Chapter 9

310 9 1
                                        


[Princess' POV]

I've had enough of yesterday. Tama na ang pagpapakatanga. I can still treat him like he's my bestfriend right? Well, wala naman sigurong may magbabago sa amin, except nalang dun sa feelings chuchu ko sa kanya. Sana lang hindi niya mahalata na may gusto na ako sa kanya. Awkward naman ata yun. Well, magaling naman ako sa pagtatago eh. Ano pa't naging profession ko ang pretension? Bwahahah.


Pero sana talaga mawala na 'tong nararamdaman ko sa kanya. Hindi na kasi maganda. Nagseselos at nasasaktan kasi ako kahit na wala naman akong karapatang makadama ng ganun. Tss.

Bumangon ako at tiningnan ang orasan sa bedside table ko. 8am na pala. Kailangan ko nang magligpit at magluto. Hindi pa ako nakakapag-almusal. Nagdiretso agad ako sa kusina. Nagulat siguro kayo kung bakit hindi ako nagdiretso sa banyo no? Hindi ko po ugali yun. I don't care what I look like kapag nasa bahay ako. Mabibihis lang ako pag may bisita.XD

Pinakialaman ko na ang mga lulutuin. Yeah, ako po ang nagluluto. Si mama? Ayun, busy sa paglalaba. Hay, makapaglaba nga naman mamaya. Dumadami na kasi ang mga damit ko sa tambakan.XD

After 4 hours, di joke lang. After 1 and a half hours, hmmmmm. Inamoy ko ang niluto kong ulam. Yummy! Gusto niyong malaman kung anong ulam? Pritong isda.XD Joke lang. Adobo po niluto ko. Gusto niyo tikman? Sige punta kayo dito, bilis. Baka maubusan kayo.XD

"Ma, kain na tayo!"

"Tapos na ako. Ikaw na lang kumain."

Ganun? Grabe naman. Loner naman ako neto. Tss. Okay lang. Sanay naman ako eh. Everyday wala sina Papa at kuya. Parehong may trabaho. Tuwing Friday lang at Sabado kami nagkakasama-sama. Bakit? Day off nila eh, obvious ba? Si Kuya Jed naman? Eto ngayon. Tambay na sa bahay. Hindi pa kasi nag-aaral sa college eh. Pauunahin na daw muna kami. Kung pasukan, siya ang katrabaho ni papa. Ngayon naman na bakasyon, si Kuya Rey na lang muna. Para naman makapag-ipon-ipon din siya para sa pasukan.

Speaking of pasukan, hindi pa ako handa. Wala pa ngang pang-enroll eh. Pautang naman po sa inyo. Bayaran ko lang after ng story na 'to.XD Pwede? Ay hindi? Sige okay lang. Sa five-six nalang.XD

Pagkatapos kong mag-almusal, dumiretso agad ako pabalik sa kwarto ko para magbasa ng stories sa phone ko. Yeah, wattpad adik po ako. Especially mga stories nina Alyloony at HaveYouSeenThisGirl. The best! Ang binabasa ko ngayon? Voiceless ni HYSTG.Shocks!Nakakaadik talaga. Tss. Nandun na ako sa part na nagkakamabutihan na sina Momo at Sync ng biglang...





*Booooogssshhhhhh*


Bumukas ang pinto at viola!

O_____O

"Anong ginagawa mo dito bruha?"

Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Ilalakad ko lang si insan sa'yo."

O___________O

"ANO?!"

"Haha. Mas-ayos ka na nga! Nakakahiyang humarap ka kay Insan na ganyan ang ayos mo."

"Teka Flezi, ano bang pinagsasabi mo?"

She rolled her eyes heavenward.

"Nasa baba siya. Bilisan mong kumilos. Mainipin yun. Babala lang." Tapos ay iniwan niya na ako.

O_____O Wow. What was that. Pero tama ba ang narinig ko?






NASA BABA SI PERCY JACKSON??????

Okay, si Rainen lang pala.XD Dali-dali naman akong kumilos at nagbihis. Syempre, hilamos muna.XD After one millisecond, natapos na akong mag-ayos. Pwede ko na sigurong makaharap si Rainen ng ganito ang ayos ko. Shirt lang at mahabang shorts. ?__? May long ba na short? Ang gulo no? Basta yun na yun! Intindihin niyo na lang.

Tss. Sayang, nasa exciting chapter na ako ng voiceless eh. Wrong timing naman sila. Pero okay lang yun. Sulit naman. hihi. Anlandi lang eh no?

Bumaba na ako.

"Good morning." With his usual makalaglag-panty smile.

I smiled too. Medyo tabingi nga lang. Eh sa nahihiya ako eh! Ang aga-aga pa kaya! Hindi pa ako masyadong nakakapaglinis ng bahay.>__< Nakakahiya naman.

"'Morning. Ang aga-aga niyo naman ata? Hindi ko nga narinig ang pagdating niyo eh."

"Bakit Bestie, naririnig ba ang pagdating? Wow, bago yun ah? Haha." Tss. Flezi talaga. =___=

"Ewan ko nga sayo. Eh bakit nga?"

"Ewan ko rin sa isang 'to eh. Siya tanungin mo. Siya namilit sakin na pumunta rito no!"

O___O Si Percy ang may gustong pumunta dito? Goooojii galawgaw! Really? Really? Really?

"Hehe. Pambawi lang sana. May naki-epal kasi last time eh."

Tss. Pinaalala niya pa sakin ang event na yun. Nakakainis kaya yun! Psh.

"Oh, Princess. Kita mo 'tong batang 'to. May bisita pala eh hindi kanina niligpit ang bahay. Kita mo, ang kalat-kalat tuloy." Sabi ni mama na kakapasok lang mula sa likod. May mga bula pa sa kamay niya, sabon malamang! Alangan naman toothpaste yan? Tss.

"Naku okay lang po tita. Walang kaso po yun samin." ^__^ Si Flezi ang sumagot. Si mama talaga.

"Sino yan hija? Boyfriend mo?" Tinuro si Rainen. Ngumiti naman ang huli.

"Nopes po tita. Pinsan ko."^___^

"Ah ganun ba?"

"At future son-in-law niyo." Pabulong niyang sabi. Pinandidilatan ko siya. Tama ba namang sabihin iyon? Tss. =___=

"Ano hija?"

"Naku wala po. Hehe."

"Ah, akala ko may sinabi ka. O siya, maiwan ko muna kayo. Marami pa akong lalabhan."

"Sige po tita."

Naglakad na si mama palayo pero may pahabol pa.
"Princess, asikasuhin mo mga bisita mo ha? Ikaw talagang bata ka."

"Tss. Si mama talaga."

Natawa lang ang dalawa sakin.
"Oh ano na?" Sabi ni Flezi.

"Anong ano na?"

"Gumala daw tayo sabi ni Rainen."

"Ha?" Na naman?

"Do you have something important to do?"

Something important to do? Yung poem lang naman. Well, hindi naman yun important eh. Mamaya ko na lang gagawin. Para naman yun sa hippopotamus na yun. Okay lang na ma-late ng kunti.

"Nothing much."

"Ganun naman pala eh. So let's go!" Mas excited pa si Flezi ha?Anong meron?

Wala na akong nagawa. Go with the flow 'ika nga.
Naligo na lang ako. Hinintay naman ako nina Rainen at Flezi. Syempre, alangan namang iwan nila ako diba? Pagkatapos nun ay nagpaalam kami kay Mama at umalis na.


Target place-----Zoo. Para ibalik sa hawla si Princess.

Di joke lang. Hulaan niyo nga kung saan kami pupunta? Oh ano? Di nyo mahulaan no? Wehehe. Well, nandito kami sa...





sa...






sa...





