Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagkiliti sa akin ng hangin. Nasa isang hardin ako ngayon. Isang napakagandang hardin. Punong-puno ng lila na bulaklak ang paligid at kitang-kita ang berdeng-berdeng mga puno sa di kalayuan. May maliit na batis sa gilid ko na siyang nagbibigay buhay sa munting paraiso kinaroroonan ko.
Patuloy ang pag-ihip sa akin ng hangin na siyang naging dahilan upang mas lalo akong mapangiti.
"Aba't nasisiyahan ka pa ha?"
Bigla na lang lumakas ang ihip ng hangin. Parang... parang tatangayin ako!!
"Hoy!"
Teka... nandito rin sa paraiso si Cry? Pero... bakit?
"Hindi ka pa rin babangon?!"
"C-Cry?"
Sa wakas ay nahanap ko rin ang boses ko.
Pero nang matauhan ako, bigla na lang akong napabangon. Panaginip lang pala. =____=
"Aray!"
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Sapo niya ang ulo.
"Ano ka ba naman Princess. Bigla-bigla ka na lang babangon. Naumpog tuloy ako. akala mo naman tulad mo akong bakal ang ulo sa tigas. Kita mo, ni hindi ka man lang nakaramdam ng sakit. >.<"
As if on cue, parang naramdaman kong unti-unting naipon ang sakit sa noo ko.
Naumpog nga pala ako. =_____=
"Bumangon ka na nga diyan!"
*kurap kurap*
*kurap kurap*
What's this?
Bakit... siya narito? O___O
May alam ba kayo na hindi ko alam? Ano bang nangyari? Bakit narito 'tong lalaking 'to.?
"What's wrong? Bakit ka natigilan?"
I stare blankly at him, still searching in my mind the reason why he's here. Why he's so casual.
"Ano ba naman yan Princess. Sa reaksyon mo, parang hindi tayo nagkaayos kagabi ah?"
Teka...
Loading....
Loading....
Loa...
"Ahh!" oo nga pala! Nagkaayos kami kagabi. XD sorry po, nakalimutan eh!
"Naman Princess! Para ka namang nakakita ng multo kung makasigaw!"
Bumangon na ako. I completely remember everything. We talked, laughed, and shared things together last night.
"Multo ka naman talaga eh." Gwapong multo. XP
"Multo ka diyan! Sa gwapo kong 'to? Gagawin mo lang multo?"
"Feeler ka talaga kahit kelan. Unggoy ka naman!"
"Manahimik ka Miniku!" (remember: Miniku means 'ugly')
"Wala akong panahong makipagbangayan ngayon sa'yo Saru. May pasok pa ako at male-late pa ako." (Saru=monkey)
Parang ang sarap sa feeling na balik kami sa dating tawagan. It feels like... coming home.
"Eto naman, ang sungit mo talaga tuwing umaga. Sige na nga. Hindi na kita kukulitin. Sige uwi na ako. ginising lang kita para makapagpaalam ako."
BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
Narrativa generale[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.