CHAPTER FOUR
"Changes happen. Feelings grow. Find the truth before it's too late to know..."
Kanina pa yan paulit-ulit sa isip ko. hindi mawala eh.
"Changes happen. Feelings grow. Find the truth before it's too late to know..."
"Changes happen. Feelings grow. Find the truth before it's too late to know..."
"Changes happen. Feelings grow. Find the truth before it's too late to know..."
see? Kita niyo na? Hindi talaga mawala sa isip ko.Eh panu naman kasi yan mawawala eh sa hindi ko magets!!! Ano ba Troy! Binabaliw mo ako! Baliw na nga ako, dinadagdagan mo pa ang sayad ko sa utak! Argh! >___<
"Hoi Miniku! 'Nong nangyari sa'yo? Ba't busangot yang mukha mo?"
Lalo lang nalukot yung mukha ko.
"Hoy! Pumapangit ka lalo oh!"
"Tumahimik ka nga Saru! Kita mong may iniisip ang tao eh."
"Wee? Di nga? Tao ka ba? hahaha."
Batukan ko kaya ito para matauhan?
Inirapan ko na lang siya. Mukhang walang maitutulong itong beastfriend ko sakin eh.
Kasi Troy eh! Ano ba ang ibig mong sabihin? Gets niyo ba? Ako hindi eh. Maloloka na ako dito! HELP! HELP! Paintindihin niyo naman ako!!! Mas mahirap pa 'tong intindihin kesa Calculus eh.
"Hello? Miniku? Pwede bumalik ka na sa earth? Ang layo layo mo na eh!"
"Saru naman! Manahimik ka nga muna! Kakainis ka naman eh."
"Sus eto naman. Gusto mo malibang?" Ngumiti siya ng makahulugan sakin.
"Ano na naman ang plano mo?"
"Hehe. Ganito na lang. Planuhin na lang natin ang proposal ko." Tumaas baba ang kilay niya.
"Psh. Ngayon na ba talaga?"
"Oo! Para naman malibang ka at hindi kung anu-ano ang iniisip mo. Naku besfren! Maaga kang tatanda niyan! Mamaya ma-turn off pa sa'yo si Troy."
Tinakpan ko ang bibig niya.
"Huwag ka ngang maingay! Mamaya may makarinig sa'yo! "
Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.
"Haha. Ayaw mo nun? Unhidden na ang feelings mo sa kanya pag nagkataon."
"Nakakahiya kaya! Baliw ka ba? Ako pa ang umamin na ako ang babae?"
"Haha. Oo naman para maiba." He grinned.
"Loko ka talaga."
"Haha. So ano na?"
"Anong ano na?"
"Naman eh! Yung plan nga! Dali na kasi Princess! Tulungan mo na ako! Please?"
Nag-puppy eyes na naman siya.
Haayyy...Naman oh! Ba't ba ako nagkaroon ng pusong mamon? Kainin ko nalang kaya 'to?XD
"Oo na! Para manahimik ka na lang diyan. Psh."
"Yehey! I love you miniku!" ^___^
"I hate you Saru!." =__=
"Hahaha. Ikaw talaga."
So ayun nga. Pinlano namin ang lahat-lahat. Ilang beses pa nga kaming nagtalo eh. Gaya ng kung ano dapat ang kulay ng letter, red o pula. At kung rose ba o bulaklak ang ibibigay kay Sharleen.XD Pero sa huli, ako pa rin ang nananalo. Ako babae eh, kaya alam ko.
(Sunday morning)
Nag-eempake na kami ng mga gamit namin. Kakapagod talaga ang camp. Tss. Pero worth it naman. Marami daw silang nalaman. As a leader, syempre nasayahan ako nang malaman kong nagandahan sila sa camp na inorganize ko. Para sakin trophe na yun. ^__^
Actually, mamaya pang 4pm dadating ang service. Pero pinag-impake ko na sila para magawa namin ang plano namin ni Cry para sa proposal thingy niyang yun. Papupuntahin na kasi namin yung iba sa labas ng campsite at sabihing dun na maghintay habang kaming tatlo naman nina Cry, Sharleen at ako ay maiiwan dito para bitayin si Sharleen. Di joke lang. Para lunurin lang pala. Lunurin sa pagmamahal ni Cry. Bwhaha. Cheesy!!!
"Hey!"
