[Cry's POV]
"Masyal tayo Cry!" kanina pa nakabitin na parang sawa sakin ang babaeng 'to. Kasi naman eh! Nagtatampo lang naman ako kay Princess kaya medyo naglielow muna ako. magpapalamig pa ng ulo.
"Namamasyal naman tayo diba?"
"Hindi 'to ang tinutukoy ko! Punta tayo dun oh!" tsaka niya itinuro ang Garden sa di kalayuan.
"Eh private property yan eh!"
"Sige na! please? Kausapin na lang natin ang may-ari."
"Eh. Baka mapahamak pa tayo diyan?"
"Hindi! Pramis! Kahit ako pa ang kakausap."
"Kasi naman eh!"
"Sandali lang, okay?"
"Tss." Wala na akong nagawa kasi hinila niya ako. Pero hindi pa kami nakakarating sa hardin ng bigla siyang sumigaw.
"Aray!"
"Oh, napano ka?"
"Ehh…" yung mukha niya parang iiyak na.
"Natapilok ako. ang sakit Cry. T___T"
"Ha? Saan banda?" Pinaupo ko siya sa damuhan pero umayaw siya.
"Ehh. Ayoko."
"Ha? Eh bakit?"
"Marumi kaya!"
"Tss." Naman eh! Badtrip pa mandin ako kay Princess, dadagdagan pa ng paggiging sosyal nitong isang 'to. Tss. "Bubuhatin na lang kita pabalik sa tent."
"Ehh! Hindi tayo pupunta sa garden?"
"Eh hindi ka naman makakalakad eh."
"Eh….. hindi mo ba ako… you know.."
Nak ng! magpapabuhat siya sa akin? Naman eh! Kung makakaayaw lang sana ako.
"Tss. Basta sandali lang ha?" binuhat ko siya ng 'sweetheart carry'.
"Salamat Cry! Kaya mahal kita eh!"
At bigla niya na lang akong hinalikan.
O________________O
Sa cheeks lang naman. Pero hello? Muntik ko pa siyang maibagsak sa lupa dahil sa gulat. Ayos din 'tong babaeng 'to no?
Hindi ko na lang iyon pinansin at humakbang na papunta sa hardin. Naman! Ang bigat-bigat niya! Super! >____<
---
[Princess POV]
San na kay si Cry? Kanina ko pa siya hinahanap pero talagang hindi ko siya makita eh. Naman! Pinaglalaruan ba ako ni Mr. Tadhana? :/
Nakita ko si Carla.
“Carla!”
Lumingon naman siya sakin.
“Po ate Princess?”
“Uhmm. Nakita mo ba si Cry?”
“Eh? Akala ko nga po kayo ang magkasama kanina eh.”
“Ha? E-Eh, hindi eh.”
“Kaso kanina ko pa siya nakita.”
“Saan?”
“Dito lang. Naglalakad.”
“May kasama?”
“Ehh? Opo. Kala ko nga po kayo yun.”
Si Smyrna malamang. Epal talaga niya. Tss.
“Sige Carla, salamat ha?”
“Sige po.”
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Nagbabakasakaling makita ko siya sa isa sa mga punso dito. Malay natin, dinala na siya ng enkanto niyang kasama mundo ng mga ito. Oh eh di kawawa siya. Psh
“Yow!”
“Ay manok!” muntik na akong mapatalon sa gulat. Tss. Si Denver lang pala. “Naman Denver eh! Ang hilig-hilig mo talagang manggulat no?”
“Haha. Sorry Miss President! Love lang kita eh. ^__^v”
“Ehh? Ano’ng konek?”
“Hahaha. Wala lang.”
“Ikaw talaga! Ang dami mong alam. Nga pala, nakita mo ba si Cry?”
“Ayiieee, hinahanap niya! Hahaha!”
“Naku Denver! Ang kulit mo talaga no? may kailangan lang ako sa kanya okay?”
“Haha. Joke lang. ikaw talaga Miss President, hindi na mabiro. XD”
“Oh eh ano na? nakita mo?”
“Haha. Chilaks! Eh, hindi eh. Hahaha.”
“PSh. Akala ko nakita mo na, kasi may paliko-liko ka pang nalalaman. =__=”
“Hahaha.”
“Sige, alis muna ako. Hanapin ko lang siya.” Iniwan ko na siyang tumatawa pa rin dun. Pero hindi pa ako nakakalayo ng sumigaw siya.
“NASA LIKURAN SILA NG FUNCTION HALL. HAHAHA.”
Nilingon ko siya pero hindi na siya nakatingin sakin. Pero, di nga? Sa likuran ng function hall? Pano siya, or SILA, nakapunta dun? At bakit dun?
Dali-dali akong pumunta sa likod ng function hall. Pero di ko inaasahan ang mabutan ko.
Si…. Si Cry.
At si… Smyrna.
Buhat-buhat ni Cry si Smyrna.
At…
O_________________O
Hinalikan ni Smyrna si Cry.
Unti-unti akong nanghina. Kahit sa cheeks lang yun! Hindi naman gagawin ni Smyrna yun kung walang real score diba? Siguro sila na.
Sa naisip ko’y bigla nalang akong napaupo sa lupa. I feel like crying. Ewan ko kung bakit. Pero gusto ko lang umiyak.
Huli na siguro ako. Naagaw na sa akin ang bestfriend ko. Bigla na lang akong napaiyak.

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.