Chapter 8

316 10 0
                                        

[Cry's POV]

Kakagaling ko lang sa bahay nina Princess. Actually, hindi naman totoo yung sinabi ko sa kanya eh. Nakipagkita lang talaga ako kay Sharleen sa park. May sasabihin daw siya sakin. Pero nung pauwi na ako, nahagip lang ng mga mata ko si Princess na ka-date ang syokoy na yun. Naasar lang ako kasi walang may sinasabi sakin si Princess tungkol sa kanya samantalang halos lahat ng babae sa buhay ko open na open sa kanya. Tama ba iyon? Haaayyy. Ewan ko nga kung bakit nagawa kong magsinungaling sa kanya. She's so gullible. Lahat kasi ng sinasabi ko pinapaniwalaan niya. Ganun siya kagandang kaibigan. Sobra-sobra siya kung magbigay ng trust sa mga taong mahahalaga sa kanya. Kaya nga todo ingat ako sa pagbibigay ng alibi sa kanya, lagot kasi ako pag mabuking ako. Well, para rin naman sa kanya yung ginagawa ko.

Para ba talaga sa kanya? O nagiging selfish ka lang?

Tss. No. That's not selfishness. Tinutulungan ko lang siyang wag masaktan. Wala nang matinong lalaki sa mundo ngayon, ako nalang talaga. XD

Naalala ko naman yung request ko sa kanya. First time yun na medyo nag-alangan siya. Dati kasi pag nagrequest na ako sa kanya, wala talagang 'Hindi' na sagot. Lahat oo. Kaya nga mahirap iwan ang bestfriend kong iyon eh. Maihahabilin ko lang siya kay Troy. Alam ko kasing matinong lalaki si Troy.

Ay oo nga pala, bago ko makalimutan. gusto niyo malaman ang pinag-usapan namin ni Sharleen? Haha. Parang nakakatawa na ewan.XD

*Flashback*

"Salamat naman at dumating ka kuya."

Yun agad ang bungad niya sakin pagkarating na pagkarating ko.

"Syempre naman. Pwede ba akong hindi dumating?" I smiled at her. Although fake nga lang.XD

"Kuya, Umm, ano, about dun sa sinabi mo sa camp..."

"Ah, yun ba? Don't worry, hindi mo na dapat pang problemahin yun. Ako na ang gumive-up. Tsaka mas nauna naman si Denver eh. Don't worry about me. Naka-move na naman ako eh." Again, I smiled. Yung made in China.

"H-Ha...?" Halatang hindi niya inaasahan ang mga sasabihin ko. Ano ini-expect niya? Na magmamakaawa ako sa kanya para ako ang piliin niya at hindi si Denver? Neknek niya!

"Don't worry Sharleen, boto ako sa inyo ni Denver. Bagay naman kayo eh." I winked at her. Bwahahaha! Nakakatawa ang mukha niya. Parang gulat na parang namumula na parang galit na parang naiinis. Alam niyo yun?

"E-Eh kuya..."

"Haha. Don't worry Sharleen, may bago na akong nililigawan ngayon."

Her jaw dropped. Bwahahaha!

I gave her my sweetest smile.

"May sasabihin ka pa?"

"H-Ha..? A-Ahh."

"Wala na? Oh sige, kailangan ko na palang umalis. May naghihintay pa kasi sakin sa restaurant."

Pinipigil ko na talaga ang pagtawa ko dahil nakanganga siya at halatang hindi makapaniwala sa narinig. Pero half truth lang naman yun eh, kasi ang gusto ko ay personal na manligaw kay Smyrna. Eh nasa Mindanao pa yun. Pero uuwi din siya dito. Sa susunod na buwan na daw. Hindi na nga ako makapaghintay eh.

"Panu Sharleen, una na ako ha?" Kumaway ako sa kanya tapos ngumiti.

"H-Ha? A-Ahh.. O-Oo, S-Sige... Kuya, Bye." Bwahahaha! Hindi pa rin siya nakakabawi. Buti nga sa kanya. Nasaktan din ako ha! Baka akala niya! Tss. Fake people deserve fake love. Di joke lang. Hindi ako ganun kasama. May magmamahal naman siguro sa kanya ng totoo. Siguro si Denver.Kaya go, sa kanya na ito. Parang C2, solo niya. XD

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon