Chapter 21

263 2 0
                                        

“Waaa! Bestie I’m so excited! First time ko talaga ‘tong sasama sa outing ng clan niyo! Waaa! Sana nga pala dinala ko rin si Criss no? Waaa!”

*boink*

“Aray naman Bestie! Ba’t ka ba bigla-bigla na lang namamatok diyan?!”

“Eh ang ingay-ingay mo eh! Hindi pa nga tayo nakakarating sa assembly place,kung makasigaw ka diyan daig mo pa si Sunako-chan!”

[Sunako-chan is the main character of Yamato Nadashiko Shichi Henge. ^__^v]

“eeeeh! Egzoited lang! >__<”

“Psh. Ewan ko sa’yo!”

Nanahimik na lang ako. Mabuti na man at na-glue na yung bunganga niya at hindi na umingay hanggang sa makarating kami sa hall.

Pagbaba ko sa tricycle, nakangiting mukha kaagad ni Cry ang bumati sakin.

“Princess...”

Lumapit siya sakin.

I’ve been waiting for you...”

This is what I’ve dreamt. Is it...really happening?

O___________O

Joke lang.  ^___^v

waaa! Wala kaya si Cry dito! Haha. May pinuntahan pa daw eh. Susunod na lang daw siya. Ewan ko bas a lalaking yun...

Nagiging malala na talaga ang sayad ko nitong mga nakaraang araw. Hayst. Wala na kasi si Percy eh. Wala na akong taga-uplift ng mood ko. Tss.

“Hi President! Kamusta?”

I smiled at him.

“Okay lang Denver. Ikaw?”

“Eto, gwapo pa rin. Haha.”

“Ay? Mukhang bumalik ata ang bagyo ah? Lumakas ata bigla ang hangin? Haha.”

“Hehe. Ikaw talaga. Oh... sino yang kasama mo Miss President?”

Napalingon ako.

UWAAAAAAAAA! Kasama ko nga pala si Flezi no? Nyay! Nakalimutan ko na. waa!

“Ah... Kwan... si Flezi nga pala. Bestfriend ko. Flezi, mga clanmates ko. Ikaw na lang ang bahalang umalam ng mga pangalan nila. Hehe.”

“Teka? Akala ko ba si Cry ang bestffriend mo?”-Jake

“Oo nga naman? San  na siya? Bakit hindi kayo magkasama?”-Sharlou.

“Nag-LQ kayo ate?”-Carla.

“Break na kayo?”-Denver.

“Hindi na siya sasali sa clan?”-Angeline.

“Bakit ate? Bakit?”-Lovely.

=______________________=

Ang galing lang no? hindi nila ako binigyan ng pagkakataong magsalita. =__=

“Hindi naman sila ni Cry eh! Ano’ng pakialam niya sa lalaking yun? Tsaka siya lang ba ang may karapatang maging bestfriend ni Princess, ha?”

Napatingin kami bigla kay Flezi

“Bes...tie?”

“Tss. “

The Princess' CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon