Chapter 35

167 2 0
                                        

"Bhestie, Percy, thanks talaga ha! Hindi niyo lang alam kung ganu niyo ako napasaya ngayong gabi."

I'm back to calling him Percy. Requested niya eh. ^__~.

 Inihatid na nila ako pauwi. Actually, gabi na talaga. Quarter to nine na nga eh. Pero nakapagpaalam naman ako kena Mama.

"That's good to hear Oujosama. Kahit nga kakarating ko lang, parang nawala lahat ng pagod ko eh."

"Haha. Pero salamat talaga ha?"

"Always.:)"

Tama ang narinig niyo. Kakarating lang nga ni Percy kanina. Kahit pagod pa siya, talagang nag-effort siya na pumunta rito kesa magpahinga. And I really appreciate it. :))

"And to you, Bhestie..."

"Yes, my lady?"

"Haha. Loka.!.. uhh., salamat ha?"

"Para saan?"

"Alam ko namang ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito."

She smiled. Sabi na eh.

"Walang anuman. Pero effort pa rin naman ni Insan lahat eh. I just told him that she needs a lover, ayun. Kumaripas agad ng lipad dito."

"Insan!"  tinakpan ni Percy ang bibig ni Flezi. "Ang ingay mo, alam mo?"

Napangiti na lang ako. okay...

Kasama na dun ang kilig.

To think kasi na ginawa lahat ng 'to ni Percy para lang sa akin? Sino ba ang hindi tataba ang puso nun? This is just... semi-perfect. Syempre, hindi pa naman perfect kasi hindi pa siya ang mahal ko. Nasa 'kanya' pa ang puso ko. Pero alam ko naman na in time, pasasaan ba't mamahalin ko rin and isang 'to.

"Panu, Oujosama. Bago pa may masaming iba na naman 'tong si Flezi, una na kami."

"Haha. Sige Percy. Salamat ulit ah? Tsaka ingat kayo! "

"Sige, Oujosama. Oyasumi!"

"Oyasumi!" (goodnight)

"DFGFJKFDFYJMVNBDF!!!" kahit kayo siguro walang may naintindihan sa sinabi ni Flezi no?. Hindi pa rin kasi binibitiwan ni Percy ang bibig niya. But I interpret it as 'goodbye bhestie' kasi nagwave siya eh. Well, assuming lang. haha.

Haayyyyy! Nakakapagod na araw. Pero worth it naman. :)) Hindi ko alam na may kabutihang dala pala ang first day ko. ^___^

Pumasok na ako sa gate at agad inilock yun. wala na naman kasing papasok eh. Ako na lang siguro ang huling papasok.

Dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto at umakyat sa taas. Baka kasi magising ko sina mama pag hindi ako magdahan-dahan.

"Oh, narito ka na pala Princess?"

Sabi ko nga diba, gising pa sila. =___=

"Yeah. Sige ma, akyat na ako, pagod na ako eh."

"Sige. Nga pala, awsgdiordsgoiohkdlfko" hindi ko na narinig ang sinabi ni Mama kasi nga pagod na talaga ako at inaantok na. parang echo na lang ang narinig ko.

I opened my door and...

I closed it.

I opened again.

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon