Chapter 1

1.7K 17 2
                                        

*8 months ago*

 "Next week, mayroon tayong camp sa Brgy. DiKoAlam, isang buong linggo tayong mag-i-stay doon. Dalhin ang sumusunod…"

Isinulat ko sa blackboard na hindi black ang mga dadalhin nila next week. President kasi ako ng club naming AYC ---Adventist Youth Clan.

(A/N: sa mga clanmate ko sa clan na 'to, pahiram lang ng clan ha? Wala na kasi akong maisip eh. Hehe ^___^v)

"Cry.." tinawag ko yung bestfriend/alalay ko.

"Oh?"

"Pwede mo 'ko samahan to check the campsite bukas?"

"Sure, why not. Basta ba libre pamasahe.hehe"

"Shunga! Kasama natin si Kuya Jong. Sa kanya tayo makikisakay. Kaya walang pamasahe, okay?"

"okay. Sabi mo eh. Just text me tomorrow kung aalis na."

"Okay."

 Hinarap ko na ang mga members namin.

"May tanong pa ba kayo?" nagsiiling na sila.

"Okay then, see you next Sunday here, around 1pm okay?"

"okay."

Sabay nilang sabi. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Habang nagliligpit ako, may kumalabit sakin. Pero paglingon ko walang tao. Hmmm, alam ko kung saan ko matatagpuan ang kumalabit sakin. Yumuko ako at ko ang nakangiting mukha ni Cry.

"oh, anong ginagawa mo diyan? 'kala mo siguro di ko malalaman na nandiyan ka no? kilala na kita Cry. At pwede ba? Tigil-tigilan mo nga ako sa mga trip mo ngayon. May iniisip pa ako."

"Asus.! Sino iniisip mo? Eh ako lang naman yang laman ng isip mo eh."I glared at him.

"Bwahahahahaha! Joke lang. ikaw talaga, hindi mabiro."

Sinipa ko siya ng medyo malakas.

"aray naman! Masakit yun ha!"

"eh ang kulit mo kasi eh. Sabi nang wag mo nga muna akong istorbohin. Ang kulit mo kasi."

"chilaks! Ang aga-aga napakahyper mo."

"Hayy, kung iniisip mo lang sana ang iniisip ko, eh di sana ay maiintindihan mo ako."

"Sus, maka-emote wagas! Hahahaa.."

bigla naman agad siyang sumeryoso nang nakita niyang hindi ako natawa.

"Okay, ano ba yang iniisip mo? May problema ba?"

Isa ito sa gusto kong ugali niya. Maalalahanin kasi.

"Ano pa eh di ang mga youth natin. Nahihirapan na kasi ako eh. Alam mo naman na ang kukulit nila diba? Hindi lang basta makulit, pasaway pa! hay.."

"Chilaks! Nandito naman ako eh, tutulungan kita sa kanila. No problem diyan! 'no ka ba!"

ginulo niya yung buhok ko.

"Ano ba! Eh wala pa man din akong suklay."

"Kailan ka ba nagdala ng suklay? O, kailan ka nagsuklay? Hahahah"

Tinamaan ako dun ah? Tama ito, hindi nga ako nagdadala ng suklay. Kung may dala man ako, hindi naman ako nagsusuklay. Hindi kasi ako ang tipo na bawat minuto, nagsusuklay, o kaya naglalagay ng polbo sa mukha. Para kasi sa akin, mga ewan lang ang gumagawa no'n.

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon