Nagpalipat-lipat ang tingin ni Cry sa aming tatlo. Una, sinungitan siya ni Flezi at pinagsalitaan ng kung anu-ano. Pangalawa, umeksena pa si Percy. Pangatlo,
Kailangan ko nang tumakbo!!! Waaaah! Ano ba!! Paglalaruan ba talaga ako ng tadhana? T____T pero ako naman ang gumagawa ng tadhana ko eh. >.<
"Uhh, Percy---"
"So this is the reason? Kaya sinusungitan ako ni Flezi at pinagsasalitaan ng kung anu-ano, pati si Smyrna nadamay pa, dahil lang sa kanya? I don't understand this!"
And I don’t understand either!!! Tatanungin mo pa ako gayong naguguluhan rin ako?! Naman oh!
Binitawan ni Flezi ang kamay ko at hinarap si Cry na nakakunot pa rin ang noo.
"Pwede ba Cry, okay naman ang lahat eh! Masaya na si Princess kay Rainen. Bigyan mo naman siya ng karapatang lumigaya!"
"Bhestie! Please, enough! You don't know---"
"Teka nga! Ano ba ang karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan Flezi? Hindi mo alam ang mga nangyari sa pagitan namin ni Princess!"
"Hindi alam? Talaga? Bakit, nasaan ka ba nung mga panahong kailangan ka ni Princess? Nasa Smyrna mo!!"
"BHESTIE ENOUGH! Ano ba kayong dalawa! This is no big deal.!"
"No big deal?! It's a big deal Bhestie!" okay, hindi siya nakinig sa akin.=__=
"Wait nga muna, ano ba talaga ang nangyayari?"
Napaharap kaming lahat kay Percy na naguguluhan pa rin.
"Nothing Insan, tara na." yun lang ang sinabi ni Flezi at hinila kaming dalawa ni Percy patungo sa kotse.
[Cry's POV]
I don’t' understand what I'm feeling. Nakatingin lang ako kena Princess habang papalayo sila. A part of me is saying na habulin sila, pero hindi ko na alam kung ano ang gagawin pagkatapos.
I hate myself! I hate myself for being insensitive. Naiinis ako dahil hindi ko man lang naramdamang kinailangan pala ako ni Princess.
Tama si Flezi. Siguro, ganti na 'to sa akin.
I don’t know, pero... nasasaktan ako. I can feel my heart bleeding. Alam kong kailangan rin ni Princess si Flezi, pero hindi ko kayang makitang kasama niya si Rainen! Sasaya si Princess, pero hindi sa piling ng mukhang palangganang yun!
"Bakit hinayaan mo na lang silang umalis?"
Napatingin ako ng bigla na lamang may nagsalita sa tabi ko.
"Troy?"
"Okay lang sa'yong nakikitang naaagaw ng iba si Princess?"
"Kanina ka pa nanonood sa amin?"
"Hindi ko naman sinasadya. Talaga lang malakas ang boses ni Flezi at rinig ko pa ang sigawan niyo. Kaya ako napadaan at.. well, nakinig na rin. ^_^"
"Ganyan kalakas ang sigawan namin? Teka, hindi naman ako sumisigaw ah?"
"Joke lang. napadaan lang talaga ako at nakita ko kayong apat na nagtatalo."
"So alam mo na pala."
"Oo. Matagal na."
"Matagal na? pano?" teka, pati siya alam? Ano 'to? Kaya ba pati si Troy hindi ako pinapansin sa camp? Alam lahat nila?

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.