Chapter 29

195 2 0
                                        

[Cry’s POV]

Naman!  Ang sakit-sakit ng likod ko sa kakabuhat kay Smyrna kanina ha! Pagkatapos ng ilang minuto’y nagyaya na akong bumalik. Buti naman at hindi na siya nagreklamo. Dahil kung nagreklamo siya’y talagang ihahagis ko na siya sa mga rosas dun!

Para Bed of Roses. XD

Di joke lang. kawawa nan yun kung sakali. Hehe . andun na siya ngayon sa tent niya at nagpapahinga. Dapat rin nga akong magpahinga kaso kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Para naman matangay palabas ‘tong masasamang espiritu na pumasok sa isip ko. Haist.

 Bigla na lang akong binalot ng kalungkutan. Parang bigla na lang akong nakaramdam ng pangungulila kay Princess.

Ang as if on cue, nakita ko sila ni Flezi na naglalakad sa direksyon ko.

Ako dapat eh! Ako dapat ang kasama ni Princess ngayon. Ako dapat ang bestfriend niya. Ako dapat ang nasa lugar niya. Pero bakit… naging iba?

I need to do the move.

I composed myself and prepared. Kailangan ko na talagang kausapin si Princess.  Kailangan kong malaman kung bakit niya ginawa yun. Kung ano ang motibo niya.

Hindi naman kasi tamang bigla-bigla na lang sasama ang loob ko sa kanya. I didn’t even give her the benefits of the doubt. How cruel of me.

Pero pag-angat ko ng tingin ko, wala na sila.

Guni-guni ko lang ba yung nakita ko na magkakasalubungan kami ni Princess?

“Sige, paniwalaan mo ang walanghiyang yan! Sumama ka diyan sa kanya! At makikita mo, mawawala sa'yo ang bestfriend mo!"

Parang bigla na lang nag-echo sa tenga ko ang sinabi ni Flezi sakin. Parang hindi ko yun binigyan ng kanina ng sinabi niya yun sa akin. Pero  ngayon, parang malaking bato na paulit-ulit na tumatama sa akin.

At parang…

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon