CHAPTER FIVE
[Princess' POV]
"Hui, Saru. Magkwento ka na kasi, dali na!"
Nandito kami ngayon sa likod ng covert court ng plaza. Sa harap namin ay isang tulay na hindi naman kataasan. Pero patay ka pa rin kung malalaglag ka. Puro bato kasi sa baba. Tambayan namin ito kasi walang tao dito eh. At peace kami pag nandito kami. Kung may problema kami, dito lang kami pumupunta. Kaya kapag wala ang isa, alam na ng isa kung saan hahanapin ang isa.
Kanina ko pa kinikulit ang isang 'to pero mukhang walang balak na magkwento. Unfair! Puro 'Basta hindi gaya ng inaasahan mo' ang sagot niya sakin! I smell something fishy na pero hindi naman maganda na magconclude agad ako ng hindi ko pa nalalaman ang buong estorya. Sana talaga nakinig na lang ako sa kanila kanina. Kaya lang ay hindi ako pinanganak na chismosa eh. Tsaka I respect other's privacy naman.
"Tss."
Yun lang ang sinabi nya!
"Ano ba! Bibitayin na kita para magkwento ka! Naman eh! Cry! Hindi na ako mapakali dito! Kanina pa ako nagtatanong hindi mo ako sinasagot ng diretso! Tingin mo ba sakin manghuhula na huhulaan lang kung ano ang nangyari sa inyo kanina? Bestfriend naman! Nakaktampo ka na! Sige ka, hindi mo pa sasabihin sakin ang nangyari? Tatalon ako dito! Tapos kung mamatay na ako mumultuhin kita kahit hindi nag-e-exist ang mga multo. Tapos---mmmmmmmm."
What the? Bigla niya na lang linagay sa bunganga ko cornetto niya. Kinagat ko na lang ito at nginuya. Masarap eh. ^__^Thank you nalang. Bwahaha.
"Ang ingay mo. Psh. Naunahan na ako."
Bigla-bigla ko na lang nalunok ang buong ice cream na naging dahilan kung bakit ako nabilaukan ako.
Nataranta naman si Cry dahil sa hindi na ako makahinga. Hinagod-hagod niya ang likod ko.
"Naman Princess eh. Hindi ka naman kasi nag-iingat. Tss."
Nang mahimasmasan na ako bigla akong napasigaw.
"EH SINO BA ANG NAGSAKSAK SA BUNGANGA KO NG ICE CREAM NA PAGKALAKI-LAKI?"
"Ako."
"Psh. Naman eh. Nanggugulat ka kasi. Hintayin mo nga munang lunukin ko yung ice cream bago ka magsalita ng ganun. Muntik na akong mamatay eh." =__=
"Eh kanina tanong ka ng tanong, nagagalit ka nung hindi kita sinasagot, tapos ngayon na sinagot na kita, nagagalit ka na naman! Ano ba talaga?" =_____=
"Psh. Huwag ka lang kasi mambibigla. Tss."
"Ewan ko sa'yo."
I sighed.
"Ano ba ang ibig mong sabihin? Naunahan ka na? Nino? Paano? Kailan pa?"
"Isa isa lang nga Princess. Sobra ka pa sa media kung makapagtanong eh. Akala mo computer ako na pwede mong pagawain ng task ng sabay sabay."
"Eh ano na nga kasi? Sagutin mo na kung ayaw mong mag-ala-armalight na naman 'tong bunganga ko." =__=
"Tss.Naunahan na ako ni Denver."
O__O
*Poink*
"Aray naman Princess. Bakit mo ako binatukan? Tss."
"Eh ikaw kasi eh! Sinabi na sayong bilisan mong kumilos. Nagkamali ba ako? Hindi diba? Ang bading mo kasi eh. Parang di ka lalaki. Psh."
![](https://img.wattpad.com/cover/2408308-288-k545846.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.