Chapter 34

186 1 0
                                    

"Princess, nandiyan lang sa ibabaw ng mesa sa sala ang baon mo. Iniwan na diyan ng Papa mo."

"Sige po ma."

Pagkatapos kong ilagay sa bag lahat na ng kailangan ko ay nagpaalam na ako kay mama.

This is it. New life. New horizon. New...... uhh? Love life? Di joke lang. ayoko pang isipin ang ganun. katatapos lang nga ng giyera sa puso ko, panibago na namang sakit ng ulo? Cease fire muna ako! >__<

Sumakay na ako sa nagdaang jeep. Hindi naman gaanong matagal ang biyahe patungo sa school ko. Mga... 45 minutes siguro. Hehe. Ngayon alam niyo na kung bakit ako palaging late sa school. =__=

Wow! I miss schooling ha! Parang ang tagal-tagal ng summer.  Well, marami lang talaga ang nangyari...

Hayy! C'mon Princess! Kalimutan mo na nga yun! hindi na magbabalik ang mga panahong yun! kailangan mong harapin ang bagong chapter ng story mo! Hindi yung binabalikan mo pa yung mga dumaan na! ://

"Good morniiing!"

"Ay kabayo!" pagtingin ko'y nakangiting mukha ni Flezi ang nabungaran ko. Schoolmate kasi kami. ^__^. "Ikaw pala Flezi. Good morning!" nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Kamusta? Ready ka na ba sa fourth year?"

"Hmm... medyo?"

"Ha? Bakit medyo lang?"

"You know naman diba? May hangover pa ako sa summer. ^__^"

"Ehh? Ganun? Kalimutan mo na nga kasi yung summer life mo! Isipin mo na lang na panaginip lang yun! masamang panaginip!"

"Hahaha. Baliw ka talaga! Nga pala, saan classroom mo?"

"L23. Ikaw?"

"CS13. Sige, dito na ako."

"Sige Bhestie! Ganbatte!" (good luck)

"Anata mo! Haha. Gumagaling ka na sa Japanese huh?"

"Haha. Ako pa! nga pala..." muli siyang lumapit sa akin.

"Ano na naman yan?"

"Gora tayo mamaya. ^_____~"

"Flezi!"

"Ang umayaw pangit! Hahaha!"

"Teka Flezi---!"

"Itetext kita mamaya!"

"Hoy---!" kita mo 'tong babaeng 'to. Hindi pa nga ako nakaka-oo. =_____= kulit talaga. Di bale na nga. Kailangan ko nga rin sigurong magliwaliw.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Kasi naman eh! Talagang piniringan pa ang mata ko!

"Secret nga kasi! Tumahimik ka na nga lang kasi Bhestie! Ikalimampung tanong mo na ata yan eh!"

"Eh hindi mo kasi ako sinasagot."

"Yosh! Narito na tayo! ^__^"

"Ha? Pwede na bang tanggalin 'to?"

Teka... ang bruha,=____=  bigla na lang nawala sa tabi ko.

"Flezi?? Saan ka? Hoy babae! Wag mo akong iwan dito, ano ba! Tatanggalin ko na ba 'to?.." aba ? wala pa ring sumagot? "Hoy! Ewan ko sa'yo, tatanggalin ko na talaga 'to!"

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon