[Cry's POV]
"Cry!"
Napalingon ako ng marinig ko si Smyrna. Patay! Nakalimutan kong kasama kop ala siya. =___=
"Oh Smyrna, bakit gising ka pa? Gabi na ah?"
"Eh kasi naman eh, hindi ka pa bumabalik. Nag-alala tuloy ako sa'yo."
"E-Ehh? Naku, wag mo akong problemahin. Okay lang ako. Natulog ka na sana."
"Eh gusto ko sabay tayo."
"HA?"
"Gusto ko sabay tayong matulog. Ayokong mag-isa sa tent ko. Hindi nga ako masyadong nakatulog kagabi dahil wala akong kasama. Alam mo naman na matatakutin ako eh."
"K-Kwan... ano kasi.. uhh.. hindi kasi pwede yun Smyrna eh."
"Bakit? Kayo nga ni Princess tabing natutulog eh!"
"Ha? T-Teka, sinong nagsabi sa'yo niyan?"
"Si Flezi."
Ehh? Teka, bakit alam ni Flezi yan? Hindi naman yan sumasama sa mga camps namin ah? Tsaka alangan naman na si Princess mismo ang nagsabi sa kanya?
"Naku, mali ka lang ng intindi. Ano kasi... uhhh., tabi lang kami nun kasi basa yung tent ko. Ganun yun."
"Eh excuse naman 'to eh! Natatakot ako Cry, hindi ba isang excuse yun?"
"Uhh, ganito na lang. Tabi na lang kayo ni Princess."
"AYOKO!"
Nagulat ako dahil ang lakas ng sigaw niya. Ano bang meron? O.o?
"Bakit ayaw mo? Galit ka ba sa kanya?"
Nakita kong natigilan siya.
"H-Hindi naman. Ano kasi... hindi pa ako gaanong sanay sa kanya."
"Eh matagal naman kayong magkakilala ah?"
"Kahit na! Meron pa naman kaming ilangan no! Ang tagal rin kaya naming hindi nagkita."
Aish. Ano'ng gagawin ko? Diba siya ang dahilan kung bakit kami nag-away ni Princess?
Kaso ibang rason naman yun eh. Hindi naman siguro selos ang dahilan diba? Tsaka bakit naman magseselos si Princess diba? Nagalilt lang yun kasi wala na akong time sa kanya.
Yeah, tama. Yun lang yun.
Pero... hindi talaga pwedeng tabi kami eh! Iba pa ang iisipin ng ibang clanmate namin. Buti kami ni Princess kasi parang magkapatid na kami. Eh si Smyrna? Tss.
"Cry, ang tagal mong sumagot."
"U-Uhh. Ano kasi... hindi kasi talaga yun pwede Smyrna eh."
"Eh bakit nga tabi kayo nun ni Princess? Marami rin namang ibang tent nun ah?"
"Eh kasi po, konti lang ang nakadala ng tent noon. Kaya wala akong choice kundi sa tent ni Princess makitulog. Sorry talaga Smyrna. Tabi rin naman ang tent natin diba?"
"Anong tabi?! Nilipat mo kaya ang tent mo!"
"Ha? Nilipat ko? Saan? Hindi ko naman nilipat yun ah?"
"Hmpf! Andun na sa tabi ng hall, katabi ng tent ni Princess!"
HUH?! O__O?
Hindi ko nilipat yun eh! Teka, sino'ng naglipat nun?!
BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.