Nandito kami sa bahay namin!!! Uwaaaaa! Wala kasi kaming naisip na puntahan kaya napagdesisyunan na lang namin na bumili ng chichirya at magmovie marathon sa bahay. Mabuti wala si Kuya Jed, umalis. Walang istorbo. Bwahahaha.

"Ano panonoorin natin?" Tanong ko sa kanila.

"Ano ba mga movies mo diyan?"

"Fanaa, Rang de Basanti, Lagaan, 3 Idiots, Slumdog Millionaire, Dil Chahta hai, Dobhi Ghat, Kuch Kuch Hota Hai, My Name is Khan, at Mangal Pandey." XD

"Hindi ka rin adik sa hindi films ano?"-Flezi

"Mahilig ka sa Hindi films?" Sabad ni Rainen.

"Haha, pasensya na lang. Eh sa magaganda naman talaga ang mga movies nila eh. Nakaaadik kaya si Aamir Khan!"

"Tss. Aamir Khan na naman? Don't tell me siya lahat ang bida sa mga movies na yan?"

"Haha. Hindi no. Tatlo sa mga yun hindi si Aamir khan ang bida."

"Tss. Whatever. Rainen, anong gusto mong panoorin?"

"Wala ka ba diyang Japanese? Hehe."

"Mabuti pa si Insan, patriotic. Ewan ko sa iba diyan." Pagpaparinig sakin ni Flezi.

"Eh sa maganda naman talaga eh. Haha. Uhmm, Yup? Kaso Pricnce of Tennis Live Action Movie nga lang ang meron ako eh."

"Aish.Sayang. Napanood ko na yan eh."

"Talaga insan?"

"Yups! Si Captain Tezuka lang ang idol ko diyan. Siya lang ang magaling eh."

"Hoy ang sama mo! Mas magaling kaya si Ryoma! Prince of Tennis nga siya diba?"

"haha. Basta si Tezuka lang magaling."

"Huwag mo namang laitin si Ryoma my loves."

"Eh makukwenthan na lang tayo dito? Hindi na tayo manonood, ganun?" Umepal si Bestie. Hindi naka-relate eh.XD

"Uhmm, ano ba gusto niyong panoorin?"

"Alin ba diyan ang hindi mo pa napapanood? Para walang spoiler."

"Lahat napanood ko na. Hehe. Pero hindi ako magkukwento, promise.^__^"

"Tss. Sigurado ka? Eh alin diyan ang pinakamaganda?"

"Fanaa dear! Fanaa na lang ang panoorin natin. Maganda iyan! Swear!"

"Sigurado ka?"

"Yup! Fave movie ko yan, okay?"

"Eh di sige. Tara na."

Inayos na namin ang DVD at nanood. Tambak ang chichirya namin kaya hindi kami nagutom. Wehehe.

Pagkatapos naming manood...

"Huhuhu. Bestie naman eh! Hindi mo sinabi na tragic pala ang ending niyan!" Napaiyak siya sa ending. Tragic talaga ang ending, pero hindi ko ikukwento sa inyo kung ano ang ending. Baka gusto niyong panoorin, spoiler na ako pag sinabi ko sa inyo ang ending.XD

"Eh diba sabi ko hindi ako magkukwento? Kaya yun!" Umiyak din kaya ako pagkatapos kong mapanood yun no!

"Kasi naman eh!" Pinahiran niya ang luha niya.

"Tss. Pero Bestie, i like it very much."^__^

"Ikaw Rainen, how do you find the movie?"

He smiled. "It's amusing. That's all."

I smiled at him too.

Biglang tumunong ang cellphone ni Flezi.
"Wait lang ha? Si Criss tumatawag. Sagutin ko lang." Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto ko.

Nagkatinginan lang kami ni Rainen tapos ngumiti sa isa't isa.

I feel awkward kung dalawa lang kami ni Rainen ang magkasama. Nahihiya kasi ako sa kanya.



"Princess, can I again ask you something?"

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon