[Princess’ POV]
Kanina pa kami gumagawa dito pero hindi pa rin kami nag-uusap. Okay. Spell, awkward.
Lumapit ako sa kanya. Hindi para kausapin siya kundi para hugasan ang kutsilyo. Nasa lababo kasi siya eh.
“Excuse me.” Tumabi naman siya at pinagamit ako ng gripo. Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“What?”
“Tss. I can’t take this anymore,Princess.”
I looked away from him. I just can’t dare to see his face. Magiging fragile lang ako.
“What do you mean?”
“I can’t take your coldness anymore.”
Dun lang ako tumingin sa kanya.
“Coldness? You’re just paranoid, Cry.”
“Paranoid? I don’t think so Princess. Dati kapag tayong dalawa ang tagaluto, ang ingay-ingay natin. Halos hindi tayo maubusan ng kwento. Pero ano ngayon? Ni hindi nga tayo nag-iimikan eh. Tapos sasabihin mong paranoid lang ako?”
“Tss. Guni-guni mo lang yan.”
“D@mn it Princess! wag na nga tayong maglokohan!”
Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. He looks so frustrated.
“C-Cry, ang higpit ng hawak mo sa kamay ko.” Sa halip ay ito lang ang nasabi ko.
Niluwagan niya naman ito pero hindi niya pa rin binitiwan.
“Ang niluto natin Cry, nasusunog na.”
“Sh*t lang Princess! Ano bang nangyayari sa’yo?! Wala ka na bang pakialam sa pagkakaibigan natin ha? Wala lang ba sa’yo ang pinagsamahan natin ng higit labinlimang taon? Wala ka bang pakialam, ha Princess?”
“Cry, bitiwan mo na ako. Ang niluto natin---“
“D@mn it! hayaan mong masunog yan! sagutin mo ako Princess! walang halaga ba sa’yo? ha Princess?”
Hindi pa rin ako sumasagot pero parang tutulo na ang luha ko.
“Tss. I guess tama ako. Wala lang nga sa’yo ang lahat. Lahat ng pinagsamahan natin. Lahat lahat. Wala lang ngang halaga sa’yo ang lahat. Okay then.” Binitiwan niya ang kamay ko.
Masakit. Oo, inaamin ko. Masakit. Pero hanggang kailan ko dapat kimkimin lang ang sakit?
Kailangan ko rin sigurong sabihin sa kanya. At eto na ang pagkakataon.
This is my time.
Ako naman ang humawak sa kamay niya at pinigilan siya sa pag-alis.
I just need to say these. It’s now or never.
“Akala mo ba hindi ako nasasaktan?! Akala mo ba hindi ako nahihirapan na iwasan ka? Akala mo ba madali lang ang lahat para sa akin? Akala mo ba walang halaga ang lahat sa akin? Akala mo ba madali lang ang lahat? Ha Cry? Nahihirapan rin ako Cry! NAHIHIRAPAN RIN AKO!” hindi ko na talaga mapigilan. Traidor na luha. Bigla nalang kumawala sa mga mata ko. Aish.
“Princess...”
“Cry gustuhin ko mang ibalik ang lahat sa dati hindi na pwede! Sino ba ang nagsimula nito ha? Sino ba? Importante ka sa buhay ko Cry! Hindi ko kayang mawala ka sakin. Pero simula ng dumating siya sa buhay mo, *sob* wala ka nang time sa akin. Lahat nalang siya. Siya lagi ang iniisip mo. Lahat ng ginagawa mo *sob*para sa kanya. Halos nga liparin mo ang Mindanao para lang makasama siya. Naisip mo ba kahit ni minsan Cry *sob* na nawawalan ka na nang time sa akin? Mas inuuna mo pa siya kesa sa akin! Natakot ako Cry! Natakot ako *sob* na baka *sob*dumating ang araw na mawawala ka sakin . kaya mas mabuti nang mas maaga ay sanayin ko ang sarili ko na wala ka. Kasalanana ko ba Cry? Kasalanan ko ba kung *sob*hanapin ko ang sarili ko? Ha Cry?!!”

BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.