"Ay kabayo!" Nilingon ko ang tumapik sa balikat ko at nakita ko si Iyak. Opo, si Cry po iyan.
"Haha. So ano na?"
"Anong ano na?"
"Nah, wag mong sabihing nakalimutan mo?" Medyo nalukot yung mukha niya.
"Ang alin nga? Diretsuhin mo nga kasi ako!"
"Yung, alam mo na... Yung proposal po lola."^___^
"ah, yun ba? Sorry, nakalimutan ko eh." Joke lang po yun. Gusto ko kasi siyang i-provoke eh. XD
Ngumuso siya bigla at halatang magtatampo na.
"Joke lang. Ikaw talaga. Maghintay ka na lang kasi diyan. Atat ka ata eh."
"Eh sino ba ang hindi maaatat niyan? Palibhasa wala kang love life at wala man lang romantic bones sa katawan."
"Ano sabi mo? Gusto mo sapak?" Iniamba ko sa kanya ang kamao ko.
"Kiss na lang." ^__^
"Kiskisin mo mukha mo! Baliw." =__=
"HAHAHAHAH! Nakakatuwa ka talaga Princess! Hahaha! Sarap asarin"
"Ah ganun? Bahala ka nga diyan!Asarin mong mukha mo! Hindi na kita tutulungan! Magpropose kang mag-isa mo!" Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Nakakabadtrip talaga ang isang yun. Haaayy.. Kung hindi ko lang mahal...WAIT! Like what the heck did I just say? Let me rephrase... Kung hindi ko lang besfren.. Yun! Yun yung tamang words.
Pero diba ang besfriend mo ay mahal mo? Eh ano ang masama dun kung mahal mo besfriend mo?
Oo nga no? May point ka din brain. Paminsan-minsan pala nagfa-function ka din ano?XD
"LQ?"
"Ay Halimaw ka! Naman eh! Kabute ka ba? Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?"
"Haha. Ganyan ako eh. Kung hindi ako ganito, eh di hindi na ako si Troy Madrigal."
"Psh. Ewan ko sa'yo. You know what? Pinapagulo mo lang lalo ang utak ko. Abnormal na nga galaw nito eh, dinadagdagan mo pa." =__=
"Hahaha. So palagi mo pala akong iniisip ganun?"
Impakto! Hindi ba nga naman na-gets ang sinabi ko? Argh. Ewan ko ba kung bakit habang tumatagal eh nagiging kumportable na ako sa kanya. Is it because my feelings are growing? Or is it because they're fading?
Aaah, erase the latter! Hindi iyon mawawala. 6 years na kaya yun! Super deep na nun kaya mahirap nang mawala.
"Eh? A-Ahm.. That's not what I mean."+__+
"Hahaha. Ikaw talaga, hindi mabiro. Ofcourse I know what you mean. Magugulo ka lang ng mga sinasabi ko sa'yo kung apektado ka. "
"Huh? What do you mean?"
He just smiled at me.
"Andito na siya. Time to do your plan."
Bago pa ako makapag-imik ay lumakad na siya palayo. Sakto namang hahabulin ko sana siya ng biglang dumating si Cry.
"Hey, wait. Eto naman. jino-joke lang naman kita. Wag ka ngang pikunin. Sorry na Miniku."
"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko na lang siya.Bigla naman siyang umakbay sakin.
"Tss. Ikaw talaga Princess. Tara na nga. Ililibre kita ng cornetto pagdating natin mamaya sa city. Sige na, sorry na. Please?"
Pagkarinig ko ng cornetto, biglang nag-heart shape ang mga mata ko like this--> (♥_♥)
I smiled. "Sabi mo yan ha?"
"Nah, yan lang naman pala katapat mo. Haha. Oo na."
"Yehey! Bwhahaaha. Walang bawian ha? Bibitayin kita pag binawi mo!" &__&
"Psh.Oo na oo na. Ikaw talaga."
"Haha. O eh ano pa ang hinihintay natin? Tara na! Bilis!" Hinila ko na siya sa hall.
"Ahm.. guys, kung tapos na kayong magligpit ng mga gamit niyo, mauna na muna kayo sa labas ha? Dun sa may waiting shed."
Nagsitanguan naman sila.
Nilapitan ko si Sharleen.
"Uhmm, Sharleen."
"Po Ate Princess?"
