko sa kanya?

Hindi ko na tuloy natapos ang kinakain ko. Itinira ko na lang ito para sa aso ko. Nawalan na ako ng gana eh.

"Hindi ka pa naman tapos kumain ah?"

"Busog ako eh."

"Anong busog? Hindi ka nga naghapunan kagabi!"

"Sinong may sabi sa'yo na hindi ako naghapunan? Diba nga magkasama kami ni Rainen?"

"Tss.I don't believe you."

"Then don't."

Umalis na ako at umakyat sa kwarto ko. Agad akong nagtext kay Flezi. Pero nagulat ako ng ibang number ang nagreply sakin.

From: +63999.......

-San mo gs2 mamasyal ngaun?

Sino na man kaya 'to?

To: +63999.......

-Kh8 saan. gs2 q lg mamsyal. Knino # to?

From: +63999.......

-Percy 2 Oijasama. :)

Tara. Msyal tau. Sunduin kta.

Ehh???

Si Percy to?

O___________________O

Err..Sasama ba ako?

Tss!Diba nga sabi mo give chance to others? Kaya papayag ka Princess! Papayag ka!

Yeah, tama! Papayag ako! >.<

To: +63999.......

-ok. :)

*Message sent*

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon