Nakarating ako sa may likuran ng function hall.
"Princess..."
I feel so dumb and stupid.
"Priiiiiiiinnnccccceeeeeeeeeeeeeeeeeessssss!!!!"
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, basta ang alam ko, sumigaw ako at napaluhod.
Saka ko na lang naramdaman ang pagpatak ng mga ulan.
Nakikisama sa akin ang panahon. Kanina napakaraming bituin, pero ngayon, tila lahat sila nagsi-iyakan dahil sa lakas ng ulan.
"Princess... bakit..."
Mabuti na lamang at malakas ang ulan. Nakikisama lang sa agos ng ulan ang mga luha ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Princess... bakit ba nangyayari sa atin ang ganito? Bakit nangyayari sa akin ang ganito? Bakit ka napalayo sa akin? Kasalanan ko diba? Kasalanan ko!!!"
Akma kong isusuntok ang kamay ko sa lupa ng may mga kamay na pumigil dito. Hindi ko mamukhaan dahil sa lakas ng ulan.
"Cry... Tama na please. Wag mong saktan ang sarili mo. Please, tama na!"
Hindi ko alam kung mali lang ang panrinig ko dahil sa lakas ng ulan pero talagang boses ni Princess ang naririnig ko.
I don't know... But I hope I'm not dreaming.
"Cry, tama na."
Hindi ko alam pero iyak lang pala ako ng iyak.
Nalaman ko na lang na nakayakap na ako sa kanya. Hindi ako sigurado kung si Princess nga ba ito o hindi.
Basta yumakap lang ako sa kanya at ibinuhos lahat ng pangungulila ko kay Princess.
Mas lalo pang lumakas ang iyak ko kasabay ng lalong paglakas ng ulan...
**********************************
[Author's POV]
Blankong nakatingin si Princess sa bintana ng kwarto niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Pangungulila ba? Dahil tuluyan nang mawawalay sa kanya ang bestfriend niya?
O pag-asa? Dahil sa wakas ay makakalaya na ang puso niya mula sa pagkakatali kay Cry.
"Hoy!" napapitlag siya ng biglang tusukin ni Flezi ang tagiliran niya.
[Princess' POV]
"Ano ba Bestie! Nanggugulat ka na naman eh!"
"Eh tingnan mo nga kasi ang sarili mo! Tulala ka lang diyan sa ulan! May naalala ka na naman no?"
Napabaling akong muli sa bintana. Masyadong malakas na ang ulan.
Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Hanggang dun ba, umuulan din? Siguradong basa na ang mga tent nila.
Pano na kaya si...
"BESTIE!"
"Aray naman Flezi! Bakit mo ako sinigawan sa tenga?!"
"Eh kasi naman eh! Parang hangin lang ako dito! Ano ba! Wag mo na ngang isipin si Cry! Eh hindi ka naman iniisip nun eh!"
Napatingin ko sa kanya.
"Sorry."
Ngumiti lang ako ng mapait sa kanya.
"No need to feel sorry. Tama ka naman eh. Hindi naman talaga ako iniisip ni Cry."

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
Ficção Geral[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.