"Maiwan ka muna ha? Magpapasama pa ako sa'yo. May gagawin pa kasi ako eh. I know na ikaw lang ang makakatulong sakin." ^__^
"Ganun po ba? Sige po."
"Thank you." ^__^
She smiled at me. Parang nato-tomboy ako neto ah? Ang ganda niya talaga. >__<
I just smiled back. No doubt nagustuhan siya ni Cry. Ayos rin pala taste nun ah?XD
-----------------------------------------------------------------
"Sandali nga kasi! Step by step okay?" Nakakainis talaga 'tong si Cry. Hindi marunong maghintay. Napaka-impatient. >__<
"Dali na kasi. Ibigay mo na! Bilis na Miniku!"
"Psh. Oo na lolo. Eto na po!" Kakainis ka talaga! Kong hindi mo lang ako ililibre ng cornetto, kanina pa kita iniwan dito. Psh.
Nilapitan ko si Sharleen na Nagwawalis. Yung kasi ang pinagawa ko sa kanya na sabi ko ay tulungan niya ako. Wala na kasi akong maisip na palusot kong pano ko siya ma-persuade na magpaiwan na hindi nalalaman ang motive ko, namin. kaya ayun, she ended up sa pagwawalis. Tsk. Bad dog talaga Princess. >__<
"Hey pretty." With matching smile pa.
"Oh, ate, sandali na lang po ito. Matatapos na din 'to."
"Hehe. Uhmm, Sharleen, hindi naman kasi iyan ang rason kung bakit kita pinaiwan dito eh"
"Huh? Ah, eh, ano po pala ate? Maguhugas ng pinggan? Sige po, tatapusin ko lang po ito. Ako na po ang baha---"
"No Sharleen. It's not about these craps. I told you to stay here for a very important reason."
"Ha? Eh ano yun ate?"
Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko si Cry sa may di kalayuan na nakatayo at nakaharap sa bukid. Pero panay ang sulyap niya sa amin banda.
"To hand you this."
[Cry's POV]
"To hand you this."
Napalingon ako sa kanila ng marinig kong sinabi iyon ni Princess.
"H-Ha? Ano po yan ate?"
"Discover it yourself." Nakangiti niyang sabi.
Shete! Kinakabahan ako. Princess kasi eh. Hindi ito ang plano ko. Talagang sinira niya. Ang plano ko lang sana ay ipabibigay ko lang ang letter at rose para lang malaman niya ang nararamdaman ko. Tapos saka ko na siya lliligawan kung ready na siya. Alam ko bata pa siya. 15 pa lang siya. Nah, masyado pang bata sa isang katulad ko. Ayoko lang kasing maunahan. Baka magsisi pa ako.
"Hey. Basahin mo na." Narinig kong sabi ni Princess.
"H-Ha? A-Ah.. sigurado po? Para talaga 'to sakin?"
"Yups!" ^__^
Binulkat niya na ang letter at nagsimulang magbasa. Tumingin si Princess sakin para sabihing pumunta na ako sa kanila. Yes, ito ang kinalabasan ng plan ko. Lalapit daw ako pagkatapos niyang mabasa ang personal na sasabihan siya ng magic words. haist. Princess talaga. Masyado pang cheesy sakin eh. =__=
Naglakad na ako papalapit sa kanila. Nakita kong napasinghap si Sharleen. Saktong nakalapit na ako nang matapos niyang basahin ang letter.
"Sharleen..."
Bigla-biglang napaangat ang tingin niya at nagtama ang aming paningin.Shete! Why can I feel dragonflies in my stomach? tsk.
You can see in her eyes mixed emotions. Gulat, kasayahan, pagtataka at... panghihinayang?
Ilang minuto rin kaming nakatingin lang sa isa't-isa. Walang nagsalita. I'm the one who's proposing here so I must be the one to speak first.
"A-Ahmm.. S-Sharleen... Y-You know... "
"W-Why?" hindi pa ko nakatapos sa pagsasalita ng bigla-bigla niyang tinanong ang tanong na hindi ko alam kung pano sasagutin.
"W-Why? Why what?"
"Why? Bakit?"
Shunga. Alam ko ang tagalog niyan! Psh.
"Bakit ano?" Yeah, tinagalog ko lang rin ang sinabi ko.waaaaa!
"Bakit ako? Bakit ganito? Paano? I thought po all the while kay ate Princess ka may gusto. What I mean kasi, you look perfect together."
'Po'? yeah, kini-kuya kasi niya ako eh. Argh. Ano ba sasabihin ko?
"Kuya..."
"Please don't call me that. Parang ang tanda-tanda ko na pag ganun eh. Oh, here." I handed her the rose.
"Para sa'yo."
Tinanggap niya naman ito.
"K-Kuya... Bakit? Bakit ngayon lang?"
"Huh?" Naguluhan ako sa kanya. Ano ba? Bakit siya 'bakit' ng 'bakit'?
"Denver's courting me."
O____O
I didn't know what to react. Am I too late?
"since when?" yun na lang ang natanong ko.
"Yesterday." WHAT???!!! O___OTama nga si Princess. Sana sinunod ko nalang ang payo niya. Bagal talaga akong kumilos. Speaking of Princess, kaninang nakalapit na ako ay kusa siyang umalis. She understand na dapat namin ng private talk.
"Eh... Courtship pa lang naman diba?"
"Y-Yup..."
"Just let me do it Sharleen." Tumingin siya sakin ng may panghihinayang. Why?
"O-Okay."
[Sharleen's POV]
Why? Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ang ganitong bagay sa buhay ko. Matagal na akong my gusto kay Kuya Cry. Yes, as in matagal na. Mga 3 years ago nung una ko siyang makilala. Agad akong nagkagusto sa kanya. Nagkaroon ng munting pag-asa sa puso ko ng makipaglapit siya sakin. I thought na baka may chance na magkagusto rin siya sakin. Ngunit palaging nandiyan si ate Princess na bestfriend niya. Lahat kami saksi kung paano nila pahalagahan ang isa't-isa kaya unti-unting nawala ang pag-asa sa puso ko. Kaya kahapon ay pinagbigyan ko na si Denver na matagal ng nangungulit sakin. I allowed him to court me. Not only that! I promise him to give my yes 2 years from now. Pagkagraduate ko sa high school. Hindi ko naman kasi inaasahan na magkakagusto pala sakin, or worse, na may gusto pala sakin si Cry. Tsk... Nanghihinayang talaga ako dahil siya ang gusto ko.
"Tara na Sharleen. Punta na tayo sa labas." Inakbayan ako ni Ate Princess na nakalapit na sakin.
"S-Sige po." Naging matamlay ako pagkatapos nun. I don't know what to do. I have given a word to Denver already. Hindi ko namababawi iyon. Kung bakit kasi nagpadalos-dalos ako dahil sa kantang iyon eh. Oo, inaamin ko, nagselos ako dahil sa kanta ni Cry kay Ate Princess. Kaya nga diba binigyan ko na ng chance si Denver? Argh!!! I hate this! I hate this! I really don't know what to do....
Wait...
loading...
loading....
loading....
BINGO! Alam ko na! Magiging aloof na lang ako kay Denver para sa kalaunan ay siya na mismo ang lalayo sakin.
Alam ko masama iyon. Pero may magagawa ba ako? Gusto ko lang naman sundin ang puso ko. :'((
[Princess' POV]
yeeeehhh!!! May love life na ang bestfriend ko! Atleast makakatakas na ako sa makamandag na tukso ng mga clanmate namin! Bwahahaha!
Super happy ko talaga! I'm so happy for my bestfriend!
"Hoi, ano nginingiti-ngiti mo diyan?" Siniko ako ni Cry na katabi ko. Ewan ko kung ano ang pinag-usapan nila kanina. Wala pa akong kaide-ideya. Mamaya ko na aalamin ang lahat.Hehe
"Wala lang."^__^ Ang ipinagtataka ko lang kung bakit hindi magkatabi sina Cry at Sharleen. Ang katabi ni Denver. At isa pa sa pinagtatakhan ko, kanina pa kausap ng kausap si Denver kay Sharleen ngunit pilit lang mga ngiti ng huli. Parang ang lungkot lungkot niya. Bakit kaya? Dahil ba kay cry? Eh bakit nga? Wala pa naman akong naririnig na nalungkot dahil lang sa may nagkagusto sa kanya. Weird yata nun. >__<
I heard Cry sighed. What's wrong? Akala ko ba okay na? Eh bakit parang baliktad ata? Well, sabagay. Ang resulta ng isang bagay ay parang square root, pwedeng positive,pwede ring negative.Pero panu naging negative?
Aaaahhhh! Mababaliw na ako dito!! >___<

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.