"Princess, okay lang ba talaga sa'yo?"
Napatingin ako kay Flezi. Papauwi na kami ngayon at nakasakay sa taxi patungo sa terminal ng bus.
I smiled at her.
"Oo naman. Bakit mo naitanong?"
"Eh kasi… ang tahimik mo."
"Eh mas magtataka ka kung dadak ng dadak ako dito diba? ^___^"
"Sabi ko nga diba? Basta ha? Kung hindi mo na keri, just tell me okay?"
"Ikaw talaga Bestie! Akala ko ba magmo-move on na ako? eh bakit pinapaalala mo pa yan sa akin?"
"=____=. Sorry po."
"Haha. Okay lang, nu ka ba?"
"Hehe. Tulog ka na lang diyan Bestie! Gisingin na lang kita pagdating natin sa terminal."
"Okay lang Bestie?"
"Syempre naman. For the Princess.XD"
"Haha. Loka ka talaga. Pero sige na nga. Pagod na rin naman ako eh."
Inayos ko ang sarili ko at umidlip.
***********************
"Uhh, Bestie?"
Napapiksi ako ng naramdaman ko ang mahinang yugyog sakin ni Flezi. Iminulat ko ang mata ko, pero imbis na terminal ang makita ko, nagulat ako ng nasa harap na kami ng bahay namin.
"Bestie? Bakit,.. tayo andito?"
"Syempre para umuwi. Hehe."
"HA? Eh bakit..."
"Pinadiretso ko na lang ang taxi. Tinamad akong bumaba sa terminal eh."
"HA? O_O. eh di ang laki ng babayaran natin!"
"No worries. Si Troy naman ang nagbayad eh. Hehe."
"H-Huh? Si Troy?... Pero… pano?"
"Uhh, pwede bumaba muna tayo para makaalis na si manong driver? Magpaparada pa yan eh."
"Ay oo nga.."
Unti-unti naming binaba ang mga gamit namin. At nang masigurado naming nakuha na namin lahat, pinaalis na namin yung driver.
"Hui, Bestie! Ano na yun?"
"Ang alin?"
"Naman Flezi eh! Yung Troy…"
"Ah yun ba.? Eh utos niya eh. Sabi niya diretso nalang daw sa bahay niyo para safe. Binayaran niya na ang driver bago tayo umalis dun sa campsite. Kakilala niya kasi ang driver eh."
"Ha? Eh di ang laki ng binayaran niya! Ano na naman ba ang iniisip niya at pati yun kailangan niyang gawin?"
"Hayaan mo na nga lang siya Princess! Eh ginagawa niya naman yun para sa'yo eh!"
"Yun na nga eh! Kailangan niya pang gawin ang mga bagay na yun para lang sa akin. Eh nakakahiya kaya!"
"Wag ka nang mahiya! Sus. Eh nagmamahal lang yun tao."
"O___o? ano'ng sabi mo?"
"H-Ha? A-Ahh… ano… sabi ko. Hindi naman mahal maningil yung tao. Hehehe. ^___^v."

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
Fiksi Umum[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.