Chapter 28

165 2 0
                                        

[Flezi’s POV]

“Ganun lang yun? Ganun lang ang gagawin natin? Sa tingin mo ba tatalab yun? Eh hindi naman yun makaubra sa haliparot na yun eh!”

“Flezi! Watch your words naman. Kahit na may naiinis rin ako sa kanya, hindi naman siguro tamang tawagin siyang haliparot diba?

“Eh ganun naman talaga siya eh!”

“Kahit na! hindi pa rin tama yun!”

Oo na! siya na ang mabait! Tss. Sana sa kanya na lang inlove si Princess hanggang ngayon no? para walang problema.

“Okay, sorry lang. nadala lang ako sa emosyon. Pero di nga? Yan lang ang gagawin natin?”

“Oo naman. Hindi naman natin siya pwedeng ipatapon sa ilog pasig diba?”

“Troy, kulang yan eh!”

“Eh ano pa ba ang gusto mo?”

“Uhhh…” napaisip ako. Pano ba naman kasi, ang babaw ng plano niya ha! Gusto niyong malaman kung ano? Oh sige, sasabihin ko.

Kakausapin si Smyrna at pagsasabihang tigilan niya nang sirain ang relasyon ng magbesfriend. Tapos, kung hindi niya gagawin, ilalayo namin si Cry sa kanya.

Kayo ba, okay lang sa inyo yun? Diba kulang???!! Kaya kailangan kung dagdagan ang plano.

“What if, lagyan natin ng daga ang bag niya? Lagyan ng langgam ang buhok niya habang natutulog siya, at pahiran ng uling ang katawan niya. Diba brilliant idea?”

Pero ang face ni Troy ay ganito: =__________=

“Flezi hindi ka na bata para sa mga ganyan!”

“Eh kasi naman eh!!”

“Tss. Okay, ganito na lang. si Cry na lang ang papiliin natin.”

“Ha? Ano ang ibig mong sabihin?”

“Ilayo natin si Princess sa kanya. Tapos kausapin mo siya, papilin mo. Si Smyrna,o si Princess.”

“Eh bakit ako ang kakausap? Diba dapat ikaw, kasi lalaki ka?”

“Eh ikaw ang bestfriend ni Princess! Gawin mo ‘to para kay Princess!”

"Eh mahal mo nga rin si Princess eh!”

“Labas na yun sa usapan!”

“Kasama pa yun!”

“Ikaw na kasi,kasi may guts kang sabihin yun! Warfreak ka eh.”

“Ah ganun?”

“Tsaka sinabihan ko na si Cry na tutulungan ko siya kay Princess. Awkward naman kung pagkatapos ng lahat, papipilin ko lang siya sa dalawa.”

“Eh tinutulugan mo nga siya kay Princess diba? So talagang kailangan niyang mamili!”

“That’s out of the question naman eh!”

“Hayy. Oo na nga ! ako na! sige na! talo na ako! Naman eh!”

“Yosh! So everyhing settle then.”

“Teka!”

“Ano?”

“Pano natin ilalayo si Princess?”

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon