[Flezi's POV]
"Haaaay…" uminat ako.
"Oh, ano na naman ang problema mo?" tanong sakin ni Princess. Kakatapos lang naming kumain. nandito kami ngayon sa ilalim ng puno nakaupo. Malayo kena Cry. Bakit? Wala lang. gusto ko lang ilayo si Princess sa kanya. Ang angas eh.
"Wala naman." Pagkakaila ko. Naku, kung alam lang niya na siya ang problema ko!
"Yan ka na naman eh! Eh bakit kanina pa nakakunot yang noo mo?"
"Wala lang. new stress reliever 'to no! try mo rin."
"Loka! Ano ako? timang?"
"Talaga naman eh."
"Hmpf! Ewan ko sa'yo! Alis na nga lang ako."
"San ka pupunta?"
"Sa tent."
"Bakit?"
"Wala naman akong gagawin dito eh."
"Hindi ka gaganti?" sabi ko sa kanya habang hinahabol ko siya.
"Gaganti saan?"
"Kay Cry. Sa ginawa niya sa'yo."
"H-Huh?"
"Hehe. Joke lang. ^__^" diniinan ko ang salitang JOKE para di niya mahalata. Hay naku. Sa tingin ko tatandang dalaga na ako nito. Pero syempre hindi naman mangyayari yun. nandiyan kaya si Criss no! ^___^
"Joke? Teka nga! Ano ba talaga ang problema? Pareho lang kayo ni Cry eh!"
"H-Huh? Bakit? Ano ba ang tungkol kay Cry?"
"Tss. Ewan ko sa'yo Bestie! Kanina si Cry, parang may ibang sinasabi. Ewan ko lang ba kung guni-guni ko lang yun o talaga bang may nahimigan akong tampo sa boses niya. Tapos sabi niya, wala naman daw problema. Tapos ngayon, ikaw, nagdedeny na naman. Hayyy. Ano ba talaga? Ang gulo niyo eh!"
"E-Ehh… wala.. natitimang lang kami ni Cry. Hehehe."
"Timang? Ewan ko dun! Di na ako pinapansin simula kanina. Tss."
"HAAA?"
"Ano ka ba! Wag ka ngang sumigaw Bestie!"
"Eh… Sorry. Pero di nga? Di ka pinapansin ni Cry?"
"Ewan. Parang?"
"TSs. Sinasabi ko na nga ba!"
"Sinasabi ang alin?"
Agad kong napatakip ng bibig.
"Ah..Hehe.. Wala. Nevermind."
"Ano ba Bestie? Para na akong baliw dito sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari, tapos lahat na lang ng tatanungin ko, WALA ang sagot o di kaya NEVERMIND! Naman eh! Magtatampo na ako!"
Natahimik ako. Eh alangan naman sabihin kong balak naming kalbuhin si Smyrna diba? Hindi pwede.
"Basta nga lang! may surpresa lang kami sa'yo ni Troy." Palusot ko.
"Surpresa? Troy? Ano na naman ba yan?"
"Surpresa nga diba?"
Napalingon kami sa nagsalita at ang nakangiting mukha ni Troy ang bumungad sa amin. Nasa labas na kami ng tent ni Princess ngayon.
"Troy! Kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Kakarating ko lang rin. Hinanap kita eh."
"Oh, mukhang may pag-uusapan ata kayo. Sige na, chupi na kayo dito at matutulog ako." sabat ni Princess.
"Matutulog? Kakakain mo lang, matutulog ka na agad?"
"Eh sa gusto kong matulog eh! Gusto kong tumaba!"
"That's not healthy dear."
Natigilan si Princess maging ako rin sa endearment ni Troy sa kanya. Uyyy, DEAR daw oh! Haha. Kfine.
"E-Ehh? H-ealthy na ito ngayon." Yun lang ang sabi niya at pumasok na sa tent niya. Wahaha! Kita niyo yun? kita niyo? Ay, di niyo nakita? Saying. Eh wala kasi kayo dito eh! Sana nakita niyo ang pamumula ni Princess. :D
"Pano Flezi. Tara?"
Hinarap ko si Troy.
"Sige. Tara nang planuhin ang pagpaslang sa salarin! XD"
"Wag kang maingay! Marinig ka ng iba diyan mamaya."
"Haha. Joke. ^__^"
Naks. Mabuti na lang talaga may Troy pang nag-eexist sa mundo. Kung hindi, siguradong solo flight ako sa krimen na gagawin ko. XD
----
[Princess' POV]
Narinig ko ang papalayong yabag nina Flezi at Troy. Hay. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Si Cry. Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano. Pero kung galit siya, saan siya dapat na magalit? Wala naman akong natatandaang ginawang kasalanan ah? Diba wala naman? Diba?
Tapos ngayon naman, ang kabaliwan nina Flezi ang hindi ko maintindihan. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Kayo ba alam niyo? Kwento niyo naman sa akin oh!
Tss. Si Cry si Smyrna na naman ang kasama. Ano ba ang nakain ng lalaking yun at bigla na lang nag-iba ang likaw ng bituka? Naman eh!
Pero, ahemmm. Ewan ko pero natigilan ako sa pagtawag sa akin ni Troy kanina ng 'dear' ha. Wehehe. Sana kung siya pa ang laman ng puso ko ngayon, eh di sana nagtatatalon na ako ngayon.
Ah ewan. Hindi pa rin naman nawawala ang problema ko dahil dun eh. Hmmm.
Bumangon ako at lumabas. Kailangan kong makausap si Cry. Kailangan kong ayusin 'to.

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.