"Bhestie?"
"H-Ha?" hindi ko namalayang natulala na naman pala ako. yan tuloy, nabubuking na talaga ako ni Flezi.
"Alam mo, hindi na talaga ako maniniwala na okay ka lang. eh kanina ka pa wala sa sarili eh! Nung tinukso ka ni Miss Flor, hindi ka naman nakasagot. Ano ba talagang nangyayari? Nung nakaraang linggo pa yan ha! Mamaya date niyo na ulit ni Insan, tapos ganyan ka pa. eh di epic fail na naman ang date niyo nyan? Ano ba talagang problema? Pwede ba? Sabihin mo naman sa akin oh!"
Pano ko sasabihin sa'yo Flezi? Eh same old thought lang naman 'to. Tsaka sigurado akong sasabog ka na naman sa inis oras na malaman mo kung sino ang pinoproblema mo.
Tsk. Siya kasi eh! Ilang araw na talaga siyang nanggugulo! Binura niya ang phone number ni Rainen sa phone ko, pinunit niya ang picture nito sa wallet ko, at ang mas malala pa! nung linggo na namasyal kami ni Rainen sa SM, aba't sinundan kami at kinuhanan ng picture! Isusumbong daw niya ako kay mama oras na makipagkita pa ulit ako kay Rainen.
Kita niyo?! Paano pa ako sasaya nito, kung ang taong mahal ko, ay siya rin mismong tao na humahadlang sa kasayahan ko? Okay naman sana diba? Pero bakit? Kahit malaman ko man lang sana kung bakit ito nangyayari sa akin. :((
"Grabe lang! parang hangin lang yung kausap ko oh! Wosh! Tsk."
Bigla naman akong napaharap sa kanya.
"S-Sorry Bhestie. Masyado lang talagang marami ang iniisip ko."
"Talaga? Marami ba si Cry?"
"O___________O. C-Cry? H-hindi kaya! nu ka ba? Bakit ko naman siya iisipin?" Shunga! Liars go to hell kaya! >.<
"Psh. Magtanggi ka man, obvious pa rin. Tss. Alam mo, mas kinakabahan ako sa kinikilos mo eh!"
"Ha? B-Bakit ka naman kakabahan?"
"Eh napanaginipan kaya kita kagabi!"
"Oh, tapos?"
"Tss. Parang... may hindi magandang mangyayari sa date niyo mamaya ni Insan. Kasi naman eh! Wag mo na kasi akong pakitaan ng weird look mo! Naalala ko tuloy panaginip ko!"
"Naku Bhestie, panaginip lang yan! Hindi nagkakatotoo yan!"
"Well, sana nga. Sana nga talaga!"
"Chibug na lang tayo, para mawala yang pagkabagot mo."
"Pwede! ^___^ Basta ba libre mo. :P"
"Heh! Wala akong pera panlibre! KKB muna! :D"
"Psh. Kuripot mo!"
Dapat nga siguro akong maglibang. Para kahit papano, mawala man lang siya sa isip ko.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Nga pala Bhestie. Hindi ako pwedeng chaperone mamaya sa date niyo ha? May lakad kami ni Criss eh. Nagyaya yung mom niya. Kaya solo flight ka muna mamaya!"
"HA?! Bhestie naman! Wag mo naman akong ganyanin! Eh nahihiya pa ako eh!"
"Nakow! Bakit ka naman mahihiya aber?"
BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.